Chapter 45: Kalaban

1970 Words

Marahan ang pag-inom ni Lunar ng kape habang ang kulog at kidlat ay hindi matigil-tigil na tila galit na galit. Naroon siya sa madilim na sala at ang mahabang mesa kung saan sa mismong kabisera siya nakaupo habang ang kausap na may pilak na buhok ay naroon. Kapansin-pansin na pilak din ang buhok ni Lunar at mahaba ang mga iyon pero itinali ang kalahati. Nangiti si Lunar, “Mukhang isa sa pamilya mo ang gustong makipaglaro sa ‘kin, Crescentine.” Marahang wika ni Lunar. “Hindi ko alam kung alam niya na ang itinatago niya ay may malaking tiyansa na magiging tagapagligtas ng New World o sadya lang na kumikilos siya katulad ng ibang kalahi mo na kapag nagkagusto sa babae ay tila nasisiraan ng ulo.” Idinaan ‘yon ni Lunar sa isang tawa. Iniangat ni Crescentine ang tsa’a at hinigop ‘yon saka ma

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD