Nagmistulang masaya at buong pamilya si Vincent at Shariena at batang nasa sinapupunan ng babae. Magkasama nilang niligpit ang kanilang pinagkainan at hinugasan. Ngayon lamang nila naranasan ang ganung bonding simula nung magkakilala sila, para bang walang problemang nakapaligid sa kanila. "Shower muna ako," paalaam ni Shariena kay Vincent na ngayon ay nakaupo sa couch at umiinom ng kaunting alak. Habang nagpapatuyo ng buhok si Shariena sa harap ng salamin ay lumapit si Vincent sa kanya. Humalik ito sa noo ng dalaga sa ngumiti. Nagpaalam din ito sa dalaga na maliligo muna. Pagkalabas ni Vincent galing sa banyo ay nakabalot lang ng tuwalya ang hubad niyang katawan. Kasalukuyan lang nakaupo si Shariena sa kama habang nakasandal ang likod sa headboard at hinihintay na matapos ang bi

