Sa simbahan na nadaanan ni Vincent ay may napansin siyang lalake na nagtitinda ng cotton candy, may isang babaeng malaki ang tiyan ang bumibili dito at may kasama itong dalawang bata. Kahit nakatalikod ang babae ay tila nahihiwagaan siya sa pagkatao nito. Kaya agad siyang bumaba sa kanyang motor kabadong lumapit sa babae. Ganun na lamang ang kanyang pagkagulat ng tama ang kanyang hinala. "Shariena!" mabilis niya itobg kinabig saka agad na niyakap. Labis-labis ang pangungulila niya sa babae kaya halos hindi na niya bitawan ito mula sa kanyang napaka higpit na yakap. "Wait!" Pilit na kumawala si Shariena sa lalake na salubong ang kilay. "Shariena... bakit?" nagtataka si Vincent sa naging reaksyon ng babae. "Hindi kasi ako makahinga!" Galit nitong sagot sa lalake. "Sorry." at ak

