I

1342 Words
“Hoy Odessa ano ba yang inaarte mo? Bakit galit na galit ka kay Pogi!” Iritadong tanong sakanya ng pinsang si Olga. Si Zac ang impakto niyang kapitbahay ang tinutukoy nitong Pogi. “Wag mo ng dagdagan ang init ng ulo ko Olga, napainit na ni Zac ang ulo ko umagang umaga!” Gigil na sagot niya dito. Kanina ay naabutan niya si Zac na nagdidilig ng mga halaman niya. Ilang beses na niya itong sinabihan wag papakialaman ang mga tanim niya. Dahil hindi basta tubig lang ang dinidilig niya sa mga halaman niya. Pero ang walang hiyang si Zac ay hindi siya pinakinggan. Ilan tanim na niya ang namatay sa impaktong iyon. Oo nga at pinalitan nito pero hindi siya natutuwa. Kaya minsan naiisip niya na pabakuran nalang ang bahay niya iyong mataas na mataas ng hindi na niya nakikita ang impaktong lalaki. “Hindi kaya may gusto ka kay Pogi at kaya ka galit na galit dahil naligawan na yata niya lahat ng babae sa mundo pero di ka niya nililigawan?” Nanunuksong sabi nito. At tuluyan na ngang naubos ang pasensya niya. Iniwanan niya si Olga kaysa masaktan niya ito. Aaminin niya dati ay nagustuhan niya ang binata at talagang nagpapansin siya dito noon. Pero walang talab sa lalaki. At araw araw ay iba ibang babae ang dinadala nito sa Café Ola ang family business nila.   “Ode muhkang mainit ang ulo mo ah!” nakangiting sabi sakanya ni Daniel isa ding Chef. Gwapo si Daniel at papasang artista pero ewan ba niya hindi niya type ang kagwapuhan nnito. At nasisigurado niyang kung sa ibang babae nito ginawa ang ngiting iyon ay baka bumulagta na ang babaeng iyon. Ang kaso loyalista si Daniel. One woman man ito at saksi siya doon. “Hindi” maikling sagot niya. “ako pa niloko mo” natatawang sagot nito “ganiyang ganyan ang itsura ng Ate Olivine mo kapag mainit ang ulo, ininis ka na naman ni Olga ano?”. Tumango siya dito saka nagumpisang magprepare ng ibang sangkap na maari niyang kailanganin mamaya. Byernes kaya natitiyak niya matao na naman sila. At natitiyak may bitbit na namang babae si Zac. At wala namang bago ddoon. Lahat ata ng okasyon sa buhay nito ay sa Café Ola nito pinagdiriwang, date, birthday, successful partnership at kung ano ano pa. Isa ito sa loyal customer niya kaya hindi niya basta basta maangilan. At higit sa lahat ay malaki itong magtip. “Oh Ode nasa labas na si Prince Charming hindi ka ba lalabas?” tanong sakanya ni Daniel. Si Wesley ang tinutukoy nitong Prince Charming. Hanggang ngayon kasi ay naniniwala itong sila ni Wes ang magkakatuluyan. Tumango siya dito saka naghugas ng kamay. Best bestfriend niya si Wesley mula ng nasa tyan palang sila ng mga nanay nila. Minsan ay napagkakamalan sila nitong magkakambal minsan naman ay magjowa.  Agad niyang nakita ang matalik na kaibigan nakaupo sa pinakasulok. Kausap ang pinsan niya ng si Olga. Agad siyang lumapit sa dalawa, pero muhkang hindi siya napansin ng mga ito. Kaya naman ng makalapit siya kay Wes ay tinapik niya ang likuran nito. “Wes!” bati niya sa kaibigan. Agad naman tumayo si Wes saka siya ni yakap at hinalikan sa noo. Isang buwan din silang hindi nagkita dahil may inasikaso ito sa New York. Kaya naman namiss niya ito ng sobra. “I missed you Princess!” ani Wes saka siya iginaya paupo sa tabi nito. Nang mabaling siya sa pinsang si Olga ay mabalasik ang mga tingin nito at para bang handang handa siyang patayin. Lihim siyang natawa, Olga likes Wes, Wes likes Olga pero walang nakakaalam sa feelings nila para sa isa't isa. At wala siya sa lugar para makialam sa mga ito. “I missed you too pasalubong ko?” tanong niya dito. “nasa bahay” nakangiting sagot ni Wes “Pati din yung sayo Olga" agad namang napangiti ang pinsan niya. Kinilig ang gaga. “Meron din ako? Thank you Wesley" ngiting ngiting sabi ni Olga. “Anything for you!” atubiling sagot ni Wes. Palihim naman niya itong kinurot. Pakiramdam niya ay hindi siya kailangan ng dalawa kaya naman nagpaalam na siya sa dalawa na babalik na siya sa kusina. Humalik muna siya sa pisngi ni Wes bago tuluyang umalis. Papasok na siya sa kusina ng bigla nalang may humablot sakanaya. Kaya ganoon nalang ang inis niya ng makita si Zac na masama ang tingin sakanya. “Anong problema mo?” angil niya dito. Pilit niyang binabawi ang braso dito pero mahigpit ang hawak nito sakanya. Hindi ito sumasagot at nakatitig lamang sakanya. Sa inis niya dito ay malakas na sinipa niya ang binti nito dahilan para makabitiw ito sakanya. “gago" aniya saka dirediretsong pumasok sa kusina. Kahit kailan talaga ay walang gagawing matino si Zac. Talagang bwisit ito sa buhay niya. Dalawang taon na niya itong kapitbahay at dalawang taon na din siya nitong inaasar. Kahit na noon nagpapapansin siya dito ay inaasar siya nito. “Oh bakit nandito ka na agad?” tanong pa sakanya ni Daniel. Nginisihan naman niya ito “I got this feeling na hindi ako ang kailangan ni Wes” aniya. Napao naman ito saka tumango tango habang nakakalokong nakangiti. TODAY is Saturday ibig sabihin noon ay day off niya.  But just like everyday she would wake up early. Araw araw ay nagjojogging siya for stamina. At sa araw araw ding iyon ay nakakasabay niya ang bwisit na si Zac. Kaya nakasanayan na din niya ang presensya nito tuwing umaga. Pero iba ngayon dahil wala pa ito sa labas ng bahay at patay parin ang ilaw. Zac never turns of the light. Nagtataka man ay nagjogging nalang siya. Safe naman sa subdivision nila at madami siyang nakakasabay sa umaga kaya hindi siya nagaalalang magjogging magisa. May mga nadaanan na siyang nagyoyoga dahil wala si Zac at walang nangbubuwisit sakanya ay sumali siya sa mga nagyoyoga. Nang minsang kasing makisali siya sa Yoga session ay sinundan siya doon ni Zac at doon dinaldal siya ng dinaldal kaya naman napaalis sila pareho. Hindi niya napansin ang oras magaalas dyes na pala kaya naman nagmamadali siyang tumakbo pabalik sa bahay niya. Nang mamataan niya ang isang babae na nasa bakuran niya. At muhkang may balak itong pitasin ang mga bulalak niya. Kaya naman mas lalo niyang binilisan ang takbo. “Ano hong kailangan niyo?” hingal na tanong niya sa ginang na nasa tingin niya ang edad kwarenta na. Napalingon naman ito sakanya saka ngumiti at tumuwid ng tayo. Bigla ang naingit siya dito she’s pretty kahit matanda na just like her Momma and her Nan. “You must be the owner of this dream house with a very beautiful flower garden, are you an architect?” nakangiting tanong sakanya nito. Napangiti din siya. Totoo ang sabi nito, it is here dream house. Tumango siya sa Ginang na lalong nagpangiti dito. “But Ma'am I am not an architect but a chef" nakangiting sabi niya. Muhkang hindi makapaniwala ang ginang sa sinabi niya. Pero saglit lang iyon dahil nakabawi din ito saka lumapit sakanya at inabot ang kamay “If you want to design more homes you can work for us. I am architect Zenaida Villanueva Gray, Zac's mother". Agad namang tinanggap niya ang kamay nito “Marya Syquia po nice to meet you po" maikling pakilala niya dito. “Pleasure is mine darling” nakangiting sabi nito. “Muhkang nag jogging ka, you must be hungry. We have a lot of food inside the house. I may not be a chef but I cook well darling" dagdag pa nito sakaya siya hinila. Hindi na tuloy siya nakapalag. Ilang beses na siyang nakapasok sa bahay ni Zac kapag ginegera niya ito. But his house was a bit odd now. It seems gloomy. Hindi welcoming tho maaliwalas naman. Somethings missing kumbaga. Maybe the imbecile owner of the house. “Sander sumagot na ba si Zac?” tanong ng Ginang sa asawa nito. Tumango naman ang lalaki “Pauwi na daw siya". “Good pero wag na natin siyang intayin bago tayo kumain. Hija damihan mo ang kain hah" nakangiting sabi ng ginang saka siya sinalinan ng kanina. Bigla tuloy ay namiss niya ang kanyang Mommy. Nasa kalagitnaan sila ng pagkain ng biglang bumukas ang pinto at maya maya pa ay nasaharap na nila si Zac. Halata sa muhka nito ang pagkagulat pero dagli ding nawala at napalitan ng ngiti. He looks terrible, muhka itong zombie kaya naman inirapan niya ito. Marahil ay napuyat sa kakapangbabae.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD