Chapter 2

1480 Words
Mabilis na kinarga ni Samir ang babaeng nawalan ng malay at dinala sa silid sa yate.  Basang-basa ang suot nito na nakabukas pa ang ilang butones ng blouse dahilan para pagkamalan niya itong isang babaeng bayaran.  Well, she looked like a prostitute a while ago; wearing fitted garments and red lipstick to turn men on.  Kahit ang buhok nito'y kulay brown na siyang madalas na kulay ng mga nagtatrabaho sa club.  Madilim sa silid at hindi niya sinindihan ang ilaw para hindi siya mawala sa konsentrasyon.  The woman needs to change her clothes to keep her away from catching pneumonia.  Hindi niya alam kung bakit ito nawalan ng malay.  Kumuha siya ng makapal na tshirt at pajama sa cabinet at tinuyo muna ng twalya ang buhok nito.  Napahugot siya ng hininga nang simulan itong hubaran. "Holy f*uck!" aniyang muli sa sarili nang maramdaman ang malambot at makinis nitong balat.  Hindi niya maitatangging nag-iinit ang pakiramdam niya sa bawat dantay ng balat niya sa katawan nito.  Kailangan niyang panaigin ang matinong kaisipan.  The woman is small and she looked like fragile.  Tingin niya'y nasa disesais anyos pa lamang ito.  But she has perfect full-grown breast that he cant help himself from touching.  Nasa gitna sila ng karagatan at tanging ilaw sa labas ang nagsisilbing liwanag sa silid.  She looked like a goddess lying in his bed.  Mabilis niyang sinuotan ito ng hawak niyang tshirt para hindi na siya matukso pa.  Nang ang palda naman nito ang hinubad niya muli siyang napamura. Matapos niyang bihisan ang babae at nasigurong maayos ang paghinga nito'y lumabas siya sa yate at tinanaw ang kadiliman ng gabi.  Isang taon na mula nang ginawa niyang hobby ang paglalayag mag-isa pagkatapos ng maraming trabaho sa opisina.  Gusto niyang mapag-isa at malayo sa kaguluhan ng mundo. Siya si Samir Burman; half-indian half-filipino.  May-ari ang ama niya ng isang malaking lending company sa Pilipinas -- financing small and medium enterprises.  Tatlo silang magkakapatid na may hawak sa iba't ibang departamento.  Ang ama nilang si Benjamin Burman ang CEO ng kumpanya at kumukontrol sa buhay nilang magkakapatid. Inubos niya ang laman ng beer in can na hawak saka itinapon sa sahig.  Paanong may napuntang babae sa yate niya at ano ang gagawin niya dito?  Hindi niya gustong bumalik pa sa pampang dahil hindi na iyon halos matanaw.  At walang malay ang babae, hindi rin niya alam kung saan ito isu-surender. Bumalik siya sa silid para i-check kung nagkamalay na ang babae at nakita niyang nakaupo na ito sa gilid ng kama at yakap ang sarili.  Nakahinga siya ng maluwag pero inis ang ipinalit sa dibdib.  In-on niya ang ilaw at takot ang nakita niya sa mga mata nito. "Who the hell are you?!" pagalit niyang tanong sa babae.  Tinitigan lang siya nito saka muling tumingin sa bintana na tila hindi siya narinig.  Lalong uminit ang ulo niya sa pagbabalewala nito sa kanya.  Sumandal siya sa cabinet at mariin itong tinitigan.  "Don't play dumb with me.  Kayang kaya kitang ihagis sa dagat at hindi ka na mahahanap pa ng pamilya mo --" "G-gia..." mahina nitong sagot sa pumutol sa anupamang sasabihin niya.  "Wala ka na bang mahanap na customer kaya't sinundan mo pa ako dito?" sarkastiko niyang tanong.  Hindi maikakaila na maganda ito, marami itong makukuhang customer kahit pa sa mga high-end clubs ito magtrabaho.  Her face could be sold at hundred thousand or more.  Bukod pa sa perpektong hubog ng katawan nito.  "H-hindi ako prostitute," muling wika nito.  "Tumakas lang ako kay Mr. Agustin sa kabilang yate." "Your problem is not my problem.  Bukas na bukas din ay ilalapag kita sa lupang matatanaw ko.  I will spend one week in an island and I want to be alone." "H-hindi ako magsasalita, hindi ako manggugulo.  Huwag mo lang akong ibalik doon."  "What?!  Hindi kita responsibilidad dahil lang sumampa ka sa yate ko.  Go back to your family --" "Ipinagbili na ako sa pamilya ko kay Mr. Agustin." Muli siyang napatitig dito at ito naman ang umiwas ng tingin.  Napahilamos siya sa mukha dahil tila isinama pa siya nito sa problemang tinakasan.  Ni hindi niya alam kung nagsasabi ito ng totoo. "Don't you know that I am also like Mr. Agustin?  I pay women to have s*x with me.    Akala mo ba'y nailigtas mo na ang sarili mo sa kapahamakan dahil nakalipat ka ng ibang yate?"  Ngumisi siya para inisin ito.  Pero sa halip na maalarma ay yumuko lng ito at itinukod ang baba sa tuhod.  "Bakit kailangan mong tumakas?" curious niyang tanong.  "Maliit bang magbayad si Mr. Agustin?" Isang matalim na tingin ang ipinukol nito sa kanya.  Kilala niya ang tinutukoy nitong Mr. Agustin, isa itong Congressman at ito ang may party sa isang yate kanina na dinaluhan din ng iba pang mayayamang pulitiko.  Pero anuman ang isyu ng babaeng ito roon ay wala na siyang pakialam.  He needs his alone-time.  Guguluhin lang nito ang gusto niyang katahimikan.  Tumalikod siya dito para lumabas ng silid para mag-isip kung ano ang gagawin sa babaeng nasa yate niya pero agad din itong nagsalita. "Pwede akong maging katulong mo." Kumunot ang noo niya sa suhestiyon nito.  Sigurado siyang hindi lang pagiging katulong ang kaya nitong gampanan.  Kung bakit ang itsura nito kanina habang binibihisan niya ang rumehistro sa isip niya ay hindi niya tiyak.  He bedded countless women and they never bothered him after.  Pero ito'y kanina pa nililigalig ang isip niya.  "Maraming katulong sa bahay ng Tatay ko.  I don't need a maid in my condo either," sagot niya bago tuluyang lumabas at iniwan ito.  Nagtungo siya sa manibela at naupo roon habang iniisip kung paano ito didispatsahin gayung nasa gitna sila ng karagatan.  Marami naman siyang natatanaw na iba pang yate na nasa laot din pero hindi naman niya magawang ilipat doon ang babaeng nasa silid niya ngayon.  Tila ba sa sulok nang damdamin niya'y gusto niya itong protektahan.  Damn!  Hindi niya na gustong magkaroon pa ng anumang ugnayan sa kahit kaninong babae.  Tama na ang isang Katlin sa buhay niya.  Katlin Vergara.  Isa itong estudyante na nakilala niya sa isang coffee shop habang hinihintay niya ang isang kasosyo sa negosyo.  Katlin was taking up Business Management, a scholar and a working student.  Malaki ang paghanga niya sa mga babaeng iginagapang ang sarili sa pag-aaral makatapos lang.  Sawa na siyang makakita ng mga babaeng tila tuko kung makakapit sa Tatay niya noong bata pa sila, mga social climber na isinisiksik ang sarili kahit may asawa na basta't may pera.  Aaminin niyang likas na magandang lalaki ang Tatay niya lalo noong bata pa sila, at dumagdag sa appeal nito ang pagiging mapera.  Marami itong naging karelasyon na sekretarya at ang iba'y mga estudyante sa kokehiyo na kumakapit sa patalim para makatapos.  Doon naging magulo ang buhay nilang pamilya dahil naghiwalay ang mga magulang niya.  Naiwan sila sa poder ng ama dahil pare-pareho silang nag-aaral magkakapatid.  Nag-asawang muli ang ina na isa ring mayamang lalaki at ngayon ay nasa ibang bansa na nanirahan. Nagsimula silang magtrabaho sa kumpanya ng ama noong tumuntong sila nang bente anyos.  Nakita niya kung ilang babae na ang kumapit sa ama nila dahil sa pera.  His father is fifty five years old but still attracting women until now.  At isa si Katlin sa hindi niya akalaing maaakit din sa pera ng ama.  He and Katlin were going steady for three months when he found out her affair with his own father.  "Mabuti nang maaga pa ay nalaman mo na ang totoong pagkatao niya, Samir!" katwiran pa ng ama nang kumprontahin niya ito.  "She's not worth your time!" "Dahil sinisilaw mo sila sa pera!" pagalit din niyang katwiran.  "Kailan kayo titigil sa pambababae?  We can't have a normal relationship with a woman because of you!" "You'll find someone worthy of your love, Samir.  Just wait for that woman.  Hindi si Katlin iyon, I don't want you to waste your time with her.  She's nothing but a gold-digger b***h!" Ganoon lang kadali sa ama niya ang ginawa nito.  Hindi nito alam kung gaano siya nasaktan dahil umasa siyang si Katlin na ang babaeng hindi nasisilaw ng salapi.  Aaminin niyang hindi siya galanteng boyfriend.   Ni hindi siya sweet na tao dahil lumaki silang laging nag-aaway ang mga magulang.  Pero totoong minahal niya si Katlin.  Ito ang dahilan kaya't tuluyan na siyang nawalan ng gana pang maghanap pa ng mamahalin.  Mula nang maghiwalay sila ni Katlin ay binili niya ang yateng ito sa isang kaibigan na ibinigay sa kanya sa murang halaga.  He can't afford a luxurious life because he wants to get out of his father's company.  Iniipon niya ang perang sinasahod at ang kita ng shares niya sa kumpanya ng ama para sa sisimulang negosyo.  Hindi niya gustong makialam pa ang ama sa personal niyang buhay. Pinaandar niya ang makina at pinilit ituon ang atensyon sa karagatan.  Bukas niya na iisipin kung ano ang gagawin sa babaeng sumampang pilit sa yate niya. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD