bc

Stranded With Mr. Billionaire

book_age18+
46.2K
FOLLOW
225.0K
READ
billionaire
sex
contract marriage
escape while being pregnant
arranged marriage
dominant
drama
bxg
office/work place
enimies to lovers
like
intro-logo
Blurb

WARNING: NOT SUITABLE FOR YOUNG AUDIENCES. READ AT YOUR OWN RISK.

Napadpad si Gia sa yate ng bilyonaryong si Samir habang tumatakas siya sa tiyuhin na balak siyang ibenta sa isang mayamang DOM. Walang malay si Samir na sa gitna ng paglalayag niya'y isang estranghero ang bubulaga sa kanya sa kadiliman ng gabi.

Paano pakikitunguhan ni Gia ang isang lalaking ubod nga ng yaman pero ubod din nang kagaspangan ng ugali sa mga babae? At paano makakamit ni Samir ang ninais na katahimikan kung kasama niya ang babaeng liligalig sa kanya sa loob ng ilang araw?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Maingat na lumakad palayo si Gia mula sa kumpol ng mga lalaking nag-iinuman sa isang malaking restaurant na malapit sa daungan ng mga yate sa Manila Bay.  May limang kababaihan siyang kasama kanina na umiinom rin at naghihintay sa mga nag-hire sa kanila bilang mga escort girls.  Sa usapan ng mga ito ay sanay na ang mga babae sa ganoong gawain.  Siya lang ang nag-iisang labag sa kalooban ang pagsama sa party ng isang pulitiko.  Alam niyang wala siyang mahihitang tulong sa mga babaeng kasama niya kahit pa magmakaawa siya.  Maingat niyang plinano ang pagtakas habang ang lahat ay abala sa pagsayaw at pag-inom.  "Gia!" narinig niyang tawag ni Mr. Agustin sa kanya.  Hindi pa siya nakakalayo kaya't tiyak niyang mahahabol pa siya nito kahit pa tumakbo siya nang mabilis.  Napilitan siyang tumayo mula sa pinagtataguang drum na nagsisilbing tapunan ng basura.  "U-umihi lang ako, Mr. Agustin.  H-hindi ko kasi alam kung saan ang CR," pagdadahilan niya na kunyari ay ibinababa ang paldang suot na hapit na hapit sa kanya.  Nakita naman niyang napangisi ang matandang pulitiko pagkakita sa mga hita niya.  "May CR sa yate ko, tara doon at nang makapagpahinga ka," yaya nito sa kanya sabay hawak sa kanya sa baywang na hindi  niya pinalagan.  Kailangan ulit niyang magpanggap na okay lang sa kanya ang ginagawa nito hangga't wala pa siyang nakikitang ibang plano nang pagtakas.  At habang lumalakad sila palapit sa yate na tinutukoy nito ay umaahon ang kaba sa dibdib niya.  Kapag nakasakay na sila sa yate ay tiyak niyang isinuong niya na ang sarili sa kapahamakan.  Wala na siyang kawala.  "Gusto ko pang uminom," wika niya sa matanda para pigilan ito na dalhin siya sa yate.  Ngunit mainit na ang kamay ni Mr. Agustin na nakapulupot sa katawan niya at alam niyang iba na ang nararamdaman nito.  Idinidikit na nito ang katawan sa kanya na gusto niyang manghilakbot.  "Sa yate na tayo uminom, solo natin ang mundo doon," pabulong nitong wika saka inilapit pa ang labi sa pisngi niya habang ang isang kamay nito'y ipinasok sa loob ng blouse niya.  Napapikit siya sa awang naramdaman sa sarili.  Sa isip niya'y minumura niya ang tiyuhin na naglagay sa kaniya sa ganitong kalagayan.  Ibinenta siya nito kay Mr. Agustin sa halagang singkwenta mil.   Ang nanay niya'y hindi tumutol at sumang-ayon pa dahil naghihirap lang daw silang lalo sa kanya dahil pinilit pa niyang makapag-aral sa kolehiyo.  Kung ang nanay niya lang naman kaya niyang mapasunod na tatapusin niya ang pag-aaral dahil gusto niyang maging isang titser.  Pero nasulsulan ng tiyuhin niya na kailangan niya nang magtrabaho para hindi na sila maghirap.  Galing sila sa probinsya ng Quezon, at ang baryo nila'y milya ang layo sa kabihasnan.  Pagtatanim ang tanging ikinabubuhay nila na maswerte na kung kumita sila ng dalawang daan sa isang araw dahil maliit lang naman ang lupa nila.   Mahirap ang buhay nila doon kaya't pinangarap niyang makatapos sana ng pag-aaral para makaahon sa hirap.  Pero tinapos na ng tiyuhin niya ang pangarap na iyon matapos siyang ipagbili sa isang matandang pulitiko.  Galit ang tiyuhin niya sa kanya dahil hindi na siya binalikan ng amang amerikano matapos nitong umalis sa bansa noong nasa walong taon pa lamang siya.  Na-destino lang ang ama noon sa Pilipinas nang magtayo ang isang american company ng pabrika dito sa Pilipinas.  Nakilala ito ng ina niya sa isang club na pinagtatrabahuhan nito, pinangakuan na iaahon sa hirap at nagsama ang dalawa hanggang ipinanganak siya.  Nasa walong edad siya noon nang magsara ang kumpanyang pinapasukan ng ama kaya't nawalan ito ng trabaho.  Nagbalak itong bumalik sa amerika at ipinangako na ipi-petition sila pero hindi nangyari.  Wala na ni kahit anong kumunikasyon ang ina sa kanyang ama.  Doon nagsimulang bumalik sa club ang ina hanggang sa tumigil ito may limang taon na rin ang nakakalipas.  Nawalan ng kita ang ina na naging dahilan ng pagkainit ng ulo ng tiyuhin sa kanya dahil sa kanya napupunta ang kita nila sa pagtatanim.  "Dalhan mo kami ng whiskey at tequila sa yate," wika ni Mr. Agustin sa umiikot na waiter sa party saka muling inakay siya palayo doon.  Nang makarating sila sa yate ay pilit niyang inaaninag ang tubig sa karagatan.  Madilim na dahill halos alas onse na ng gabi at malayo ang kinaroroonan ng yate sa pampang.  Hindi siya marunong lumangoy at tiyak niyang malalim ang tubig sa parteng iyon.  Pero mas gusto pa niyang malunod na lang kaysa magahasa ng lalaking tila hayok sa laman kung tingnan siya.  Nakarinig siya ng tunog na makita at nakitang may nagpaandar na isang yate.  Mabilis siyang humawak sa barandilya at muling tinitigan ang tubig sa ibaba.  Abot-abot ang kabang nararamdaman niya.  Kailangan niyang makalayo doon, pero paano?  Paghapit sa baywang niya ang naramdaman ni Gia na pumutol sa plano niyang pagtakas.  Pilit siyang kumakawala pero buong pwersa din siyang niyayakap at hinahawakan sa maselang bahagi ng kanyang katawan.  Muli niyang tinanaw ang pampang, walang makakakita sa kanila dahil bukod sa malayo ang kinaroroonan nila'y abala ang lahat sa pag-inom at pagsayaw.  Naputol ang pagdama sa kanya ni Mr. Agustin nang umakyat ang waiter sa yate at ibinigay ang order nitong inumin.  Hindi nakaligtas sa kanya ang iniabot ding tableta ng waiter sa matandang pulitiko bago nagbulungan pa ang dalawa.  Lalo siyang kinabahan at halos gusto nang manghina ng tuhod niya.  Kailangan niyang maging matatag.  Kailangan niyang iligtas ang sarili. Nagtungo si Mr. Agustin sa mesa na nasa loob ng yate saka nagsalin ng alak sa dalawang kopita.  Sumunod siya dito at habang abala ito sa paghanda ng inumin ay nag-iisip pa rin siya ng plano.  Nang inilagay nito ang tableta sa inumin niya ay napakunot ang noo niya. "Ano ang tabletang iyon?" "Relax, party drugs lang 'yun.  Lahat ng kasama mong babae kanina ay nakainom na ng ganyan.  Look at them, they're enjoying," sagot nitong nakangisi.  "Gusto ko lang mawala ang hiya mo.  Mag-eenjoy ka nito pagkatapos." Mabilis siyang umiling para tumangging inumin kung anuman iyon.  Kahit alak ay hindi niya tinikman kanina dahil mawawalan siya ng lakas para lumaban.  Nanlisik naman ang mata ni Mr. Agustin sa pagtanggi niya. "Maawa na kayo, paalisin niyo na lang ako dito.  Gusto ko nang umuwi," pakiusap niya.  Nanginginig na ang katawan niya sa takot na pilit niyang pinaglalabanan.  "Binayaran na kita sa tiyuhin mo!" sagot naman nito.  "Alipin na kita at gagawin mo ang gusto ko!  Inumin mo 'to!" Tumakbo siya palabas para humingi ng tulong kahit alam niyang walang makakarinig sa kanya.  Mabilis namang nahablot ni Mr. Agustin ang buhok niya at at ibinuhos sa ulo niya ang alak na hawak saka itinapon ang kopita kung saan.  Pilit siyang hinahalikan pero pilit din niyang iniiwas ang mukha.  Nadidiri siya sa lalaki at pilit inilalayo ang sarili.  Hawak pa rin ni Mr. Agustin ang buhok niya at ang isang kamay ay pilit binubuksan ang butones ng blouse niya.  Nang makaipon ng lakas ay tinadyakan niya ang pagitan ng hita nito dahilan para mamilipit ito sa sakit.  Tumakbo siya palayo dito pero nakita niyang nakatayo din ito kaagad.  Wala nang panahon para mag-isip pa.  Bago pa siya abutan ay tumalon siya mula sa yate sa gulat ni Mr. Agustin.  Panay ang kampay ng kamay at paa niya sa kung paanong paraan na lang para makalanghap siya ng hangin at hindi malunod.  Ang pinakamalapit na yateng natatanaw niya ay ang yateng tumunog ang makina kanina.  Halos ilang metro lang ang layo niyon na pilit niyang nilalangoy.  Kung sino man ang nasa yateng iyon ay baka mahingan niya ng tulong.  Kaunti na lang at halos hawak niya na ang lubid na nakalaylay mula dito.  Mabilis siyang kumapit nang maramdamang gumagalaw ang yate palayo.  Mula sa kinaroroonan niya'y natatanaw niya ang tila hagdan paakyat sa yate.  Pero kapag bumitaw siya sa lubid ay maiiwan siya sa gitna ng tubig at hindi niya kakayaning lumangoy pa pabalik sa pampang.  Habang palayo naman ang yate ay nanginginig na siya sa lamig at nanghihina na dahil sa takot at kaba na kanina pa niya dala-dala.  Bahala na.  Kailangan niyang makipagsapalaran. "Tulong!  Tulungan niyo ako!" malakas niyang sigaw.  Nang wala siyang natatanaw na tao mula sa yate ay muli siyang sumigaw.  Tumigil nang sandali ang makina ng yate kaya't hindi siya tumigil sa paghingi ng tulong.  Gusto niya nang himatayin sa pagod at lamig ng tubig.  Kaunti na lang ay bibitiw na siya sa lubid. "Holy f**k!" galit na mura ng lalaking nakakita sa kanya habang nakakapit siya sa lubid.  "Who are you and what are you doing there?!" Sa pagkakasambit ng lalaki ay englisero ito at hindi niya alam kung nakakaintindi ito ng tagalog.  Madilim din ang anyo nito na may galit nang makita siya imbes na mag-alala.  Hindi niya alam kung mabuting tao ito o katulad lang din ni Mr. Agustin na hayok sa laman, pero kailangan pa rin niyang subukan. "I n-need h-help..." pakiusap niya sa nanginginig na tinig.  Napahilamos sa mukha ang lalaki saka inabot ang kamay niya para makaakyat siya.  "Are you a prostitute?!" tanong nito nang mapaupo siya sa sahig ng yate.  Nanginginig ang katawan niya sa lamig at nanlalabo ang paningin niya sa samu't saring emosyon.  Bago pa siya makasagot ay nawalan na siya ng malay.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
90.5K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.1K
bc

His Obsession

read
72.5K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
157.7K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.0K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook