Chapter 12: Night Full of Doubts "Okay, tonight we will have the Test of Courage!" iyan ang anunsiyo ng Student Council President namin pagkatapos ng aming hapunan. Bigla naman napahiyaw ang mga kalalakihan habang impit naman ang sigaw ng mga kababaihan. Kanina nga ay nagkaroon kami ng mangilan ngilang activity. At, ito ang huling activity ngayong araw. Pero, hindi iyon ang nasa isipan ko ngayon. Hanggang ngayon ay kinakain pa rin ako ng nalaman ko kay Sanjou kaninang umaga. Dahil doon ay medyo wala akong gana sa ibang activity kanina. Ang mas nakakainis pa doon ay mukhang napansin iyon ni Akio dahil ang titig niya sa akin ay hindi na maalis alis magmula pa kanina. Natatakot ako. Ni hindi ko na siya tinitignan pa magmula ng huli kaming magkatitigan at kanina pa nga iyon pagkatapos kong

