Chapter 13: Baby, we're lovers Magmula ng gabing iyon, nawalan na talaga ako ng gana. Ni hindi ko na nga namalayan na ngayon na ang araw na uuwi kami. Kahapon, may mga mangilan ngilang activity pa kaming ginawa pero parang nakalimutan ko na kaagad kong anong nangyari at kung kumilos manlang ba ako. I felt like I am a dead body right now. "Rin bababa lang ako saglit." dinig kong ani ni Jun. Bahagya lang akong tumango. Ngayon nga ay ang school bus na namin ang sumundo sa amin. Apat na school bus ang narito, kasya sa apat na year level. I am leaning at the window at tinatanaw ang puno sa paligid. Nakikipagpa-alaman pa kasi ang mga guro namin sa may ari ng Inn na tinuluyan namin kung kaya't hindi pa kami umaalis. Naramdaman kong may umupo sa tabi ko at dahil nasisiguro kong si Jun iyon ay

