Kabanata 4

1616 Words
Denyse Inis na inis kong ihinilamos ang mga palad ko sa aking mukha habang naka-loud speaker ang cellphone kong minana ko pa kay ate. Nagtatatalak na naman si Mama dahil tinawagan sila ng university matapos tatlong araw na hindi pumasok ang kapatid ko. Si ate lang naman ang malapit nang ma-drop, pero pati ako ay pinagagalitan ngayon. "Hindi nagpapakapagod ang tatay ninyong lumaot para lang magbulakbol kayo r'yan sa Maynila!" I groaned. "Ma, bakit naman pati ako? Nagtitino naman po ako rito pero bakit pati ako damay?" "Ay, huwag mo akong sinasagot-sagot, Denyse! Hindi porke't nakakapag-aral kayo sa magandang eskwelahan ay may karapatan ka nang sagutin ako!" I sighed and scratched my head. Hindi ko naman siya sinasagot, eh. Tinatanong ko lang naman kung bakit pati ako damay sa galit nila kay ate Danny. Ako na lang ang nag-adjust. Tinanggap ko na lamang ang lahat ng masasakit na salita ni Mama, at nang naputol ang tawag ay pabagsak akong nahiga sa double-deck na kama. Ang hirap mag-emote kapag may roommates kaya isinara ko ang kurtina ng kama ko saka ko hinayaan ang sarili kong lumuha nang tahimik. Si ate Danny naman kasi, paulit-ulit na ngang bumalik ng first year sa kakapalit mg kurso, hindi pa rin magtitino. Pati ako na nananahimik, napagagalitan kahit halos hindi na nga ako natutulog makatapos lang ng nursing. "Dennyse, ligo ka na! Bakante na ang banyo!" sigaw ni Shaina. Suminghot ako at bumangon na. Saka na ako magtotodo ng emote kapag nurse na ako sa ibang bansa. Kapag may pera na akong pwedeng ipunas sa luha ko. I grabbed my toiletries and went to the bathroom. Nang makaligo ay isinuot ko ang uniform ko saka kami sabay ni Shaina na lumabas ng unit namin, pero bago pa kami nakaalis ay naharang na kami ng landlady. "Oh, anong petsa na. Baka gusto na ninyong magbayad, hmm? Mapuputulan na tayo ng kuryente," ani Tita Rogelia. Hinawakan ako ni Shaina sa braso saka siya bahagyang lumapit para pabulong na magtanong, "may pambayad ka na?" I bit my lower lip. Dapat ay mayroon na kaso binili ko ng mga librong requirements sa isang major subject namin. Kung hindi ko sana pinahiram si ate Danny noong nakaraan, hindi ako na-short. "Wala pa. Hinihintay ko pa sahod ko." Shaina sighed. "Ako rin." Tumikhim ako at bumaling kay Tita Rogelia. "Pwede po bang next week na lang? Wala pa po kasi kaming allowance. Wala pa rin kaming sahod." "Hay, naku! Pati ang deposit ninyo na-consume na! Kung hindi pa kayo makakabayad sa Friday, ibibigay ko na ro'n sa dalawang estudyanteng nag-inquire ang kama ninyo. Puro kayo rason. Ayaw ko nang sumakit ang ulo ko sa tuwing maniningil na lang!" Inirapan niya kami bago siya padabog na pumasok sa kanilang bahay. Nang sumara ang pinto ay nagkatinginan kami ni Shaina bago halos sabay na napabuntonghininga. Nagtungo kami ng university na bagsak ang mga balikat. Nang sumapit ang vacant namin ay tumambay na lang kami sa lounge kasama si Zaskia. Keios spotted me five minutes later. Lumapit kaagad at inokupa ang bakanteng silya sa aking tabi. Sa ilang buwan na ganito si Keios ay medyo nananawa na rin akong magpalayas tutal hindi rin ako sinusunod. Buti na lang at hindi na ako ninanakawan ng halik ngayon magmula nang tuhuran ko sa pagitan ng mga hita. Uupo na lamang siya sa aking tabi at hindi manggugulo o kaya ay manonood ng practice namin ng cheerdance. Kapag nasa coffee shop naman ako ay tatambay lamang din siya roon kasama ang mga kaibigan niya. "Paano 'yan? Next week pa sahod natin. Kapag napalayas tayo, siguradong mamomroblema tayo lalo. Ang hirap humanap ng unit ngayon tapos kailangan pa advance deposit." Shaina sighed. "Bakit naman ang hirap maging mahirap?" Zaskia stopped sipping her sterilized milk. "Sorry, guys. Tight din ang budget namin ni kuya ngayon tapos masikip din kasi ang kwarto namin. Hindi tayo kasya ro'n." "What's the problem?" singit ni Keios matapos isangkal ang nakatiklop na siko sa likod ng upuan ko. Umirap ako. "Huwag ka nang magtanong. Hindi ka rin makaka-relate." He pinched my cheek. "Ano nga?" I sighed. "Pera, okay? Mapapalayas na kami sa pinagbe-bed space-an namin ni Shaina." Kumunot ang noo ni Keios. "Why? Magkano ba rent ninyo?" "Three thousand five hundred," si Shaina. Lalong nagsalubong ang mga kilay ni Keios. "Per day?" "Grabe sa per day." Shaina shook her head. "Per month." Keios clicked his tongue. "Mura naman pala." I groaned. "See? Sabi ko na sayo, hindi ka makaka-relate. Kapag hindi Ducani apelyido mo, mahal ang three-five." Keios smirked then pinched my cheek again. "Pakasalan mo ko nang maging Ducani ka na para hindi na mahal sayo ang three-five." Inirapan ko siya. "Huwag ngayon, gago. Namomroblema ako. Wala akong panahon sa mga kakornihan mo." He sighed. "Fine. Ganito na lang. Why don't you stay at my flat? Maliit lang pera malapit dito sa uni." "At gaano kaliit ang maliit sayo?" "One-fifty square meters lang. Kalaki lang ng kwarto ko sa bahay pero pwede na," sagot niya bago humikab at pabirong sumandal sa balikat ko. "Payag ka na at uwi na tayo. Inaantok ako." Inis ko siyang kinurot sa tagiliran ngunit mahina lamang na humalakhak ang gago bago hinawakan ang kamay ko. "Hindi mo ko shota para makipag-live in ako sayo. Kahit gipit ako, may delikadesa ako." "Live in? Hindi naman kailangang sabihing live in. I'll sleep on the couch if you want." I sighed. "Huwag mo kong biru-biruin ngayon, Keios at sumasakit na ulo ko." "Totoo nga. I'll go sleep on the couch basta may matuluyan ka lang. Sama mo si Shaina kung takot kang mag-isa." Tumaas ang kilay ko. "At bakit mo naman kami bibigyan ng libreng titirahan? Anong kapalit ng tulong mo?" Keios smirked while staring at me like he's getting hypnotized by my siren eyes. "Oo mo. . . " he answered. I swallowed and faked an eye roll. "No, thanks. Hahanap na lang ako ng pwedeng tirahan kahit malayo." Niyaya ko na ang mga kaibigan kong magpunta sa susunod naming klase, pero kahit anong focus ko, hindi talaga maalis sa isip ko ang tungkol sa bayad ko sa upa. Shaina managed to borrow some cash from her cousin who works in Pasay. Nakabayad siya ng rent niya pagdating ng hapon kaya ako na lang ang namomroblema. Nangako naman siyang kung makakasahod ay pahihiraman niya ako kahit limandaan, ngunit ang palugit na hanggang Byernes, naglaho nang may estudyanteng nag-offer sa landlady namin ng mas malaki para lang makuha ang kama ko. "Tita, parang unfair naman po yata na porke't willing siya magbayad ng four thousand, basta ninyo akong papaalisin?" Tumaas ang kilay niya. "Hoy, Denyse! Puro na sakit ng ulo ang dinadala mo sa akin kaya magpasalamat kang pinagbigyan pa kita! Mag-empake ka na dahil kailangan na 'yang kama mo mamayang alas syete!" I pursed my lips, and when I realized that there is no way that I'd be able to change her mind, I ended up packing my stuff despite me having no idea where I'd stay. "Tawag ako kay Zaskia, gusto mo? Baka pwede ka sa kanila habang wala ka pang sahod?" awang-awang tanong ni Shaina sa akin. I sniffed. "Hindi na, Sha. Nahihiya rin ako sa kuya niya. Ayos lang ako." Lumamlam ang mga mata niya. "Eh kung pumayag ka na muna sa alok ni Keios kahit one week lang?" "Paano kung gapangin ako no'n? Siraulo 'yon." "Ano palang plano mo niyan kung hindi mo tatanggapin offer niya?" I sighed. "Bahala na. Magkita na lang tayo sa coffee shop mamaya. Hahanap muna ako ng pwedeng tuluyan na papayag ibigay ko ang bayad sa sahod ko." Malungkot siyang tumango. Bago pa ako maiyak ay umalis na rin ako sa unit at nagsimulang maghanap ng pwedeng lipatan. Tinatawagan ko si ate para sana singilin nang may mapauna akong bayad kaso pinapatayan lang ako. Sinuyod ko ang apartment units na malapit sa uni kaso wala talaga. Hirap na rin akong maghatak ng maleta ko dahil nasira na ang gulong kaya kahit wala pang matutuluyan ay dumiretso na ako sa coffee shop. Sakto namang naroroon na ang grupo nina Keios nang pumasok ako dala ang mga gamit ko kaya nang makita niya ang aking itsura ay kaagad nagsalubong ang mga kilay niya. "Utang na loob, Keios huwag ngayon. Pagod ako," agap ko nang lapitan kaagad niya ako. He sighed. "Pinalayas ka na?" I sighed. "Hindi ko alam kung nang-aasar ka ba o bulag ka lang." Keios scratched his temple. "Tara na sa unit ko." "Ayaw ko—" "Babalik ako sa bahay. You can stay at my condo while you're looking for a new place to stay at if you're not comfortable to live with me." Napakurap ako sa kanyang sinabi. "W—What?" His eyes went serious. "I don't know what I did to you, or maybe because I kept stealing kisses that you had an impression that you cannot trust me, but I am serious about my offer." Dinukot niya ang susi at inilagay sa palad ko. "Use my condo until you find a new place. Hindi kita guguluhin do'n." Humugot ako ng hininga. "Why are you giving me this kind of offer? Hindi mo ko mapapasagot dahil dito." "Then don't." He grabbed my suitcase and opened the door. "Basta safe ka at hindi na pinoproblema ang ganitong bagay, wala na kong pakialam kung hindi mo pa rin ako sasagutin." I sighed. "Keios. . . " "Let's go, Denyse. I won't take no for an answer. Sa offer ko man o sa panliligaw ko." Napabuntonghininga na lamang akong muli nang nauna na siyang lumabas saka niya isinakay ang maleta ko sa trunk ng kotse niya. Kapag may siraulo pero diterminado ka nga namang manliligaw. . .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD