Kabanata 5

1377 Words
Denyse I pursed my lips the moment Keios led me inside his condo. The neatness of the gray-dominant unit suddenly made me feel ashamed to step on the polished marble floor. Pinasadahan ko ng tingin ang kabuuan. Everything was aesthetic in a manly way. Nasa maayos na lugar ang lahat ng gamit na tila malaking kasalanan ang magkalat sa kahit saang parte ng unit. May naka-on pang mamahaling brand ng air purifier sa receiving area, malapit sa lagayan ng game console. "Do you. . . have a housekeeper?" hindi ko napigilang magtanong. Keios shook his head while carrying my luggage inside. "Nah. I've only been staying here for a couple weeks but I do my own laundry and clean the place myself." Napaawang ang aking bibig. "Ikaw lang ang naglilinis at naglalaba rito?" Keios nodded. "Why? You don't do your own laundry nor clean your own room?" "Hindi sa gano'n." Napalunok ako nang mapagtantong hindi ako makahanap ng tyempo para magtaray. "Ang. . . weird lang." Siya naman ang napakunot ng noo. "Weird? Why?" "I mean, mayaman kayo." Lalong nagsalubong ang may kakapalan niyang mga kilay. "And?" Right. He didn't get my point. "Napanood ko sa mga K-drama na kapag mayaman, may maids tapos ultimo pagsisintas ng sapatos, pinapagawa pa sa katulong." He scoffed. Mayamaya ay umiling-iling. "I'm not some spoiled brat, baby, nor a lazy guy." He folded his toned arms in front of his chest. Napatitig pa ako sa biceps niya at naisip na siguro'y masarao iyong tattoo-an. I pursed my lips and looked away. "Malay ko bang kaya rin ng mayayamang kumilos kahit may pambayad sa katulong?" "Sa bahay, we let the maids do some of the laundries but I never let anyone clean my room. I hate it when I can't find some of my stuff right where I put them." I stared at his kitchen. "You do the cooking, too?" "Nah. I usually eat out. Minsan bumibili lang ako ng lutong ulam." Nagsalubong muli ang aking mga kilay. "Lutong ulam?" I smirked. "You're lying." "Why? Masarap naman. It's too inexpensive for its taste. Kahit naman Daddy ko bumibili ng murang pagkain like pandesal and balut—" His face saddened as if he remembered something. Mayamaya ay humugot siya ng matalim na hininga. "Anyway, you can use the spare room. Dalawa ang kwarto but most of my stuff are in the bigger room." Lumapit siya sa kwartong malapit sa kusina. "Here. There's a built-in wardrobe where you can put your things." Napalunok ako. "So. . . hindi pala iisa ang kwarto, bakit sabi mo sa sofa ka matutulog kung sakali?" He shrugged. "I thought you'll bring Shaina with you. Ipapagamit ko sana kwarto ko sa'yo." He yawned. "My bed is bigger than the one in the spare room. Just let me know if you wanna sleep in my room instead. Amoy Keios ka nga lang pagbangon." Inirapan ko siya. "Tantanan mo ko, Keios." I sighed and kept silent for a moment. Nang makunsensya ay humugot ako ng hininga. "T—Tutal dalawa pala ang kwarto, huwag ka nang. . . umuwi sa inyo." Umaliwalas ang kanyang mukha. "Really?" I swallowed before I nodded my head. "Makikitira na lang ako ng isang linggo. Ako na lang ang magluluto, maglilinis saka maglalaba bilang kabayaran." He smirked. "I like how that sounds but you can just make us meals." Muli na naman siyang humikab. "God, I'm so sleepy." Umismid ako. "Bakit? Napuyat sa mga babae mo?" Keios clicked his tongue while staring at me. "Ikaw lang naman babae ko." I bit my lower lip before I looked away. Nakakainis! Hindi ko masuway ang mga lintik na bubuyog sa tiyan kong umaalyansa na nang paunti-unti sa lalakeng ito! "Sabihin mo lang kung kinilig ka na. Magpapa-buffet kaagad ako sa buong team namin." Umirap ako nang marinig ang kanyang sinabi. "Matulog ka na. Aalis din muna ako at babalik sa coffee shop." He shook his head. "I'll take you there and wait for your shift to finish so we can go home together." "Hindi mo kailangang gawin 'yon." "Manliligaw mo ko, Denyse, hindi landlord." He grabbed the rest of my stuff, put it inside the large built-in cabinet along with my suitcase, and then he grabbed my hand. Binawi ko kaagad ang kamay ko ngunit ngumisi lamang siya't niyaya na akong umalis. Sakay ng kanyang puting Lexus LX 570 ay bumalik kami sa coffee shop bago pa man nagsimula ang shift ko. His friends already left but Keios insisted to stay. Nag-order na lamang ng kape at nanood ng replay ng paborito niyang football team. "Hindi talaga 'yan nag-o-order hangga't hindi pa ikaw ang nasa counter," kwento ng kasamahan ko. I sighed. Hindi ko alam iyon at ayaw ko sanang malaman dahil quota na masyado sa pogi points si Keios ngayong araw. I put the lid of his latte before I brought it to his table. Naabutan ko pa siyang umiiling na tila diskumpyado sa pinanonood na laro, ngunit nang tingalain ako ay nagawa kaagad ngumiti at magpasalamat. "Kapag na-bored ka dito, umuwi ka na. Antok na antok na 'yang mga mata mo," mataray kong bilin bago ako bumalik sa counter ngunit hindi talaga siya umalis kahit na napilitan akong mag-over time. Siniko ako ni Shaina nang mapansin niyang nakadukdok na si Keios sa mesa. "Tulog na yata si lover boy," aniya. Tumingin ako kay Keios. I felt guilty when I saw him resting his head on the table while his eyes were shut. Apat na oras na siya ro'n at matyagang naghihintay sa akin kahit ilang beses ko nang pinauwi. Na-guilty ako lalo na at hindi pa siya kumakain ng dinner kaya nang sabihin ng manager na pwede na akong umuwi ay binilisan ko ang pagpapalit ng damit. Lumapit ako kay Keios at marahang tinapik ang likod niya. "Keios." He lifted his head and drew in a sharp breath. Ikinurap niya rin ang inaantok niyang mga mata saka pinasadahan ng tingin ang paligid. "Tara?" he asked. I swallowed before I nodded. Tumayo naman siya at inagaw ang backpack kong may lamang uniform. Ayaw ko pa sanang ibigay ngunit mabilis na niyang nakuha. "May stock ka ba sa unit mong pwedeng iluto?" I asked. He shook his head. "Puro tubig, beer at energy drink lang laman ng fridge." "Sa laki ng ref mo 'yon lang ang laman?" He opened the door for me. "'Di nga ako nagluluto." Right. Nasabi nga pala niya. "Well, if I'll cook for you, kailangan natin mag-grocery." "Ngayon na ba?" he asked while we walk towards his car. "Wala nang mabibilihan ngayon." He checked his watch before he clicked his tongue. "Drive thru na lang tayo. Ano gusto mo kainin?" "Ikaw ba?" He smirked and was about to say something I'm pretty sure was naughty but he ended up pursing his lips. "You choose, baby." I rolled my eyes. "Hindi ako mahilig mag-fastfood dahil may kamahalan kaya wala akong masyadong alam, pero gusto ko 'yong Chow Fan sa Chowking." Dinukot ko ang tip sa aking bulsa. "May two hundred ako. Magkano lang 'yon isa." "It's fine. I can pay." I shook my head. "Don't disempower me. Kahit man lang sa ganito, masabi kong kaya rin kitang ilibre." "May pogi points ba ko kapag hinayaan kitang ilibre ako ng Chow Fan?" "Wala, pero mabubusog ka." He smirked while staring at me. "Kung sabagay, titigan pa lang kita busog na ko." Umirap ang aking mga mata. "Ang corny mo, Ducani." "Wala akong magagawa." His lips curled a wider smile as he pinched my cheek. "Hibang sayo 'to." I pursed my lips and looked away but it was too late for me to hide my reddened cheek. Ngumisi na ang loko at akala mo nanalo sa lotto'ng tumingin sa lalakeng dumaan. "Psst. Oy," tawag niya sa lalake. Nang tumingin ay tinuro ako. "Namula, oh. Kinilig na sa wakas." Pinalo ko siya sa braso. "Gago ka, Keios! Kilala mo ba 'yon?" He looked at me, grinning. "Hindi." "Oh, eh bakit mo kinausap nang gano'n?" "Wala lang. Masyado akong masaya, eh. Walang pakiialaman ng trip kapag masaya," sagot niya bago ako pinagbuksan ng pinto sa shotgun seat. I sighed and nearly slapped my forehead. Ibang klase rin talaga ang sapak sa utak ng lintik na Ducani'ng ito. .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD