Chapter 2

2787 Words
NAGTUNGO SA library si Catherine at doon siya nagpalipas ng inis. Lunes na lunes pero hindi na maganda ang mood niya. Hindi na muna siya papasok sa susunod na subject, tutal ay minor  lang naman iyon. Sa library na lang  siya nagpalipas ng oras hanggang dumating ang oras ng pag-uwi niya. Marahan siyang naglalakad nang maagaw ang pansin niya ng tila komosyon sa isang sulok ng campus. Babale-walain na lang sana niya iyon nang mahagilap ng tingin niya ang lalaking nakasalamin. Ito ang may ari ng thesis  na naging tulay para magkrus ang landas nila ni Lance Pierro Alvarez. Napalunok siya nang makitang kinukwelyuhan ito ng isang malaking lalaki na tila bouncer sa club sa laki ng katawan. Bahagya siyang napaatras nang makita siya ng lalaking nakasalamin, biglang lumiwanag ang natatakot na mukha nito. Oh no, not again! Handa ng siyang tumalikod nang tawagin siya nito, "M-Miss Catherine!" Nagsusumamo ang boses nito katulad ng pagsusumamo ng mga mata. What? Am I supposed to help him? Napapantastikuhang luminga siya sa mga taong nag-uusyoso sa nangyayari. Bakit wala man lang gustong tumulong sa mga ito? Tila nasisiyahan pa nga ang mga itong panoorin ang ganoong eksena sa loob ng campus. Wala man lang bang tumatawag sa kahit na sinong school authority? Pakiramdam niya ay umakyat lahat ng dugo sa ulo niya nang makita si Lance Pierro na kampanteng nakasandal sa isang makintab na sasakyan. Malaki ang shades na tumatabing sa mga mata nito kaya hindi niya alam kung saan ito nakatingin, ngunit malakas ang kutob niya na sa kanya nakatutok ang mga mata nito. At hindi niya alam  kung bakit kumakalabog ang dibdib niya nang mga sandaling iyon. Kung pagmamasdan kasi niya ito ay para itong modelo na nag-eendorso ng sasakyan. Malakas ang kutob niyang may kinalaman na naman ang lalaking ito sa gulong iyon. Mabibilis ang hakbang na nilapitan niya ang kinaroroonan nito at nakataas ang isang kilay na hinarap niya ito. Mukhang nasasanay na ang kilay niya sa pagtaas. Dahan-dahan naman nitong tinanggal ang suot na shades. Gorgeous set of eyes, as black as the darkness of the night... she thought, iyon din ang  naisip noong una niyang makita ang mga mata nito ngunit parang may kakaiba sa mga iyon. Hindi niya matukoy kung ano iyon pero parang may kakaibang emosyon sa mga matang iyon na hindi niya mapangalanan. "Let him go" mariing utos niya nang tuluyan siyang makalapit dito. Suminghap ang mga nakarinig sa kanya na tila hindi makapaniwalang sinabi niya iton sa lalaki. Ang iba nga ay bahagya pang lumapit sa kinaroroonan nila para marinig nang maayos ang magiging palitan nila ng salita ni Lance Pierro. Sa hitsura ng mga ito, tila noon lamang nangyari na may nagsalita ng ganoon dito. Nagsipaglayuan din naman agad ang mga ito nang pukulin ito ni Lance Pierro ng nagbabantang tingin. Parang mga daga na nagsipaglayuan ang mga iyon. Hindi niya tuloy maiwasang lalong tumaas ang isang kilay niya. Mukhang pinangingilagan  talaga ito sa eskwelahang iyon. Bumaling ito sa kanya at inilahad  ang kamay. "Hi! My name's Lance Pierro Alvarez." He smiled, exposing a perfect set of white teeth. Kinabahan ang dalaga sa ngiting iyon. Tila may kung anong kakaibang pakiramdam na biglang nabuhay sa dibdib niya. Ang akala niya ay hindi ito marunong ngumiti pero sa pagngiti nitong iyon, tila biglang nag-switch ang personalidad nito sa isang kaaya ayang tao. Parang bigla  ay nagliwanag ang madilim na mukha nito at nawala ang kaarogantihan doon. Ang ngiting iyon yata ang perpektong halimbawa ng salitang 'killer smile.' That smile was definitely in contradiction to his arrogance. Ipinilig niya ang ulo. Inignora din niya ang nakalahad na kamay nito. "I don't care! Let him go!" naiiritang wika niya, Tila naman napahiya ito sa pagbabale-wala niya sa kamay nito, nabura ang ngiti nito at bumalik ang mayabang na ekspresyon nito. "Paano kung ayaw ko? At dahil masungit ka, I've changed my mind. Hindi na lamang pakikipagkilala ang gusto ko. Pakakawalan ko lang ang lalaking 'yan kung magpahatid sa akin." "Ayoko! Hindi mo ako mapipilit!" matigas na sagot niya. Nilabanan niya ang tingin nito. May sarili siyang kotse ngunit bihira niyang gamitin iyon sa pagpasok sa eskuwelahan, maliban kung maraming gamit siyang kailangang dalhin. "Let us see," kumpiyansang wika ni Lance Pierro  bago binalingan ang lalaking mukhang bouncer na may hawak sa lalaking nakasalamin at tinanguan ang una. Nanlaki ang mga mata ni Catherine nang umakto ang lalaking mukhang bouncer na  uundayan na ng suntok ang nakasalamin. "Stop!" agad na sigaw niya. Ngiting-ngiti naman si Lance Pierro, na para bang siguradong-sigurado na ito na ito ang nagtagumpay sa labang iyon. "Well, it looks like I won." Nakakaloko ang ngiti nito habang binubuksan ang pinto sa passenger's side ng sasakyan nito. So, this guy wass a bully; harassing and terrorizing people was his game. Akala niya ay sa high school lang uso ang mga bully, pero mayroon pa rin palang ganoon sa kolehiyo. AT doon pa sa St. Anthony's na kilala pa man din na leader maker ng bansa. Ilang prominenteng pangalan sa lipunan ang nagtapos sa eskuwelahang iyon.  Nagngingitngit na binalingan niya ito. "Papayag lang ako on one condition. Titigilan n'yo na ang panggugulo sa taong yan, nagkakaintindihan ba tayo?" Hindi pa tayo tapos, nanggagalaiting dagdag niya sa isipan. "Okay," bale-walang sagot nito. sinenyasan nito ang lalaking mukhang bouncer na pakawalan ang lalaking nakasalamin. She watched as the nerdy guy ran away. Naaawa siya rito dahil mukhang nagiging target ito ng mga bully sa eskuwelahang iyon na katulad ng lalaking kaharap niya ngayon. "Paano ako makakasiguro na hindi mo na guguluhin ang lalaking iyon?" "You have my word." "Really? Alam mo kung ano ang tingin ko sa iyo? Ikaw ang tipo ng tao na hindi nagpapahalaga sa salita," matalim na pahayag ni Catherine. Marahas na lumingon ito sa kanya, nag-isang linya ang mga kilay nito.   Huh! Did i hit a nerve? "Surprisingly, I am that sort of person! O gusto mong patunayan ko ngayon sa 'yo kung gaano ako kagago?" salubong ang mga kilay na wika nito. Hindi niya alam kung talagang nasaktan ito sa sinabi niya o nasaling lamang niya ang ego nito. Wala na siyang nagawa kundi lumulan sa kotse nito. Agad naman nitong pinaharurot ang sasakyan. Ipinagpasalamat niyang naging ugali niya ang pagkakabit ng seat belt, dahil kung hindi ay katakot-takot na nerbiyos ang aabutin niya sa klase ng pagmamaneho nito. Daig pa nito ang nasa racetrack kung makipagkarera at lampas-lampasan ang mga sasakyang nasa kalsada. Salubong pa rin ang mga kilay nito habang mariing nakatikom ang bibig. "Can't you slowdown? Mamatay ka ba kung normal speed lang ang gagamitin mo?" hindi nakatiis na sita niya rito. Marami pa siyang pangarap at ayaw niyang mawala iyon dahil lamang sa kaskaserong lalaking ito.  Bumunntong-hininga ito, pagkatapos ay nagmenor din naman. Saka niya napansin  na ibang deriksiyon ang tinatahak nila. How stupid could she get? Hindi nga pala niya nabanggit ang address nya. "P-paki u-turn ng sasakyan. Hindi ko nasabi kung saan ang bahay ko at lampas na tayo." "I know where you live. We'll just have early dinner." Sa wakas ay nagsalita ito, hindi na rin nakakunot ang nuo nito pero ang tinig nito ay iyong tipong nag-uutos at nagsasabing wala siyang karapatang tumanggi. Sa lahat pa mandin ng ayaw niya ay mga dominante at mayayabang na lalaki. Tipikal na anak-mayaman talaga ito; brat and spoiled. Ito ang tipo ng tao na hindi papayag na hindi nakukuha ang gusto. "W-what? Hindi kasama sa usapan natin ang dinner na yan!" protesta niya. "Teka nga muna, ano ba talaga ang kailangan mo sa akin ha?" "Well, let's just say that I am interested in you. Ilang beses na tayong nagkakasalubong sa campus pero hindi mo ako pinapansin.  Ni hindi mo ako sinusulyapan the way most girls do." Hindi lang pala boses nito ang bumalik sa normal kundi pati ang kayabangan nito ay bumalik na rin. "Ah, so, 'yon pala ang kasalanan ko, ang hindi pagpansin sa 'yo," tumatango-tangong wika ni Catherine. "Bakit, sino kaba? Olympian god? Kung ikaw pa si Brad Pitt, baka sakaling nagpa-autograph pa ako sayo," napapantastikuhang wika niya rito. "Mas gwapo ako ro'n," walang gatol na wika nito na bahagya pang nakataas ang sulok ng mga labi. Natawa siya sa sagot nito. Ang kapal talaga ng mukha! Natigil siya sa pagtawa nang matanto niyang nakatitig  ito sa kanya. Tumikhim siya. "Kahit na mas gwapo ka pa 'kamo kay Brad, the problem is you're not my type!" Bakit nga ba bigla na lang siyang bumungisngis sa harap nito? Ang masama pa, bigay na bigay ang pagtawa niya. Baka isipin nito na nagpapa-cute siya dito. "Take that back. Baka kainin mo ang sinasabi mo," nakangiting sagot nito ngunit hindi iyon umaabot sa mga mata nito. Naapektuhan kaya ito sa sinabi niya? Ipinilig niya ang ulo. Kung ano ano ang napapansin mo, Catherine... "We're here," anunsiyo ni Lance Pierro. Saka lang napansin ni Catherine na nasa harap sila ng isang mamahaling restaurant. It was an Asian restaurant that served all kinds of Asian cuisine--- Korean specialties, Japanese, Chinese, and others. Alam niya ang restaurant na iyon. Hindi birong pera ang pakakawalan ng sinumang gustong kumain doon. Bukod kasi sa mga pagkain ay world class din ang establisyemento at may nakatalaga pang chef at waiter ang bawat diner. Lihim na napangiti ang dalaga. Revenge is indeed at hand! Mabilis na bumaba ng sasakyan ang binata at lunigid sa gawi niya, marahil ay upang  ipagbubukas siya nito ng pinto. Ngunit bago pa man ito makalapit ay mabilis na siyang naka-ibis ng sasakyan. Lihim siyang napangiti nang matigilan ito at tila nainsulto sa iginawi niya. Hindi na rin niya hinintay na alalayan siya nito papasok sa restaurant. Siya na rin ang  naghila ng upuan niya nang makarating sila sa mesa na nasa bandang sulok ng restaurant.  Hindi na maipinta ang mukha nito nang makaupo sila. "Won't you really let me do those gentlemanly acts?" Ngumiti siya nang sarkasriko. "I'm not expecting you to be a gentleman." Muli, alam niyang naka score na naman siya. Sasagot pa sana ang binata nang lumapit ang waiter na nakatalaga sa mesa nila pati na ang chef na siyang magluluto ng kakainin nila. Pinauna niya ito sa pag-order. He settled for Korean food, maaanghang lahat. "How about you ma'am?" baling sa kanya ng waiter na kanina ay sinenyasan niya nang palihim pati na ang chef na huwag siyang babatiin. Mukhang nakuha naman ng mga ito ang mensahe niya dahil napakapropesyonal ng ginawang pagtrato ng mga ito sa kanila. "Fresh fruits in caramel dip, please pineapple juice. That's all! And please make sure to do the usual, okay?" Kumunot ang noo ni Lance Pierro nang ngitian niya ang waiter. "Certainly, Ma'am," anang waiter bago magalang na tumalikod. "Prutas lang ang kakainin mo? And what's the usual?" baling ni Lance Pierro sa kanya nang makaalis ang waiter at ang chef. "You'll see," makahulugang sagot niya. Hindi na ito nagkomento. Lihim siyang nangingiti sa nakikitang pagkabalisa nito. Tila hindi nito alam kung paano magbubukas ng paksang pag-uusapan, katunayan roon ang ginagawa nitong pagtapik-tapik ng mga daliri nito sa ibabaw ng mesa. Ilang beses din niyang nahuling nag-iwas ito ng paningin kapag nahuhuli niya ang mga mata nitong nakatingin sa kanya. Parang gusto tuloy niyang magdalawang isip kung totoo ba talaga ang kayabangan nito dahil sa kaunting panahon ay marami na agad siyang nakitang inconsistency sa personalidad nito. Nakahinga marahil ito nang maluwag nang maihain na ang mga pagkain, pagkatapos  ay pareho na silang naging abala sa pagkain. Manaka-naka ay nahuhuli pa rin niya itong sumusulyap sa kanya. Agad na nagbabawi ito ng tingin na sinasagot naman niya ng pagkibit-balikat. Iyon nga lang, kahit na anong gawin niyang pambabalewala rito ay hindi pa rin niya naiwasang hindi maapektuhan ng presensiya nito. Hindi kasi nakaligtas sa paningin niya ang humahangang mga mata ng mga kabaro niya na panay ang sulyap sa mesa nila.  "Would you like some champagne?" Tanong nito nang matapos na silang pagkain, Tumaas ang isa kilay ng dalaga. Marunong din pala itong magtanong. Akala niya, ito ang tipong hindi humihingi ng opinyon ng iba. "Champagne? What for?" May dapat bang i-celebrate? "Wala lang," anito. Mayamaya ay sumenyas sa waiter upang hingin ang bill nila.  Mabilis namang lumapit ang waiter. Nakadama siya ng kasiyahan nang makita ang dalawang set of bills. There you go. "Ano'ng ibig sabihin nito?" nanggigigil na tanong ni Lance Pierro nang makita ang magkahiwalay na bills.  "As you can see, there are two separate bills. Ibig sabihin, kanya-kanyang bayad tayo." Binigyan niya ito ng ngiting nagsasabing naisahan na naman niya ito. "I won't allow that! Kahit kailan hindi ko pa pinagbayad ang mga babaeng nakasama ko!" agad na protesta nito. Nagbabaga na ang mga mata ng binata sa galit, gayunpaman ay nananatiling kalmadop ang boses  nito. Ngunit halata pa ring galit base sa pamumula ng mukha nito. Marahas na inilabas nito ang wallet at naglabas ng  credit card. Hinablot nito ang dalawang bill at ibinigay sa waiter. "I'm sorry, Sir, but Miss Sanders' bill is already paid. Lahat ng nagtatrabaho rito ay alam ang patakarang iyan ni Miss Sanders. That is the 'usual'," paliwanag ng waiter. Napangiti si Catherine kahit na bahagya ring kinakabahan. Well trained talaga ang mga empleyado ng kuya niya. Isa lamang ang restaurant na iyon sa mga sangay ng restaurant na pag-aari ng kapatid nya. Mga pinagkakatiwalaang tao ang nagmamanage ng mga iyon dahil sa ibang bansa na nga nakabase ang kuya niya. Matagal na siyang kinukumbinsi ng kapatid na i-manage ang mga iyon pero sa tuwina ay tumatanggi siya  sapagkat nag-aaral pa siya at hindi pagnenegosyo ang hilig niyang gawin. "Give her a refund! Damn it!" singhal ni Lance Pierro sa waiter. "I'm sorry, Sir, but we stick to our costumer's usual preferences, especially Miss Sanders.'  Unless she tells us to do otherwise."  Naniningkit ang mga matang bumaling sa kanya si Lance Pierro. "Catherine, huag mo akong ilagay sa ganitong sitwasyon." Masyado ka kasing adelantado, eh. 'Ayan ang napala mo! natawa siya sa naisip. "That's my rule, Alvarez. I've been doing it since the beginning, at hindi ko pa 'yon nababali. Lalong hindi ikaw ang babali sa nakasanayan ko na so live with it!" nagkibit balikat na sagot niya rito. "I won't allow that!" Binalingan nito ang waiter. "Tawagin mo ang manager o ang may-ari! You do what I say or I'll sue all of you. I'm telling you, hindi n'yo magugustuhan ang gagawin ko!" banta nito. Sinenyasan niya ang waiter na umalis na, kapagkuwan ay hinarap niya ang binata "I represent the owner. On what grounds would yousue us?" "You represent the owner?! What the – oh, I get it! Your family owns this place." "Why, Alvarez, what kind of woman do you usually date? Hindi ko ginagawa ito dahil sa 'yo.  I've been doing this since a long time ago, so don't feel too humiliated. This is the kind of life I live," aniya rito.  Sa mga tulad nitong adelantado at matataas ang ego, nakakainsulto talaga ang ginawa niya. But he deserves it. "Can't you just break it? It's total nonsense. Lagi bang magiging ganito ang sitwasyon  sa bawat restaurant na puputahan natin? Lagi ba nating pagtatalunan ang ---" "Whoa! Hold it. Anong mga restaurant ang pinagsasabi mo? Let me make it clear to you, Alvarez Wala akong planong ma-involve sa isang kagaya mo, so this will be the first and last time that I come with you. And me paying for my own meal is not nonsense!" "Okay, forget the 'nonsense' part." "Can't you just say you're sorry?" "Sorry? Come on, Catherine. Pride at reputasyon ko ang nakataya rito." "Yeah, right. Makakasama nga naman sa reputasyon mo na may babaeng hindi mo mapasunod. I'm telling you, Alvarez, wala sa plano ko ang mainvolve sa 'yo." Sinasabi na nga ba niya at tama ang impresyong nabuo niya tungkol dito. "Too late, babe, dahil nakuha mo na ang atensyon ko." "Wala akong kinukuhang atensyon, Alvarez! I can't believe this!" napapailing na wika ng dalaga. Inignora na lamang niya ang endearment na ginamit nito, subalit hindi nakaligtas sa kanya ang tila paglundag ng  puso niya. Pinayapa niya ang loob niya, saka tumingin sa suot niyang relo. "So, ihahatid mo pa ba ako? Kailangan ko nang makauwi. My little boy is waiting," aniya. Tumayo na siya at humakbang patungo sa exit ng restaurant. Agadna humabol ito. "Y-you have a son?" tila hindi makapaniwalang tanong nito, nanlalaki pa ang mga mata. Tumigil siya sa paghakbang at hinarap ito. "Mukha ba akong may anak na?" Iningusan niya ito. "Well, I wish he was mine. He's my nephew." Hindi niya alam kung bakit itinama pa niya ang akala nito gayong dati-rati naman ay wala siyang pakialam kung isipin man ng mga bago niyang kakilala na may anak na siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD