Chapter 3

2127 Words
Walang imikan sina Catherine at Lance Pierro hanggang sa makarating sila sa bahay ni Catherine. Sa gate palang ay natanaw na niya ang anim na taong gulang na pamangkin niyang si Justin na naghihintay sa labas ng front door kasama ang yaya nito. Agad na tumayo ito at tumakbo papalapit sa gate nang umibis siya ng sasakyan. Lumabas ito ng gate pagkatapos buksan iyon. "Mommy!" Lumuhod siya at ibinuka ang mga bisig. Malaking bulas ito sa edad na anim na taon kaya naman hindi na niya magawang kargahin ito. "How's my baby? Nag-behave kaba hmm? Naubos mo ba ang meals mo?" "Yes, Mommy. Para po maging happy ka kasi kumain ako nang mabuti," nakangusong sagot nito. "Really?" Ginulo niya ang buhok nito at kinintalan  ng isang matuog na halik ang pisngi nito. "Very good! At dahil diyan, 'eto ang premyo mo." Dumukot ang dalaga sa bag niya, inilabas ang isang lollipop, at iniabot iyon dito pagkatapos alisan ang wrapper niyon. Kinalabit siya ng bata at may itinuro sa likuran niya. Lumingon siya. Napasinghap siya nang makita si Lance Pierro na nakamasid sa kanila. Ang akala niya ay nakaalis na ito. Bahagya siyang napamaang nang makita ang kakaibang ekspresyon sa mga mata nito na para itong naiiyak na hindi niya mawari. "Who is he, Mommy?" Tanong ni Justin na animo matandang nagtatanong. "Hello,young man. My name is Lance Pierro Alvarez and I'm your mommy's boyf ---" Agad na tumayo si Catherine at tinakpan ang bibig ni Lance Pierro nang maunawaan niya ang nais nitong sabihin. Pinanlakihan niya ito ng mga mata. "Don't you dare!" mahina ngunit mariing sita niya rito. Binalingan niya ang bata. "He's a new friend Justin." Binalingan ni Justin si Lance Pierro. Bahagya siyang natawa sa hitusra ng kanyang pamangkin. Para itong tatay na kini-criticize ang manliligaw ng anak. Sumenyas ito sa kanya na may ibubulong kaya inilapit niya ang tainga niya sa bibig ng bata. "I don't like him, Mommy," wika nito at sinabi pang kamukha umano ni Lance Pierro ang kontrabida sa cartoons na pinapanood nito. Sinulyapan niya ang binata at hindi niya napigilang mapahagalpak ng tawa nang makitang nakakunot ang noo nito at naniningkit ang mga mata. Hindi nga maganda ang aura nito kaya marahil ganoon ang naisip ng pamangkin niya. "What?" nakasimangot na tanong nito. Binalingan muna niya si Justin at inutusan itong pumasok na sa bahay. "Don't forget to brush your teeth, okay? And tell Ate Lucy to prepare my workroom," aniya. Kasambahay nila si Lucy at siya ring nag-aalaga kay Justin. Tumango si Justin at tumakbo na papasok sa bahay.  "Careful!" bilin niya rito.  Hinintay muna niyang makapasok ito sa bahay bago niya hinarap si Lance Pierro na may kakaiba na namang emosyong nakabadha sa mukha. Hindi na nakasimangot ang itsura nito. Was it admiration she saw in his eyes? "Thanks for the ride, and for dinner, " aniya rito. Sumimangot na naman si Lance Pierro pagkarinig sa sinabi nya. "Won't you at least invite me  in for coffee, perhaps?" "Sorry, I have no time to entertain you. Marami akong trabaho ngayon." She was a web designer even though she was still in school. Ilang web designs at computer games na rin ang nabuo at naibenta niya nang malaki. High school pa lamang siya ng matuklasan niya ang talent at potensiyal sa web designing. Parang laro lamang iyon sa kanya noong una, libangan kumbaga, hanggang sa malaman niyang pwede pala siyang kumita nang malaki mula roon. Ulila na sila ng kuya niya. Ang munting kabuhayan na naiwan ng kanilang mga magulang ay napalago nito. Her brother was a dedicated and hardworking person, kaya hindi kataka-taka kung maabot man nito ang tagumpay. Ito ang tumayong ina at ama niya. Binusog siya ng kuya niya hindi lamang ng material na bagay kundi pati pagmamahal. Laking pasasalamat nga niya ng ma-inlove ang kuya niya kaya hindi na siya makokonsensiya na iniisantabi nito ang sarili sahil sa pag-aasikaso sa kanya. Her brother was now working overseas. Pinili nitong lumayo nang mamatay sa isang car accident ang hipag niya. Masyado kasi nitong mahal ang asawa. Pumayag itong maiwan sa kanya si Justin at mula noon siya na ang umaruga sa pamangkin niya. Buong-puso niyang ginagawa iyon bilang ganti sa pag-aaruga ng kuya niya sa kanya noon. Kahit nasa kanya si Justin, siniguro niyang kilala nito ang mga magulang nito. Lagi niyang kinukuwentuhan ito ng mga bagay tungkol sa mga magulang nito. Justin knew that his real mother was in heaven and his father was working hard for his future. Maliit pa lang ito ay siya na ang nag-aalaga rito kaya nakasanayan na nitong tawagin siyang 'mommy,' na hindi naman tinutulan ng kuya niya. "I can lend you a hand whatever work you're doing." Ang tinig ng binata ang pumutol sa gunita niya. Pinukol niya ito ng hindi makapaniwalang tingin. "Really? I hadn't expected that. Alam mo kung ano ang tingin ko sa 'yo? Isa kang spoiled rich kid na nakukuha ang lahat; isang palautos na kukunin ang lahat by hook or by crook, who's wasting his parent's money."  Pumalatak siya. "Kawawa naman ang magulang mo sa 'yo."  Nagdilim ang hitsura ng binata, dahilan para bumangon ang kaba sa dibdib niya. Tumigas ang mukha nito at naggalawan ang mga muscles nito sa mukha. Nagpapakita ng galit ang nakakuyom na mga kamay nito.  Napasobra ba ang sinabi niya? Masyado ba niya itong hinusgahan? "Wala kang alam tungkol sa akin, Catherine, lalo na sa mga magulang ko," anito sa mapanganib na tono. Nagbabadya ng isang malakas na bagyo ang madilim na hitsura nito. Hihingi na sana siya ng paumanhin at handa na siyang bawiin ang kanyang nasabi nang bigla nalang siyang kabigin nito palapit sa dibdib nito at walang sabi-sabing hinawakan ang ulo niya pasabunot sa kanyang buhok upang ilapit ang kanyang mukha rito. "P-please I'm sor---" Hindi na niya natapos ang sinasabi niya dahil sa isang iglap ay walang babala na nitong inangkin ang mga labi niya. Marahas at nagpaparusa ang halik na iyon. Nanlaki ang mga mata niya nang marahas na ipasok nito ang dila sa kanyang bibig. Tila ipinaparamdam nito ang galit at hindi ito nabigo sa nais nitong gawin dahil pakiramdam niya ay tumayo ang lahat ng balahibo niya sa katawan sa nararamdamang takot. Tumulo ang luha ng dalaga, hindi lamang dahil sa sakit na dulot ng marahas na pananalasa ng mga labi nito kundi dahil hindi niya inaasahang ganoon ang magiging first kiss niya. She felt humiliated and scared. Nararamdaman din niya ang sakit ng anit niya bunga ng mahigpit na pagkakahawak nito sa buhok niya.  Ngunit wala na marahil mas titindi pa sa sakit ng loob na nararamdaman niya. Mahapdi ang ibabang labi niya na pumutok yata dahil may nalalasahan siyang dugo. Ah, she had never felt so humiliated and so low in her entire life. Biglang tumigil sa pananalakay ang nagpaparusang mga labi nito. Nalasahan din marahil nito ang alat ng luha at ang dugo sa labi niya. Dahan-dahang binitiwan siya nito at nanlalaki ang mga matang tila hindi makapaniwala sa nakitang hitsura niya. Batid niyang magulo ang buhok niya, umaagos ang luha, at bahagyang namamaga ang mga labi. Sa tindi ng shock na nararamdaman niya ay wala na siyang nagawa kundi ang tumayo roon at hayaan ang pagtulo ng kanyang mga luha. "God! What have I done?" Hindi ito magkandatuto sa pagkuha ng panyo at nanginginig ang kamay na pinunasan ang mga luha niya pati na ang dugo sa labi niya. Pagkatapos ay niyakap siya nito nang mahigpit. Naramdaman niya ang panginginig ng katawan nito. "I-Im sorry, I-Im sorry..." wika nito sa nahihirapang tinig habang hinahaplos ang kanyang buhok. Para siyang tuod na nakatayo lang. Kinuha nito ang kamay niya at dinala iyon sa dibdib nito. "H-hit me! Slap me! Catherine, parusahan mo ako!" Ngunit tinalikuran lang niya ito at marahang naglakad papasok sa bahay. Pakiramdam niya ay hinang-hina siya. Agad na dumiretso ang dalaga sa kuwarto niya at doon umiyak nang umiyak. Matamang pinagmamasdan ni Catherine ang repleksyon niya sa salamin kinaumagahan. Namamaga ang mga mata niya dahil sa kaiiyak. Marahang pinasadahan niya ng isang daliri ang ibabang labi niya na bahagya pa rin namamaga at medyo mahapdi pa. Halos mag-uumaga na nang makakuha siya ng makatulog siya. Bago siya nakatulog, naisip niyang kasalanan din niya ang nangyari. P-in-rovoke niya si Lance Pierro at marahil ay below the belt din ang mga sinabi niya rito. Wala siyang karapatang pagsalitaan ito ng kung ano-ano dahil hindi naman niya ito lubos na kilala. Her brother did not raise her to be judgemental. Hinagilap ng dalaga ang make-up kit niya at sinimulang ayusin ang sarili. Kung wala lang sana siyang  exam ng isang major subject niya ng araw na iyon ay hindi siya papasok. Maayos na tinakpan niya ng conceller ang nangingitim na ilalim ng mga mata niya. Inayos din niya ang mga labi niya na  minsan lang mapahiran ng lipstick. Nang makuntento sa hitsura ay lumabas na siya ng silid at naghanda sa pagpasok. Dumaan munaa ng dalaga sa silid ni Justin. Tulog na tulog pa ito. Hinagkan muna niya ito at saka lumabas na. Tiyak na magtatanong ito mamaya kung bakit hindi siya nag-'goodnight' dito nang nagdaang gabi.  Dahil sa nangyari, hindi na nagawang magtrabaho nang nagdaang gabi kaya dinala na lang niya ang laptop niya sa pagpasok sa eskuwela para tapusin ang nasimulang niyang layout para sa isang Web site kapag vacant period niya. Wala ang professor sa three o'clock subject niya kaya ipinasa niyang magtungo sa mini garden ng school at doon magtrabaho. Si Margaux naman na lagi niyang kasama kapag free time niya ay nasa library at may tinatapos na report. Nakatuon ang buong atensiyon niya sa ginagawa nang may magpatong ng paper bag na may tatak ng isang kilalang restaurant s akeyboard ng laptop niya. Malamang na ang kaibigan niyang si Margaux ang nagdala niyon. Alma nitong doon siya pupunta. Napangiti siya sa pagiging maalalahanin nito. Madalas siyang dalhannito ng pagkain kapag alam nitong hindi pa siya kumakain. Ngunit dagling nabura ang ngiti niya nang mag-angat siya ng tingin ay hindi ang kaibigan ang nakita niya kundi ang lalaking dahilan ng pag-iyak niya sa magdamag. "K-kumain ka muna. Hindi ka lumain kaninang lunch at hindi ko rin nakitang nag-merienda ka," banyad na wika ni Lance Pierro na hindi makatingin ng deretso sa kanya. Sa mabilisang sulyap na ginawa niya rito ay nakita niyang nangangalumata rin ito. He looked like he didn't get any sleep last night. "N-no thanks," tanggi niya kahit pa nagre-react ang tiyan niya sa mabangong aroma na nagmumula sa paper bag na dala nito. Paano nito nalaman na hindi pa siya kumakain mula nang pumasok siya kaninang umaga? "Kakain ka ba o gusto mong itapon ko na lang 'yang laptop na 'yan?" angil nito na tila nauubusan na ng pasensiya. "Aba't...!" Babarahin sana niya ito pero naisip niya ang laptop niya. Nasa finishing touches na ang design niya at masyadong importante iyon para ipakipagsapalaran niya. Kinuha niya ang bag niya at naglabas ng one-thousand peso bill, saka inabot iyon dito. "Hindi ako nagpapalibre sa kahit na sino." Generally, mahaba ang pasensiya niya, pero pagdating dito ay tila nawawala agad sa balance ang hormones niya. Ano ba ang mayroon dito at kinakabahan siyang hndi niya mawari kapag lumalapit ito sa kanya? Ah, marahil ay natatakot lang siya sa gulong dala nito. Nagsalubign ang mga kilay nito. Akmang magsasalita ito pero inunahan niya ito. "Kukunin mo ang bayad ko o bibitbitin mo ang paper bag na 'yan at aalis ka rito?" Nilabanan niya ito ng tingin. Mukhang nanalo naman siya dahil marahas na bumuntong-hininga ito, saka inabot ang pera. Pinatay niya ang laptop at binuksan ang paper bag. Mukhang masarap ang mga pagkain na anroon. Naglagay siya ng hand sanitizer sa mga kamay habang nakamasid lang ito s a kanya. "Makakaalis kan---" Napatigil siya sa pagsasalita nang makita niyang nakatitig ito sa mukha niya, partikular sa mga labi niya. Alam niyang hindi maitatago ng lipstick niya ang bahagyang pamamaga niyon. "M-masakit pa ba?" malumanay na tanong nito. Gusto na namang tumaas ng isang kilay niya nang mabasa ang pag-aalala sa anyo nito gayundin sa tinig nito. May konsensiya pa rin pala ang tulad nito. "Physically? Sort of. Emotionally? Yes," nagkibit-balikat na tugon niya. "I'm really, really sorry. I take full responsibility of what happened. I'm sorry," malumanay na wika nito, saka walang babalang tumalikod at umalis. Nakaawang ang bibig na nasundan na lang niya ng tingin ang papalayung pigura nito. Tama ba ang narinig niya na nasa bokabularyo rin pala nito ang salitang 'sorry'. Pero mas tumimo sa isipan niya ang pagsisising nabasa niya sa mukha nito. Parang salungat na naman iyon sa pagiging mayabang nito. Hay, bakit ba ang dami niyang napapansin sa lalaking iyon? Nagkibit-balikat na lang siya at nagsimula nang pagkain.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD