"ANDY, can you please—" Natigilan si Catherine nang umiwas sa kanya si Andy. Kaklase niya ito sa Psychology. Nagtatakang inilibot niya ang tingin sa kabuuan ng classroom. Kanina pa niya napapansin na tuwing may lalapitan o kakausapin siya ay agad na umiiwas o lumalayo ang mga ito sa kanya. Hindi nakatiis na kinalabit niya si Margaux. "Tell me what's going on here." Tumaas ang mga kilay nito. "Girl, may tatak na ang noo mo." Napahawak siya sa kanyang noo. "Come again?" naguguluhang tanong niya. "Ganito 'yon, lahat ng kaklase nating lalaki ay pinagbantaan ng boyfriend mo. Huwag na huwag daw silang makikipag-usap o lalapit sayo. Well, para ka lang namang may invisible sign diyan sa noo mo na nagsasabing 'Pierro's girl'" Nanlaki ang mga mata niya sa narinig. "What? Marge, alam mo namang

