KAHIT PAPAANO ay nakapag-concentrate si Catherine sa panonood ng basketball game ni Lance Pierro. Iyon nga lang, tila nadagdagan pa ang rason kung bakit hindi na babalik sa normal ang t***k ng puso niya. Nasaksihan kasi niya kung paano ito maglaro. Magaling ito ngunit team player din ito. Hindi ito kagaya ng ibang manlalaro na halos solohin ang bola. Huwag nang isali ang kaakit-akit na hitusra nito habang dumidikit ang jersey sa katawan nito na basa ng pawis. . Natagpuan na lang niya ang sarili na nagdadaop ng mga palad dahil sa hindi mapigilang pagpalakpak. Natapos ang halftime. Alam niyang pupuntahan siya ng binata kaya bago pa nito magawa iyon ay tumayo na siya at nagtungo sa ladies' room. Hindi kasi niya alam kung papaano pa ito pakikiharapan pagkatapos niyon. Pakiramdam niya ay par

