Chapter 6

2300 Words

NAPAPITLAG si Catherine nang maramdaman ang pagpatong sa kanyang mga balikat ng isang jacket. Lumingon siya at inirapan si Lance Pierro nang makitang nasa tabi na niya ito. "Aren't you at least going to thank me?" nakakunot-noong tanong nito. "Oh, thank you! Muntik mo nang mapatay ang taong 'yon," sarkastikong sagot niya sa binata. Nakakapanginig ng laman na isiping may mapapatay na tao dahil sa kanya. Bumunto-nghininga ito. "Ayoko ng ganyang bihis mo, takaw-pansin," puna nito sa suot niya. Iningusan niya ito. Kailan pa ito nagkaroon ng karapatan na punahin ang suot niya? Kung umakto ito ay animo may karapatan ito sa kanya. Pero aaminin niyang nakakaramdam siya ng kasiyahan sa ikinikilos nito. "Oh, this? I love it!" Inalis niya ang jacket na nakapatong sa mga balikat at nang-aasar na

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD