Bigla nagising ang inaantok na diwa ni Alexiz Ann ng sumalubong sa kanya ang mabangong amoy na yun. Kalalabas lang niya sa private office pagkatapos ng inuwi niyang trabaho dahil nga umuwi siya ng maaga inuwi na lang niya ang trabaho. Nalalanghap niya ang matamis na amoy. Agad siya natakam. Alam niya kung saan nanggagaling ang amoy na yun pero lagpas hatinggabi na dapat nagpapahinga na ang mga ito. Kaya naman niya kumuha ng pagkain at initin tuwing gabi bago siya matulog. Walang ingay na bumaba siya para silipin kung sino ang nasa kusina. Oh,Yung yummy na cook mo pala,anang ng inner wolf niya. Humalukipkip siya at tahimik na pinanuod niya ito. Abala ito sa kung ano nasa harapan nito nakatalikod kasi ito sa kanya at dito nanggagaling ang matamis na amoy na yun. Yummy! Kahinaan niya

