Hindi pa pumuputok ang araw gising na si Arthur,sanay siya na maaga nagigising kasi sa probinsya nila tuwing umaga nagsisibak siya ng kahoy. Wala siyang kalan sa bahay nila ng tiyahin niya dahil mas gusto niya de-kahoy ang kalan niya. Isa na din dahilan hindi siya makatulog pagkatapos ng huling paghaharap nila kagabi ng amo niya. Nagustuhan nito ang lecheflan cake niya kahit hindi niya nakitaan ito ng emosyon atleast nagustuhan pa rin nito. Ngayon,naisip niya mangahoy buti na lang sa likod ng mansion kakahuyan. Nagustuhan niya ang lugar dahil doon kahit nasa siyudad sila. Hindi nagtagal may isang sakong tuyong kahoy na siyang bitbit. Medyo may kainitan na ng lumabas siya ng kakahuyan kaya hinubad niya ang suot na tshirt at sinampay iyun sa balikat niya. Naisipan niyang mag-ihaw ng bang

