She's not feeling well. Nakaraan gabi pa niya nararamdaman ang pag-iinit ng katawan niya at hindi niya alam kung bakit? Hindi naman iyun lagnat saka mataas ang init ng temperatura nila mga lobo pero tila mas tumaas yun ngayon hanggang pinagpapawisan na siya. Buong magdamag sila maligalig ng wolf niya at lalo pang sumama ang pakiramdam niya ng makita niya si Arthur sa labas ng mansion niya na walang suot na pang-itaas. Napahawak siya sa sentido niya. Matamlay siya habang nakasandal sa sandalan ng swivel chair niya. Naisipan niyang tawagan si Valerie. Ang anak ng dating panginoon ng mga lobo. Agad naman ito sumagot sa tawag niya. "Papunta na ko dyan,mahal na prinsesa," mabilis nitong tugon. Tatlong oras niya ito hinintay bago ito dumating. Alam naman niyang sa malayong lugar pa ito na

