Mabilis siyang bumaba ng kotse para pagbuksan niya muli ng pinto ang dalagang amo. Hindi man ito ngumingiti pabalik sa kanya patuloy pa rin siya sa pagpaskil ng matamis na ngiti rito. Huwag lang talaga mairita sa kanya ang dalaga. Nakakahiya iyun sa parte niya pero mukha naman ayos lang naman rito. "Susunduin ko kayo,Ma'am,mamaya," aniya bago pa ito umalis sa harapan niya. "Deretso sa bahay," anito. Nakangiti na tumango siya. "Yes,Ma'am!" aniya. Hindi siya agad umalis roon hinatid niya ito ng tingin hanggang sa makapasok ito sa mataas na gusali na pag-aaari nito. May ngiti sa mga labi niya na sumakay na siya ng kotse pero agad din natigilan ng makita ang isang paper bag na nasa passenger seat. Sheyt,nakalimutan niya ibigay sa dalaga. Ang leche flan cake na ginawa niya para mimeryen

