Itinigil niya ang paghahanap ng kung ano sa silid ng amo niyang dalaga. Maingat at maayos niya binalik sa dati ang pagkakaayod ng mga gamit na ginalaw niya. Wala naman kakaiba roon maliban sa iilan gamit na naroroon. Namangha pa nga siya ng makita ang ubod ng daming damit sa closet ng dalaga maliban doon wala na siya nakita pang importante sa dalaga. Ilang piraso lang ang bag na meron nito at pulos sneakers pa ang sapatos na ginagamit nito. Hindi high heels. Hindi materyales ang dalaga at nakakamangha yun. Kahit mayaman ito hindi ito maluho sa kahit anong material na bagay. She's so simple and yet beautiful! Biguan siya lumabas ng silid ng amo. Hindi pa rin nasasagot ang mga katanungan sa utak niya! Nakabitin pa rin ang kuryuso niya! Nang makababa siya ay nagtungo siya sa may bar area

