Chapter 18 Summer POV "Anong sasabihin mo sa akin kuya?" nakangiti kong tanong kay Kuya Nathan. Nandito kasi kami sa may garden ng campus dahil walang masyadong tao dito. "Diba adviser niyo si Ma'am Kris?" napatango naman ako dahil sa tanong sa akin ni Kuya Nathan. "Actually, kami na." Nanlaki ang mata ko dahil sa tuwa at hindi ko naman nabalitaan na nililigawan niya si Ma'am Kris. Saka diba sa pagkakaalam ko bawal maging kayo ng co-teacher niyo. Pero infairness bagay naman sila eh. "Wow! Congratulations kuya!" dahil sa tuwa ko ay napayakap ako kay Kuya Nathan at ganun rin siya. Kitang-kita ko sa mata niya ang labis na kasiyahan. Napapatalon pa nga ako kasi sa wakas natuto na rin magmahal si Kuya Nathan at hangad ko ang kaligayahan niya. "Ikaw pa lang ang sinasabihan ko nito Summer k

