bc

You're My Destiny (TAGALOG)

book_age16+
2.5K
FOLLOW
9.6K
READ
arranged marriage
badboy
goodgirl
drama
bxg
highschool
childhood crush
model
seductive
like
intro-logo
Blurb

Ang gusto lang naman ni Summer ay makapag-aral ng tahimik sa kanilang paaralan, isa pa ay malapit na din siyang makapagtapos ng highschool.

Pero gumulo ang tahimik niyang pag-aaral nang ilipat si Summer sa Star Section. Ang pinakamataas na section sa school nila.

Ano pa ang naghihintay kay Summer nang mas napalapit siya sa Star 6 o mas kilalang S6?

Tunghayan ang parang roller coaster na buhay ni Summer.

chap-preview
Free preview
Chapter 1 : New Section
Summer POV "Late na ako!" sabi ko habang patakbo na ang ginagawa ko papuntang room namin. Mabuti na lang at malaking bag ang dinala ko kung hindi naku po, baka nagkalat na sa daanan yung mga makakapal at madami kong libro. Sa kamamadali ko hindi maiiwasang mahulog ang suot-suot kong salamin. Saka naiilang ako sa mga tingin ng mga kapwa ko estudyante. Ganyan na lang sila palagi. Pinandidirihan nila ako na para bang may malubha akong sakit. Paano kasi nerd ako. Manang manamit. Saka ilag ang karamihan sa akin kasi lagi akong na-bu-bully. Hindi ko naman sila masisisi dahil ayaw lang din naman nila madamay. Hindi na lang ako nalaban hindi naman sa duwag ako ayoko lang talaga ng gulo. "8:30 na!" sobrang late na ako patay ako nito eh. "Tsk!" singhal nung nabunggo ko. Ano ka ba naman Summaer! "Sorry," sabi ko na hindi man lang tinitignan kung sino yung nabunggo ko. Pero tagos hanggang puso ko ang paghingi ko ng tawad ha. "Sa susunod tumingin ka sa dinadaanan mo," pagsusungit niya. Aba! Sungit ni kuya ha. "Kaya nga nagsosorry eh!" sagot ko naman sa kanya saka ko tinignan kung sino yun. Wait! Siya si Claude Fukuda, ang sikat na model at heartthrob pa sa buong campus maging sa ibang lugar. Sino ba naman ang hindi makakakilala sa kanya eh ang gwapo-gwapo pa niya. Kaso ang sungit niya eh. "Tsk!" sabi niya saka siya umalis. Napatingin ulit ako sa orasan ko at nanlaki ang mata ko. Naku! Late na late na talaga ako. Nasa pangalawang palapag ang classroom ko. Nasa section two ako samantalang si Claude ay nasa first section. Bukod sa gwapo siya ay may akin pa siyang katalinuhan. Masungit lang talaga siya. Bakit ko alam? Hmm. Sabihin na natin na alam yun ng buong estudyante dito sa campus. Sa wakas nakarating na din ako sa room namin. Napabuntong-hininga ako saka kumatok. Kapag kasi simula na ng klase sinasarado na ang pintuan. Ito ang unang araw na nalate ako. Sana nga lang palagpasin ito ng teacher namin. Tiyak akong magiging tampulan nanaman ako ng usapan mamaya. Ewan ko ba sa kanila, wala naman akong ginagawa sa kanila pero panay ang bully nila sa akin. "You're late Miss Furukawa," sabi ng teacher namin na si Sir Nathan Villanueva at inayos niya ang suot niyang salamin. "Sorry po Sir." nakayukong sabi ko. Nakakahiya! Lahat ba naman ng kaklase ko sa akin nakatingin. Yung iba tuwang-tuwa kasi mapapagalitan ako. "Hindi na dito ang section mo," sabi ni Sir na ikinagulat ko kaya naman napatingin ako sa kanya. Wait! Porket late na ako hindi na dito ang room ko? Ngayon pa lang naman ako nalate ah. Hindi makatarungan! Saka pwede ba iyon? "Layas na daw," natatawang sabi ni Reena. Siya si Reena ang walang sawang bumubully sa akin. Ewan ko ba kung bakit ang init ng dugo n'yan sa akin. Kini-claim niya na siya ang Queen Bee sa school na ito. Baka naman Queen ng mga Bully? Hays. "T-teka unang beses ko pa lang nalate sa pagkakatanda ko ikaw ang mas madaming late at absent sa ating d-dalawa," totoo naman ah! "Aba't sumasagot ka na ngayon?" mataray na sabi ni Reena sa akin at nilapitan niya ako. "N-nagsasabi lang naman ako ng totoo eh. Saka sumusobra ka na eh," hindi ko talaga alam kung saan ako kumukuha ng lakas ng loob dati kasi hindi ko masagot si Reena. "Woah!" kantiyaw ng mga kaklase ko kasi nabigla sila sa narinig nila mula sa akin. Dahil ba ito sa pagkalate ko? Akma akong sasampalin ni Reena. Pumikit na nga ako eh. Pero ilang segundo ang lumipas walang sampal ang tumama sa pisngi ko. Pagkamulat ko ng mata si Sir pala pinigilan ang kamay ni Reena. "Stop," mahinahong awat ni Sir Nathan kay Reena. "But ---" naputol ang sasabihin ni Reena dahil inunahan na agad siya ni Sir Nathan. "Wala kang karapatan para manakit ng kapwa studyante mo. Hindi na sana maulit to kundi sa detention ang bagsak mo," seryosong sabi ni sir. Waah! Thank you kuya. You're my savior. Opo kuya ko siya magpinsan kaming dalawa. Iba lang ang last name niya. Pinasan ko siya sa mother side. Close kami ni kuya Nathan. Pero syempre pag nandito kami sa school kailangan Sir pa din ang itawag ko sa kanya. Ayaw nga niya okay lang naman daw na kuya din ang itawag ko sa kanya pero ako yung nagsabi na Sir na lang. Walang nagawa kundi ang bumalik sa upuan niya si Reena. Pero bago yun inirapan muna niya ako. Grabe sama ng tingin eh. "Pumunta ka na sa 3-star Miss Furukawa." Sabi ni Sir Nathan na ikinagulat ko. 3-star? Diba section yun ni Claude at ng S6?! Ayoko nahihiya ako. "Sige na pumunta ka na dun." Sabi ni Sir habang nakangiti sa akin. Nagsimula ang bulungan at naririnig ko iyon. Ang swerte ko daw. Sabi naman ng iba bakit ako pa ang napili bakit hindi sila. Hays. At mas lalong sumama ang tingin sa akin ni Reena. Paano kasi matagal na niyang inasam na mapalipat sa section 1 dahil patay na patay siya kay Claude. "O-okay Sir." Sabi ko na lang at lumabas na ako ng room. Habang naglalakad ako papuntang Section 1 napapatanong ako bakit ako pa? Naiilang at nahihiya ako jusko. At alam ko din na mas madaming mag-bu-bully sa akin doon. Lord help me po. Please! Sana ay maging maayos ang bago kong section na lilipatan. Sana huwag lumala doon ang mga pang-bubully sa akin. Nang makarating ako sa room ng Section 1. Agad akong kinabahan. Pero kumatok pa din ako. Bumukas ang pintuan at isang naka-unipormeng babaeng teacher ang nagbukas. Parang bago lang siya. "Ikaw ba si Miss Furukawa?" malumanay na tanong ni Ma'am. Grabe ang ganda at ang lambing ng boses niya. "O-opo," nahihiya kong sagot. "Come in," nakangiting sabi niya at pumasok na ako. Sa akin nabaling ang atensyon ng Section 1. Yung tingin pa lang nila sa akin sinasabi na agad na bakit andito ako. Jusko! Sana naman maging tahimik ang isang taong pagstay ko dito sa section na ito. ---

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
185.0K
bc

I Sold My Virginity To A Billionaire. RATED SPG/ R-18

read
2.3M
bc

The Billionaire's Obsession

read
2.8K
bc

A Soldier's Love Montenegro

read
69.6K
bc

College Series 1 : Feisty Friday (R18 Tagalog)

read
186.6K
bc

His Precious Property

read
615.0K
bc

Broken Angel

read
3.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook