Chapter 2 : The S6

1135 Words
Claude POV May bago daw kaming kaklase. Sino naman kaya iyon? Mag uumpisa na sana yung klase namin nang biglang may kumatok sa pintuan. "Ikaw ba si Miss Furukawa?" tanong ng adviser namin sa dumating. "O-opo," parang nahihiya siya. "Come in," nakangiting sabi ni ma'am. Tsk. Boring! Siya yung nakabangga sa akin kanina. Ewan ko ba pero naiinis ako sa tuwing nakikita ko siya. Siguro dahil nerd siya at mahina siya. Ayoko kasi sa mahina. Kapag mahina ka lagi kang talo. Kapag lagi kang talo lagi kang aapakan. Kaya nga ako hangga't maaari ayoko makita nila na mahina ako. Hinding-hindi ako magiging mahina. Hindi. Napakuyom naman ang kamao ko dahil sa muli kong naalala. "H-hi! I'm Summer Furukawa," pagpapakilala niya sa aming lahat. Wait ako lang ba o nahihiya talaga siya sa amin? Lalo akong nainis sa kanya. Narinig ko naman yung mga bulungan ng mga kaklase ko at wala akong pake. "Ma'am bakit yan nandito?" biglang sabat ng secretary ng klase. "Di siya bagay dito sa section namin." "Sssssh! Quiet wag kayong ganyan," pagpapatahimik sa kanila ni maam. Bigla akong napatingin sa mukha niya at nakikita ko na nalungkot siya. Pati yung mga mata niya ang lungkot lungkot. Napiling na lang ako ano bang pake ko kung nalungkot siya? "Sige na Summer pwede ka nang maupo," sabi ni Ma'am. "Ahm, Ma'am saan po ako uupo?" tanong niya. Tss stupid! "Sorry ka na lang may isa pang bakante pero hindi nagpapaupo dun si Claude," sabat nung isang babae na hindi ko alam ang pangalan at wala akong balak na alamin. Pake ba niya? "Ok lang," bigla kong sabi at alam ko na lahat sila ay nagulat pati na ang mga kaibigan ko. Syempre kahit masungit ako may mga kaibigan din ako. "W-what?" hindi makapaniwalang sabi nung babae kanina. "Tsk!" umubob na lang ako sa desk ko. "Sige na maupo ka na doon sa tabi ni Mr. Fukuda," rinig kong sabi ni Ma'am. Naramdaman ko na lang na may umupo sa katabing upuan ko. Gusto kong matulog. "Thank y--," bago pa niya natapos ang sasabihin niya nagsalita na ako. Ayoko sa maingay. "Shut up," bulong ko pero alam ko na sapat na iyon para marinig at maintindihan niya. Wish ko talaga na sana ay may shooting ngayong araw para naman makita ko na yung crush kong model din. "Bro! Gising!" Nagising na lang ako dahil sa tunog ng bell hudyat na breaktime na. Niyuyugyog din kasi ako ni Jay. "Tsk bakit ba?" sanay na sila sa akin. "Sabay sabay daw tayong pupunta sa private room sabi ni Caira," sabi sa akin ni Jay na nakangiti. Oo may sarili kaming private room sa school na ito. May special treatment sa aming anim na Star 6 o mas kilala sa tawag na S6. Kaya minsan hindi maiiwasan na may mainggit sa amin. Pero mas lamang pa din yung mga humahanga sa amin. Hindi ako nagmamayabang nagsasabi lang ako ng totoo. Sa tutuusin ayoko ng center of attraction. Gusto ko tahimik lang. Pero dahil isa din akong model mas umingay ang pag aaral ko dito sa school. Anim kaming magkakaibigan simula mga bata pa lang kami. Magkakaibigan din kasi yung mga parents namin. "Claude tara na," tawag sa akin ni Himari. Siya si Himari Fujima. Pure Japanese, pero dito na sila tumira sa Pilipinas dahil nagustuhan ng papa niya ang bansang ito. Dito na rin pinagpatuloy ng Fujima family ang business pero lumaki ito kaya naman umabot sa ibang bansa ang expansion ng business nila. Sila ang nag mamay-ari ng Fujima Motor Corporation. Mabait yan pero palaban. Sa aming anim siya ang pinaka matured kung mag isip. "Oo anjan na," sagot ko baka kasi mabatukan nanaman ako. Mahilig manakit yan eh. Amazona. "Oh, nasaan sina Akira at Akihiro?" tanong sa akin ni Jay. Siya naman si Jay Park. Pure Korean siya. Kagaya nang kay Himari dito na din siya lumaki. Sila naman ang nag mamay-ari ng mga sikat na company ng clothing line at mga mamahaling bag dito sa Pilipinas, ang JP Fashion & Apparel maging sa ibang bansa ay may branch sila. Misteryoso yan. Kung tahimik ako mas tahimik siya. Saka lagi siyang nakaseryoso. Pero kapag kaming anim na lang makulit din yan. Animal lover din si Jay. "Mukha ba akong tanungan ng taong nawawala?" napakamot na lang sa ulo niya si Jay. "Ang sungit mo naman," natatawang sabi ni Christian hindi ko na lang siya pinansin. Siya naman si Christian Fuentebella ang pinaka makulit sa aming lahat. Madaldal. Pilyo din yan. Saka halata namang may gusto siya kay Caira kaya lagi niya tong inaasar. Pure Filipino siya. Isang director ang daddy niya sa hospital na pag mamay-ari din ng pamilya nila. "Saan kayo galing?" Tanong ni Himari sa kambal. "Hindi tayo makakakain sa private room," sabi ni Akihiro na kararating lang kaya napatingin kami sa kanilang dalawa ni Megumi. "Bakit naman? Hindi man lang nila tayo sinabihan." Tama si Christian. "Inaayos nila ang private room," mahina at mahinhin na sabi ni Akira. Sila ang kambal ng grupo. Si Akihiro Gomez at Megumi Gomez. Tinatawag din silang Gomez Twins. Masasabi ko na kung tahimik na kami ni Jay ay mas may tatahimik pa sa aming dalawa. Si Akira yun halos hindi na kasi siya nagsasalita. Ang sabi niya ay nahihiya daw siya. Sobrang hinhin din ni Akira. Pero kung kumanta naman siya ay para siyang anghel. Isang beses lang namin siyang narinig na kumanta. Palihim pa nga yun dahil ayaw ni Akira na may makarinig sa kanya habang may nakanta. Sobrang mahiyain niya talaga. Si Akihiro naman ang mas matanda kay Akira. Mabait at makulit si Akihiro pero minsan tahimik din yan. Minsan nga napapagkamalan siyang babae dahil sa hinhin niya din. Saka may female featured siya. Kaya nga minsan inaasar namin siya. Kila Jay sila nakatirang dalawa. Tinuturing nilang kuya si Jay. Ang pamilyang Gomez ay nahahanay sa pamilyang nasa politiko. Ang daddy nila ay Gobernador at ang kanilang mommy ay Mayor. At ako si Claude Fukuda ang pinaka gwapo sa aming lahat. May family business kami hindi ko na sasabihin ang buong detalye. Nag-mo-model nga din pala ako. At oo, inaamin ko na masungit ako. Pake ba nila? Nakareserved na sa crush ko yung kabaitan at kagwapuhan ko. "Sige sa canteen na lang tayo," Sabi ni Himari. Kahit sabihin ko na ayoko dun hihilahin pa din ako ni Himari. Yung mga tinginan kasi ng mga studyante sa amin eh. Saka ang iingay ng mga babae nagsisigawan. "Dito kakain ang mga S6!" rinig kong sigaw ng isang babae. Oh! diba sabi ko sa inyo eh. Nagsimula na sila magsigawan. "Bakit ba big deal sa kanila na dito tayo kumain? Ang ingay," kahit si Christian naiingayan na din. "Dahil tayo ang S6," sagot ko at nagtuloy-tuloy sa paglalakad. ---
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD