Chapter 3 : New Friend

1136 Words
Summer POV Ayoko dito sa canteen eh. Inaayos kasi yung garden kaya ayan dito ang bagsak ko sa canteen. "Dito kakain ang S6!" sigaw ng isang babae. Bakit dito sila kakain? Eh diba may private room sila. Nakakapagtaka naman first time kasi 'to. "Oh my gosh! I smell fishy!" Kelan ba ako titigilan nitong si Reena. Wala naman akong ginagawa sa kanya. Wala nang katapusan ang pang-bu-bully niya sa akin eh. "Oo nga! Ang sang-sang ng amoy eh," segunda ng mga alipores niyang mukhang buntot. "I know na kung bakit malansa girls. Look oh! Nandito si Summer the fish," maarteng sabi ni Reena habang nakaturo sa akin. May kasamang pandidiri sa boses ni Reena. Pero hindi naman ako naapektuhan. Nanatili akong tahimik at nakayuko. Kasi pag sumagot ako mas lalo lang magagalit sa akin si Reena. "Miss," Napatingin kaming sa babaeng tumawag kay Reena at nanlaki ang mata ko. "H-Himari." Gulat na sabi ni Reena nang makita niya na si Himari ang nasa harapin niya. "What do you think you're doing?" mahinahon na tanong ni Himari pero nakataas ang kilay kay Reena kaya naman napakunot ang noo niya. "Huh?" takang tanong ni Reena. "Sige tatagalugin ko na lang para maintindihan mo. Anong sa tingin mo ang ginagawa mo?" ulit ni Caira sa tanong niya. "Oh! Pinapaalis ang malansa at walang kwentang nilalang dito sa school natin," proud na sabi ni Reena pero mas lalong napataas ang kilay ni Himari. "Sino naman?" tanong ni Himari. "Siya," sabay turo sa akin ni Reena. Wala siguro talagang magawa si Reena kaya ako ang pinag aaksayahan niya ng oras. "Were friends," sabay tingin sa akin ni Himari at ngumiti siya sa akin. Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi ni Himari. Kelan pa? "W-what?! No way! 'Yang poor na yan?" gigil na sabi ni Reena. Halata sa mga mukha ng mga nakakita ang gulat sa mukha nila. Maski ako rin naman nagulat eh. Di lang sila. "So what? Makita ko lang na binu-bully niyo nanaman siya. Ako na ang makakaharap niyo. Understand?" warning sa kanila ni Himari at umirap lang siya sabay walk out. "Hmm. T-thank you." Nakayuko at nahihiya kong sabi kay Himari sa pagtatanggol niya sa akin. "No problem my new friend." Inangat ni Caira ang mukha ko at nakita ko na nakangiti siya sa akin "So may bago pala tayong kaibigan? Galing mo kanina ha." Sabi ni Jay at nakipag apir kay Himari. Ako naman nakatulala kasi unti-unti nang lumalapit sa pwesto namin ang ibang miyembro ng S6. Wait! Anong sabi nila? New friend daw? "Yeah! Ang ganda niya no? Siya si Summer. Remember siya yung nalipat sa section natin kanina." Masayang sabi ni Himari habang nakaharap kila Jay. "Welcome sa group." Sabi ni Akihiro at tinap niya ang braso ko. Si Akira naman nakangiti sa akin. Si Claude walang reaksyon. Ganun naman talaga yan. No! Mas lalaong magugulo ang tahimik kong buhay. Lucky POV "Ngayong seven na tayo dapat S7 na ang tawag sa atin," sabi ni Himari habang nakangiti. "Oo nga," Pag sang ayon ni Christian kay Himari. Napapitlag ako nang may tumawag sa akin sa cellphone ko kaya naman kinuha ko iyon at nakita ko na si Manager ang tumatawag sa akin. Tumayo naman ako at nagpaalam sa kanila na may kakausapin lang ako. Pumayag naman sila. "Hello po," bati ko kay Manager. "Nasa school ka pa ba?" tanong sa sakin ni Manager. May new project kaya kami? "Pinapatawag ka ni Direk ngayon pumunta ka daw dito sa office," Masiglang sabi ni Manager. "Sige po papunta na," Magsasalita pa sana ako kaso binabaan nanaman ako ni Manager ng tawag. Sanay na ako kay Manager ganyan naman yan pagtapos na niyang sabihin ang gusto niyang sasabihin agad niyang ibaba yun. Nagtataka ba kayo? My true idenity is isa akong model. Sa loob ng campus ang itsura ko ay isang nerd dahil ayoko ng center of attraction. Pero dahil sa pagiging nerd ko lagi din akong na-bu-bully. Okay lang naman sa akin kasi puro masasakit na salita lang naman ang inaabot ko sa awa ng diyos. Ayan alam niyo na ang secret ko ha? Secret lang natin yun ha. Nagpaalam muna ako sa kanila na kailangan ko na munang umalis buti na lang hindi na sila nagtanong pa ulit. Hindi naman nagtagal ay nakarating na ako sa building kung nasaan ang office nila Direk at kung saan doon din nag pi-pictorial sa studio. Sinalubong naman ako ni Manager sa entrance. Nagkwentuhan muna kami saglit bago kami nakarating sa mismong office ni Direk. "Make up na po tayo Miss Summer," bungad sa akin ng makeup artist ko. Nginitian ko naman siya at sumunod ako sa dressing room. "Ang ganda niyo po talaga Miss Summee," nakangiting sabi sa akin ni Lumina ang makeup artist ko. "Naku! Binobola mo nanaman ako," nakangiti kong sagot sa kanya. Pagkatapos akong make-upan ay pinasuot na sa akin ang mga damit na hinanda nila para sa gagawing pictorial ngayon. Hinanda ko na ang sarili ko sa pagharap ko sa camera. Sa tuwing haharap ako sa camera ay pakiramdam ko nag-iiba ako. Mas confident akong nag-po-pose at ngumingiti. Kapag nasa pictorial ako ay ibang-iba ako sa sarili ko kapag nasa school ako. Makalipas ang ilang oras na pag po-pose ay pinagpahinga nila ako dahil maya-maya ay last set na para sa araw na ito. May lumapit naman sa akin na isang staff at inabutan niya ako ng tubig. "Miss Summer, tawag rin po pala kayo ni Direk Steve," nakangiting sabi niya sa akin. Nagpasalamat naman akp bago dumiretso sa office ni Direk. Naabutan ko naman silang nag-uusap kaya pareho ko silang binati. "Maupo ka Summer, alam kong napagod ka," ngiti nito sa akin. "Salamat po Direk," "Alam mo na ba kung bakit ka pinatawag ni Direk, Summer?" tanong sa akin ni Manager Alexa kaya naman napailing ako. "Hindi ko pa po alam eh. Ano po ba iyon?" "May bago kasi tayong project at pang-couple ang theme. Gusto din ng mga sponsor na ikaw ang kuning model. Kaya naman naghanap kami ng makaka-partner mo," excited na kwento sa akin ni Direk Steve. "Tiyak akong magugulat ka kung sino dahil pumayag na ang manager niya. Kaya bukas din ay magkakaroon tayo ng meeting at pirmahan ng contract kasama ang makaka-partner mo," sabi naman ni Manager Alexa. Bukas agad? Hindi naman excited yung mga sponsor no? "'Eh sino naman po ang makaka-partner ko at mukhang mas excited pa po kayong dalawa kesa sa akin?" "Si Claude ang makaka-partner mo Summer," nakatiling sabi ni Manager Alexa kaya napatango-tango ako. "Ah si Claude lang pala eh," napatigil ako sa pagtango ko nang ma-realize ko ang narinig ko. "S-sino po? Si C-Claude?" ---
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD