Chapter 15 Summer POV "Ano bang meron?" rinig kong tanong ni Christian. Hindi ko alam kung sino ang tinatanong niya dahil nakatalikod ako sa kanila. Nananatili pa rin na nakayakap sa akin si Claude. "C-Claude? Ano bang nangyayari sa 'yo?" nauutal na tanong ko sa kanya. Marahil ay natauhan si Claude kaya naman napabitiw na siya sa pagkakayakap sa akin. Pagkatapos ay tinitigan niya ako sa aking mga mata. Saka naman siya tumingin sa kasama namin sa private room. Inayos naman niya ang kanyang sarili pagkatapos ay pumunta siya sa kanyang desk. Naging tahimik ang kapaligiran sa private room na para bang may dumaan na anghel. "Bumalik na kayo sa ginagawa niyo," masungit na pagkakasabi ni Claude. "Ikaw naman Summer, late ka na nga kung saan-saan ka pa pumupunta." Nagkatinginan tuloy kami ni

