Chapter 13 Summer POV Inabot ko ang alarm clock ko sa table na malapit lang sa kama ko. Minabuti ko na lang umakyat sa kwarto para hindi ko na marinig kung ano pa ang pag-uusapan nina Grandpa at Daddy. May parte sa akin na nasasaktan dahil itinatago nila sa akin ang bagay na ito. Samantalang future ko naman ang pinag-uusapan nila. Pero may parte rin sa akin na naiintindihan sila. Gusto ko silang intindihin na kapakanan ko lang ang iniisip nila lalo na sa negosyo nina Grandpa at Daddy. Legal ang negosyo namin baka kasi isipin niyo na illegal ang negosyo na pinapatakbo nina Grandpa at Daddy. At soon ako naman daw ang mamamahala doon kahit na ang gusto ko ay maging isang professional na model at gusto ko rin sana pasukin ang larangan ng pag-aartista. Pero mukhang malabo dahil sinabi pa l

