Pagkatapos ng kasal namin, kinabukasan ay agad na kaming bumiyahe patungong Maldives. Sobrang excited ko. Sayang lang at wala na ang baby girl kong si Syvel. Hindi man lang niya nasilayan ang mundong ito. "Excited ka na ba, Mrs. Brooke?" Hinawakan ni Aaron ang kamay ko habang magkatabi kami sa upuan ng eroplano. Nasa may bintana ako at hindi ako sanay ng wala sa may bintana. "Sobrang excited na ako." Ngumiti ako ng sobrang lapad pero may halong kaba dahil unang beses kong pumunta sa ibang bansa. Plano talaga namin ni Aaron ay sa Palawan lang kami maghohoney moon pero ang Ninong namin na si Ninong Francois Danizel Aguillanes ay pinapili kami kung gusto raw ba namin sa Maldives or Palawan? Dahil sasagutin daw niya lahat. Etong si Aaron naman ay walang pakundangang sinagot si Ninong Franco

