Mahal ko talaga siya. Sobra. Wala na akong iba pang mahihiling kundi siya lang. Hindi ko na alam ang mangyayari sa buhay ko kapag wala na siya. Nakatitig ako sakanya habang siya din ay nakatitig sakin. I smiled the moment he smiled at me. Magkaharap kami habang nasa Red Bucks Café. Dalawang taon na din ang lumipas simula noong nawalan kami ng anak. "You look nice in your dress." He said. "I missed you so much, Sofie. Kumusta ka na, Babe?" Napangiti ako ng tinawag niya akong babe. "I missed you more, Babe. How's states? Hindi mo ko tinawagan para sunduin ka." I pouted. Alam kong weakness niya talaga yon. "May inayos kasi ako pagkadating na pagkadating ko." Tumingin siya sa wrist watch niya. "Tara. May pupuntahan tayo." Agad naman ako sumunod sakanya ng tumayo siya. Alam ko ang daan na

