"Sophia. Wala na ang anak natin. Tanggapin na lang natin na wala na siya." Niyakap niya ako. At dahil sa yakap na yon ay napahagulgol ako. Ang tagal. Ang tagal kong hinintay at inasam ang yakap niyang mahigpit. "Gagawa na lang tayo ulit kapag ayos ka na. Huwag ka na umiyak." Ilang buwan ako nagsuffer sa depression at kung minsan ay nagspospotting pa ako. Hindi ko alam kung bakit ko nararanasan to. Tinignan ko ang lalaking nasa harapan ko ngayon. Hawak niya ang kamay ko at nakatingin din sakin. "I'm sorry for what i've done." Panimula niya. Kakalabas lang nila Mommy at kalmado na din ako. Nandito si Aaron. Ang lalaking pinakamamahal ko. "Sinabi na sakin ni Sydney na may depression ka at nagspospotting ka kaya napagdesisyunan kong umuwi na. Nasa USE ako kanina para bisitahin ka. Hindi ko s

