Writter's POV
Galit na galit ang binata na nagngangalang Xander sa ginawa ni Eli. Sobrang panghi na niya.
Tumakbo siya sa comfort room at agad siyang sinundan ng mga kaibigan niya.
"Tol, kasalanan mo naman kasi talaga. Nagsorry na sayo 'yong tao, 'di ka pa nakontento. Ayan napala mo tuloy." sabi ni Otep sabay abot ng towel kay Xander.
Sinamaan siya ng tingin ni Xander sabay pagalit na kinuha ang towel sa kanyang mga kamay.
"Alam mo Xander, kung ako 'yon, gagantihan ko 'yon. Papahiya at papaiyakin ko 'yon. 'Di mo deserve 'yon. Nakakahiya." pagkokonsinti ni Ken.
"Bilisan mo maligo, magkuskos ka maigi! HAHAHAHAHAAH" dagdag ni Ken.
"Pero Ken, anlakas ng karisma 'nung babaeng 'yun. Uso pa pala 'yong ganun katapang at kawitty na babae? Akala ko sa mga pocketbooks lang 'yon? Cringe if magkainlovan sila." pang-aasar ni Otep
"POTA KA!" sigaw ni Xander
"First time napahiya si Xander Thunder ng gano'n. for sure may nakaabang na plano na si Xander para do'n sa babaeng ipis na 'yon" sabi ni Ken
Lumabas na sa comfort room si Xander. Nakabusangot pa rin ang kanyang mukha.
"Sasakalin ko kayo pag 'di niyo ko tinigilan Ken at Otep! Gusto ko muna ng katahimikan dahil napahiya at nabubwesit ako ngayon. Kung ayaw niyo ibigay sa'kin yun, lumayas kayo" galit na sabi ni Xander.
"Okayyy, I'll just go in the sports hall." sabi ni Otep.
"I'll just take some beverages in the bar hall" sabi ni Ken.
"GO!!!!!!!!!!!!!!!!!!!" sigaw ni Xander.
Lumabas na sila at bumalik si Ken sabay belat kay Xander kaya lalo itong nainis at binato ang towel sa pinto.
Tumatawang tumakbo si Ken palayo sa comfort room.
Naghilamos uli si Xander.
"Peste kang ipis ka! Patay ka sa'kin" sabay smirk nito sa salamin.
Eli's POV
"Alam mo Eli, ikaw 'yong pinakamabagra at pinakapangit na gumawa ng ganti ng api scene sa buong mundo. Ikaw 'yong klase ng w*****d character siguro or movie character na aayawan ko dahil sa sobrang bagra mo" sabi ni Gwen.
Oo na. Mabagra na kung mabagra! pasensya, bano ako mag-isip.
"Natatakot na ako para sa buhay mo Eli, sana 'wag akong madamay" takot na sabi ni Reign.
Napalingon ako sa sinabi ni Reign.
"Ba't sobrang takot ka do'n?" tanong ko.
Dapat 'di katakutan 'yon kasi pare-parehas lang tayong tao rito noh.
"EHEMMMM!" ubo ni Gwen.
"Magsasabi ka o magsasabi?" tanong ko.
"Magsasabi ka o ako magsasabi?" sabi ni Gwen.
"Ikaw na maunang magsalita Gwen" utos ko.
"Kasi pinagtripan na siya ni Xander at ng tropa niya before dahil sa nagsumbong siya na pumapasok si Xander sa head minister's room ng walang paalam. Pinagbabawal kasi 'yon kasi mga mga mahahalagang bagay ang inaalagaan doon. "
"Tapos?"
"Ginantihan nila ako, huhu.. pinagtripan nila ako.. inihahagis nila at pinalulutang sä ere ang mga gamit ko." umiiyak na sabi ni Reign.
"Pinalulutang? paano?" naguguluhan kong tanong
"Gamit ang spells." sagot ni Gwen.
"E sakto... huhu.. 'nung araw na 'yun nagbihis ako kasi nabasa ako ng tubig dahil may nag prank sa'kin
tapos.."
"Tapos?" pabitin talaga 'tong si Reign. Sarap ibitin.
"Tapos, 'yong mga undergarments ko nasa loob ng bag, ginamitan nila nang Equilumbus Spell para lumabas at magkalat sä ere ang lahat ng nasa loob ng bag ko. Napahiya ako 'non." malungkot na sabi ni Reign.
Grabe, asal kanto pala 'yong Xander na 'yon.
Kinulang ata sä bakuna.
Hindi ata pinangaralan ng maayos 'nong bata.
Maswerte ako, kahit matabil at marumi dila ko marunong ako rumespeto at lumugar sä ugali ko.
'Yan turo sakin nila.. mama.. at papa..
Speaking of Mama and Papa...
Namimiss ko na sila.
Kailan ko sila pwedeng makita..
Sino ba sa mga head dito ang nakakakilala sa'kin at sä mga magulang ko?
Mama, Papa. Sorry sa lahat. Habang wala kayo sa tabi ko, mas namimiss ko po kayo.
Soon, magiging proud kayo saakin.
"GAGA? Natulala ka jaan? Masyado mo namang dinadamdam 'yong kwento, baka need mo ng tissue?" banat ni Gwen.
"Ha? hindi ah. Naalala ko lang 'yong magulang ko out of nowhere. Naalala ko lang na marami pa pala akong tanong na dapat hanapan ko ng kasagutan."
pero 'di ko alam kung saan magsisimula.
kanino magtatanong..
takot talaga akong magtiwala.
Lord, guide niyo ko. ayokong mapahamak ako o ang mahal ko sa buhay.
"Pare-parehas naman tayong nakakamiss sa ating mga magulang e. " sabi ni Reign.
"Ako mama ko lang miss ko. " biglang sagot ni Gwen.
"Bakit mama mo lang? " pagtatanong ko.
"Wala.." at umalis na ito sa dorm.
"Reign, okay lang kaya 'yon?"
"Oo, hayaan mo, magkukwento rin sayo iyon." sabi ni Reign.
"Pero, maiba lang. Simula ngayon, 'wag ka na magpapaapi. 'Wag ka magpapaagrabyado sä iba lalo na sa Xander na 'yon or sa kung sino. Pantay-pantay lang tayo dito. Kung aanuhin ka, magsumbong ka saakin. Akong bahala. Hindi dapat hinahayaan 'yong mga taong may kulugo sa utak na mang-abuso atbp. ng iba"
Totoo naman. bakit? Diyos ba siya?
Kung iniisip niyo na kagaya na naman 'to sa lovestory sa palabas na lalabanan ng babae ang lalaki tapos mag kakainlovan, aba gago, no way.
Hindi talaga ako nakikialam sä buhay ng may buhay.
Pero need ko pakialaman ang buhay no Reign at Gwen kung naaabuso sila kasi sila na 'yong matuturing kong bagong pamilya ngayon.
Sa ngayon habang ako'y andito pa.
Magagamit ko sila.
"Salamat Eli, tunay na kaibigan ka talaga pero 'wag kang mag-alala, 'di naman ako papayag na mapahamak ako or kami kasi ayaw ka na namin mapunta sä trouble" sabi ni Reign.
"Osya, pahinga muna tayo. Bukas niyo na lang ako ilibot. Baka matanggalan pa nang mukha 'yong Xander pag nakita ko."
"Osige."
Dear Self,
Hindi sa nagmamatapang ah, alam kong mahina ako
Maraming beses na inabuso ako kaya ayokong magtiwala sa tao
Pero dito sa lugar na 'to at sa piling ng mga bago kong kaibigan
Susubukan kong maging matapang para may mapatunayan
Nagmamatapang,
Ako
....................................................................................
Writter's POV
"Nasa Aethertheos na ang anak ni Eduard pinuno. Mahigpit ang pagbabantay doon," sabi ng isang alagad.
"Hmmm. Paslangin na natin siya kaagad bago pa siya lumakas." sabi ng isang lalaking naka pulang roba at may maitim na mata.
"Hindi naman tayo kaya ng isang mahinang babae. Isang mahika lang, hindi na makakatapak sa lupa 'yon," dagdag ng isang lalaking may suot na itim na cloak at puting porselas sä kanang braso.
"Kalmahan niyo lang, hayaan niyong magsaya muna siya sä mundong baguhan lang sa kanya. Gumagalaw na ang aking galamay, sa tamang pagkakataon natin siya kikitilin," sabi ng isang lalaking nakatalikod at nakasuot ng itim na cloak at kasalukuyang umiinom ng red wine.
"Masusunod. Hindi rin magtatagal, mauubos at iiyak na ang ating mga kalaban HAHAHAHAHAHAHHA". sabi ng alagad.
..…..............................................................................