Eli's POV
Ngayong araw ata magsisimula klase namin. Wala pa akong mga gamit.
Anong susuotin ko?
Kumuha ako ng isang puting plain tshirt tapos tiniklop ko siyia para maging crop top siya tignan, sinamahan ko ng itim na baggy pants at puting rubbershoes. Medyo baduy pero wala e, ito lang matino kong damit na nadala.
Lumabas na ako ng banyo pagkatapos ko maligo at magbihis. Nanlaki ang mga mata nila Reign at Gwen 'nong makita nila ako.
"Te? Saan gala mo?" pagtatanong ni Gwen.
"Bakit? bawal ba ito? Wala pa kasi akong damit pangklase." paliwanag ko.
"Anong pangklase? akala ko ba ililibot ka namin at kakausapin mo 'yong head? tsaka diba walang klase ngayon? nagbabasa ka ba sa Aether Board? Ayun oh!" sabay nguso ni Reign.
Agad akong napalingon sa tinuturo niya.
Ahh. 'di ko nga napansin 'yan.
"Okay tara, samahan niyo ko mamili nang aking gagamitin sa klase tapos ihahatid niyo ko mamaya sa headminister's office, promise lilibre ko kayo after," ang sabi ko.
"Okay lang kahit hindi pero hindi kami tatanggi sa blessings HAHAHHAHAH. Tara na!" sambit nila Gwen at Reign.
"Sabayang pagbigkas ba 'to?" tanong ko.
"TARA NAAAAAA! Andami mong hanash e. Let's go!" sabi sabay tulak sakin palabas ni Gwen.
Naglalakad lang kami sa mahabang hallway na may maraming nakadisplay na sculptures of wizards, queens, kings, hindi mo malaman na creatures at iba pa.
"Andito nga pala tayo sa Hallway of Ather and Marauder. 'Yang mga nakikita mo ay mga sinaunang lipi ng Aether and Marauder na napaslang na. Inilagak sila jaan para lagi silang makikita at maaalala ng mga natitirang Aether at iilang Marauders para maging motivation to strive harder and fight for the last blood of Aether and Marauders," paliwanag ni Reign.
Marau-ders?? Familiar.
Tinaas ko ang manggas ng tshirt ko at binasa ang nakalimbag na peklat na binanggit ko no'ng nasa pugon ako para makapunta dito.
Marauders aether eli eisago...
Napatigil ako sa paglalakad.
"So ayun, nakikinig ka ba El.. Eli?? Eli? Andami kong dinaldal wala ka na pala sa likod ko, ba't ambagal mo maglakad? Okay ka lang?" sabi ni Reign sabay takbo papalapit sa'kin.
"Okay lang, Ahm, pwede magtanong?"
"Nagtatanong ka na. TSK HAHAHHHA" pang-aasar ni Gwen.
Sinamaan ko siya ng tingin.
"Go," sagot ni Reign
"Ahm, ano at sino ang mga Marauders?" pagtatanong ko.
"Ahh, ang mga Marauders ay ang mga sinaunang angkan na may malalakas na kapangyarihan. Sila'y nawala na nang mahabang panahon dahil ayon sa kasaysayan ng Marauders ay pinaslang sila lahat ng Mephistopheles at iba pang dark forces na nagkampihan." paliwanag ni Reign.
"Walang nabuhay ni isa." dagdag ni Gwen.
"Eh, kayo Aether kayo or Marauders?" pagtatanong ko.
"Lahat tayo Aether, Marauders lang ang tawag sa mga may dugong sinauna at makapangyarihan pero Aether pa rin sila," paliwanag ni Reign.
"Ano 'yong mga kapangyarihan nila?," pagtatanong ko
"Iba't ibang light and dark synergies at iba pa. Pero 'yong may pinakamalakas na kapangyarihan ay ang nag-iisang taong soul crown. Siya 'yong itinakda na tatapos sa buong lipi ng masasama gaya nang mga Mephistopheles. Kaso." naputol ang sinasabi ni Reign.
"Pinaniniwalaaang namatay na ang nag-iisang taong soul crown dahil sa delubyong nangyari noon. Natagpuang sunog na sunog ang kanilang tahanan at abo na lang ang natira. Ayon pa sa propesiya, ang nag-iisang soul crown at blood flux ang magwawakas ng sumpa pero hindi kami naniniwala doon dahil MA-TA-GAL NANG PA-TAY AG SOUL CROWN," matigas na sabi ng isang lalaking nagngangalang..
"Professor Agustin, magandang araw po," bati nila Reign at Gwen sabay yuko.
'Di ko alam gagawin ko..
"Tila ang isang baguhan ay walang respeto at hindi marunong magbasa ng patakaran sa ating paaralan. De Dioz and La Uzon, please kindly teach her about our ettiquets so that she'll be more deserving to step on this place," sabi ni Professor Agustin habang nanlilisik 'yong mata saakin sabay tingin kila Reign at Gwen.
"Sorry po Prof." sabay nilang sabi.
Tumango lang ito at tumingin uli sakin sabay ngiti ng pilit.
"Pleasure to meet you," nakatitig niyang sabi sa'kin sabay lakad paalis.
Kinabahan ako do'n. Nawala 'yong pagkamaldita ko. Nakakatakot siguro suwayin 'yon.
Guidance Councelor kaya siya rito?
"Eliii!!!!!! Next time yumuko ka kapag bumabati okay?" paalala ni Reign.
"Basta gayahin mo lang gagawin namin if may nakakasalubong tayong matataas at 'di mo kakilala," dagdag ni Gwen.
"Oo, sorry at napahamak ko ata kayo." sabi ko.
"Okay lang 'yon tara na at mamimili ka pa." sabi ni Reign.
Kinabahan ako do'n. Promise.
Nawala tuloy 'yong iniisip ko kanina.
Professor Agustin..
Dahil sa lalim ng iniiisip ko, 'di ko namalayan na nasa isang aklatan na pala kami.
Isa siyang gusali na maliit. Sobrang liit. Akala mo mga lima o pito lang ang makakapasok pero pagpasok ko, akala ko buong National Museum na ang nasa loob. Nakita ko na kasi kung gaano kalawak ang National Museum dahil sa kapapanood ng mga vlogs sa Youtube nung nasa normal este Erean World pa ako.
"GAG-----------" sisigaw na sana ako nang biglang takpan ni Reign ang bibig ko.
Nakakita kasi ako ng potek na malalaking halimaw na parang dinasour. Sila 'yong naglalagay sa shelf ng aklat dahil 'di maabot nung babaeng nakasalamin na matanda at maliit ang shelves sa dulo.
Mayghad, ang liit- liit lang nito sa labas ah, tapos pag pumasok ka jungle na ata pinasukan mo.
Bobo naman kasi 'non. Gagawa-gawa ng library tapos 'di naman pala maabot. Ba't 'di siya gumawa ng escalator, hagdan o elevator or magic?
Buti di nagwawala 'tong mga halimaw s***h dinasour na 'to.
Sa palabas kasi sa tv namin nagwawala sila. Nagbubuga ng apoy.
"De Dioz and La Uzon, narito kayo. Magandang umaga! Anong maipagli---" natigilan siya sa pagsasalita 'nong nakita niya ako.
Inayos pa niya ang kanyang salamin na sobrang kapal na akala mo 'dina siya nakakakita tapos tinignan ako mula ulo hanggang paa.
Nagkatinginan kami ni Reign at Gwen.
"Magandang umaga sa isang magandang dilag," bati nito saakin
nakatingin siya saakin so meaning ako 'yong magandang dilag na sinasabi niya.
Naalala ko tuloy 'yong mga construction workers na ganyan din ako batiin. Sa mga mata lang ata nila ako maganda.
"Ahm, magandang umaga po," yumuko na rin ako, baka mamaya ma GG pa 'to sakin e.
"Alam ko na ang inyong kailangan, maghintay lamang kayo jaan," sabi no'ng librarian ata yan.
"By the way Eli, siya ay isang Lethian tapos 'yong mga halimaw na 'yon ay katuwang niya. Sila ay mga Letria. Taga-pangalaga siya ng mga aklat at uniform sa Aethertheos Sophos. Mabait siya, may pagka ano lang, alam mo na." paliwanag ni Reign.
Nataranta ako punyeta, parang lumilindol. Gusto kong tumakbo, sumigaw pero 'di ko magawa dahil natatakot na ako samantalang itong dalawa normal na nakasteady at nagkukwentuhan pa.
Maya- maya'y lumabas ang isang pangit na halimaw na mukhang dinasour, ano ba tawag jaan uli?
Ah, Letria tapos may dala siyang telang gawa sa silk na nakahulmang bag tapos nilapag niya 'yon sa harap namin.
"Ayan na ang inyong kailangang aklat at uniporme," sabi nong Lethiang baliw.
"Hindi ba ako susukatan? Paano kung 'di kasya?" tanong ko kay Reign.
Saamin kasi susukatan pa gamit ang medida tapos isusulat pa 'yan tapos tatahiin pero minsan sasabhin mo na lang kung small, medium or large.
"Tapos na, 'yong pagtitig niya sayo kanina mula ulo hanggang paa, sinukatan ka na niya," sabi ni Gwen.
HAHAHHAAHHAHHAHAHA May mga sira ba sa utak mga tao rito?
Jusko, feeling ko nasa loob ako ng mental hospital sa Mandaluyong at ako'y nakikipaglaro sa mga may sayad.
Maaa, Paaaa. Help.
"Ahh.. hehe.. Salamat po," sabi ko
"Walang anuman, Hyacinth." makabuluhan ang tingin niya sa'kin.
Ba't kilala niya ako? Ba't--------------
"Kasi suot mo pa ang name tag mo bruha," sabi ni Gwen.
Napalingon ako kay Gwen, paanong nalaman niya sasa--
"Telephathy ability, Mind Reading Ability." sabi nito
"So alam mo iniisip ko kanina habang nasa hallway tayo?" sabi ko
"Hindi, kasi magkalayo tayo at maraming mga minds ang nasasagap ko, kaya iniimprove ko pa sarili ko para maging accurate ang pagbabasa ko," sagot nito
Ahhh..
Mabuti.
Dear Self,
Iingatan ko ang mga iniisip ko kapag nasa tabi ko si Gwen.
Kaibigan ko siya pero takot pa akong magtiwala.
Gusto kong ako muna ang makatuklas at makaalam sa pagkatao ko
Mahirap ipagkatiwala sa iba kung wala akong alam
Baka mapahamak na naman ako.
Nagpapaalala,
Ako
"Aray potekk," sambit ko nang makitang may nakatapak sa paa ko.
Sa lalim ng iniiisip ko 'di ko na napapansin ang paligid ko.
"Pasensya na, ako nga pala si Hanz, sorry," sabi nito
Kasalanan ko naman e kasi anlalim ng iniisip ko, ang gwapo niya ah.
"Oki langs, enebe ahm, ako nga pala shi Eli. (cough) Ako pala si Eli," ang harot ko potek
nakipagkamay ako at ngumiti.
"Bago ka lang dito? Hindi ka kasi familiar saakin," sambit nito
"Ahm, oo e. hehe" sabi ko.
Ngumiti lang siya saakin
NAPAKA HAROT KO.
"See you around, nice meeting you," sabi nito sabay alis.
WTFFFFF GWAPOOOOOO!
"Ehem, bruha, kanina ka pa namin hinahanap, ang bilis mo maglakad, ba't namumula ka?" tanong ni Reign.
"Nakakita ng pogi," sabat ni Gwen.
"WHAT THE FFFFFFFFFFFFFFF ASAN? HOY HANAP MO RIN AKOOOOOOOOO!," pagpupumilit ni Reign.
"Apaka Harot niyo! Tara na, pupunta pa tayong head minister," pagsuway saamin ni Gwen.
Gwapo potek..
Hanz...
Keleg yarn?