CHAPTER 6: IDENTITY

2384 Words
Eli's POV Naglalakad kami nila Reign at Gwen papunta sa isang building na mukhang pang-hollywood school style. Basta, 'di ko maexplain. Umakyat kami, feeling ko pangatlong floor na 'tong inakyat namin gamit ang hagdan tapos bigla kaming nag-elevator. "POTEK?" sabi ko habang nakakunot ang noong nakatingin sa kanila. "May elevator pala ba't naghagdan pa tayo?" dagdag ko. "Andito sa third floor lang 'yang elevator na 'yan. "SERYOSO? APAKAABNO NAMAN NG PAARALAN NA 'TO,"  sabi ko Sino ba kasing shunga 'yong mag eelevator pero sa third floor na ilalagay?  Pumasok kami sa elevator, pinindot ni Gwen ang WTF?? 1009 floor???  Para 'tong touch screen na cellphone. 'Di siya gaya sa mundo ko pero tawag nila ay Erean world na de-button. "1009 FLOOR? GAGA? SERYOSO? KELAN PA TAYO MAKAKARATING NIYAN?," tanong ko. Pinagloloko ba ako ng punyemas na paaralan na 'to?  Sinong makakagawa ng 1000 plus floors ng isang building? Sa Erean world baka mga nasa 300 floors mataas na 'yon. Sa ibang bansa nga lang. Saan kaya gawa 'tong building na 'to? Paano kapag lumindol? Edi warak-warak 'to? "Watch, kapit maigi," sabi ni Reign.  Kumapi------------------- WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHH "MAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA!"  Ang bilis punyemas, parang nasa ilang lalagyan akong binato nang napakalakas mula sa tuktok ng Mt. Everest tapos gumulong ako ng sobrang bilis sa loob.  Parang nasa loob ako ng washing machine na naka number 100.  Todo kapit talaga ako at nasusuka na ako, feeling ko 'yong mga internal organs ko nagkapalit na nang posisyon. 'Yong mga tae ko siguro na lalabas na from dulo ng intestines bumabalik sa bibig ko. Sorry pero ito 'yong nararamdaman ko.  Pag-angat ko sa ulo ko, nakita ko silang nakachill lang at walang pake. Nakakapit lang sila sa parang holder ba 'to gaya ng nasa LRT sa Erean World na akala mo 'di sobrang bilis. Naaawa ako sa sarili ko, feeling ko kaluluwa na lang ako dahil natutumba-tumba ako from every sides and corners of this f*****g elevator.  *Head Ministers Office is about 1km away from this elevator, make sure to be polite and respectful in every head ministers. Thank You!* Potaaaaaaa LRT ba 'to?  Teka need ko bumawi ng kaluluwa at lakas mula sa pagkabaliw. "Eli, okay ka lang?," pagtatanong ni Reign. "MUKHA BA AKONG OKAY? WALA MAN LANG KAYONG DESCRIPTION OR MAHABANG WARNING PARA ALAM KO 'YONG MANGYAYARI?!!"  "HAHAHAHAHHHA, Masasanay ka rin. May Part 2 pa mamaya," sabi ni Gwen. "AYOKO NA! MAGHAHAGDAN AKO!" sabi ko ng sobrang diin. "SHUNGA NEXT YEAR KA PA MAKAKARATING, HHAHAHHAHAHA!"  pasigaw nilang sabi. "KAILANGAN NIYONG MAGSABAY-SABAY?," sigaw ko rin. "Mukha talagang ang bagong salta sa Aethertheos Sophos Academy ay walang decency at pinag-aralan at basta-bastang nakikipagsigawan dito sa loob ng paaralan lalo na sa loob ng head minister's floor. Hindi ba sinabihan ko kayo La Uzon na pangaralan niyo ang taong ito?," nagulat ako kasi biglang nasa likod ko na 'yong Professor Agustin na mainit ang dugo saakin.  Nang-iintriga ang tingin niya saakin mula ulo hanggang paa sabay nanlilisik.  "Pasensya na po, kasalanan po talaga namin kasi kami po 'yong nauna magsisigaw, pasensya na po," sabi ni Reign. "Sorry po, 'di na po mauulit," sabi ko sabay yuko. Punyemas, laging nasa daan 'tong professor na laging galit saakin, 'di ko naman inaano. Ako laging napapansin. Kulang ba 'to sa bakuna?  "Hindi mabisa ang pagsasalita ng maganda kung maitim naman ang nasa isipan, magandang araw," umalis siya pero 'di niya maalis 'yong tingin saakin na galit na galit. Alam mo 'yong  masindak ka Eli na tingin. Ako tinitigan ko lang siya tapos dire-diretso na kami. "Lagi na lang natin nakakasalubong si Professor Agustin, ayokong mabingo 'non. Baka ibagsak tayo," nag-aalalang sabi ni Reign. "Same, tara na nga, halika na Eli," pag-aaya sakin ni Gwen. Ang korni na nang buhay ko dito, may paepal kaagad, 'di ko naman inaano.  Shhhhhhhhh Eli, 'wag kang maldita. Baka mapatalsik ka nang wala sa oras sa paaralang ito.  Malalim talaga ang awayan ng utak ko at ng utak ko. Battle of self utak laban sa utak ganoon. Pumasok kami sa uang pinto sa kaliwang bahagi ng dulo ng hallway ng palapag na 'to. Oh get's niyo naman pinagsasabi ko noh?  "Osya, sige pumasok ka na, ikaw lang kasi ikaw lang naman may need kay Head Minister, intayin ka na lang namin dito sa labas," sabi ni Reign. "Oo nga, andito lang kami sa labas, wait ka namin," dagdag ni Gwen. "Sinong hahanapin ko sa loob?" pagtatanong ko.  "Basta kung sino 'yong nasa loob 'yon doon ka magtatanong, goodluck!" sabi ni Gwen sabay tulak sakin papasok sa pinto. Pumasok ako sa pinto, pagtingin ko sa loob, may nakatalikod na matanda na. Mukha siyang lolo pero matangkad siya at maganda ang pangangatawan kaso mukha nga lang lolo dahil sa mga uban nito.  Umubo ako ng bahagya. Nakaramdam ito na may tao sa kanyang likod kaya lumingon ito. "Ahm, magandang araw po, ako po si Ellianna, Eli  for short po," pakilala ko sabay yuko ng bahagya. "Magandang araw din sayo Hyacinth, maupo ka," sabi nito saakin sabay turo sa upuan na nasa harap ng kanyang marmol na mesa na punong-puno ng aklat, scroll at woooowww! uso pala dito ang pluma?  Ang astigggg, made of gold ata 'to, sobrang makinang siya. Angassss! "Kamusta ang unang mga araw mo dito sa Aethertheos Sophos, Hyacinth?,"  Biglang natigil ko ang pagbabaliw-baliw ko sa pagtingin sa isang plumang ginto dahil sa narinig ko. Paanong malalaman niyang Hyacinth ang pangalawa kong pangalan?  Ahh, kasi siya ata 'yong guidance councelor dito or maybe admin.  "Ahm, okay naman po. Mababait po ang mga tao na nakasama ko. Tinutulungan po nila ako sa mga dapat kong alamin or bilhin. Masaya naman po ako at komportable sa mga pagkain at sa aking higaan," sabi ko with an innocent look.  Anyways, mahilig talaga ako magpainnocent look habang nagkukwento lalo na sa mga bet kong lalaki kasi nakakaakit daw ako tsaka cute tignan.  Pero iba ata naiisip niyo, hindi ko bet si Head Minister, gurang na 'to. Tinry ko lang 'yong innocent look as reverse psychology, para maisip niya na innocent ako at wala akong gagawaing kalokohan sa paaralan. Actually wala naman talag---. (FLASHBACK) *hinampas na plate with food sa mukha ko* "HINDI KO KAILANGAN NG PERA MO, MAS MAYAMAN AKO SAYO! SADYANG BOBO, POKPOK AT BULAG KA LANG NA BABAE!" (END OF FLASHBACK)  Actually meron na ata akong balak grrrrrrrrrrrrrrrrrrrr! Letche! "Okay ka lang ba, Hyacinth,?" tanong ni Head Minister.  Ano baaaaa puro Hyacinth ng Hyacinthhhh "Okay lang po, ahm maaari po bang magrequest, kung pwede pong Eli na lang itawag niyo po saakin? I feel so bad po talaga everytime I hear that word po e," madramang sabi ko kay Head Minister. Shocks, puro ako head minister ng head minister, 'di ko alam pangalan ni  head minist-- AAAAAAAAAAAAACKKKKKK. NAKAKABALIW NA! "Bakit? napakaganda ng ibig sabihin ng pangalang Hyacinth. Sa Aether Sophos, nangangahulugan itong taga-pagligtas. Ayaw mo ba 'non?," pagtatanong ni isa pang head minister eli mamamatay ka.  Hindi na ako sumagot at tumingin na lang sa kanya na parang hindi convince. "Okay Eli, mana ka talaga sa papa mo. Anyways I'm Professor Valderama. Isa ako sa pinakamatalik na kaibigan ng iyong ama. Ako'y namahala dito samantalang siya'y pumaroon sa tahimik matapos ang mahabang panahon at masalimoot na pangyayari," sabi ni Prof. Valderama. "Hindi po kayo nakukwento ng aking papa simula pagkabata, maging ang paaralan o ang pagkatao ko ay hindi nila binanggit kailanman,"  Totoo naman. Pinalaki ako ng magulang ko na malayo at walang alam sa buhay na mayroon ako ngayon kaya't nangangapa ako. Ni hindi ko alam kung sino ang aking mga kamag-anak 'nong kami'y nasa Erean pa.  "Dahil sa kagustuhan niyang maligtas ka at hindi ka magaya sa namayapa mong kapatid na namatay dahil sa labanan dito sa Aetherheos Sophos. Ayaw na nang ama mo na mawala ka dahil sa pitong beses nilang sinubukang magkaanak ay namatay ang ika-anim which is 'yong kapatid mo at ikaw ang pang-pito. Isa lang biyaya na tinago nila ng mahabang panahon Eli," paliwanag saakin ni Prof. Valderama. Kaya pala ingat na ingat sila saakin.. Pero teka? Kapatid? "May kapatid po ako?" pagtatanong ko. Walang nabanggit saakin ang aking mga magulang about sa kapatid ko or sa kung paano sila nahirapan na ipanganak ako.  Nakakalungkot isipin, maging sarili mong kadugo kaya kang paglihiman. Kaya nilang masikmura na pamuhayin ka sa buhay na punong-puno ng kasinungalingan. Kaya nilang pangaralan kang huwag magsinungaling pero sila 'yong mismong may tinatago at nagsinungaling.  Akala ko buong buhay ko mag-isa lang ako. Masarap siguro magkaroon ng kapatid. Pero namatay siya. "Oo, namatay siya noong sampung taon pa lamang siya dahil pinagtaksilan siya ng sarili niyang kaibigan at ipinahamak. Nagpanggap na Aether ang kaibigan niyang pinagkatiwalaan niya ng mahabang panahon at isang araw, nagising siyang nasa piitan na nang mga Mephistopheles. Marami sila, wala kaming nagawa. Hindi kinaya ng aming lakas ang lahat dahil biglaan. Nawala ang Soul Crown sa kinalalagyan nito at hindi na muling natagpuan ng mahabang panahon. Pakiramdam ko'y galit ang buong lahi ng Aether dahil hindi ako naging magaling, malakas at 'di ko naprotektahan ang mga taong nangangailangan. Kaya't binuhay ko muli ang paaralan, hinanap ang lahat ng mga natitirang may dugong Aether upang mas sanayin at bawiin ang lupa, kapayapaan na nararapat sa lahat ng mabubuti. Masaya ako at pinayagan ka nang iyong ama at ina na bumalik dito Eli," sabi ni Prof Valderama habang nakatitig saakin. Now I know bakit lumaki akong grabe ang trust issues sa tao kahit simula pagkabata pa. Dahil sa lukso ng dugo, dahil ayoko sigurong maramdaman at mangyari ang nangyari sa kapatid ko kahit hindi ko pa siya nakikilala noon.  "Hindi po ako pinayagan, hindi ko rin po alam kung bakit naririto ako. Ginising lang po ako ng aking ina at nagmamadali siyang papuntahin ako sa isang lumang pugon at sabihin ang mga nakakabaliw na mga salita na nakalimbag sa aking---"  Dapat ko ba siyang pagkatiwalaan? kakikilala ko lamang sa kanya. Sa mga movies or libro nagtitiwala sila pero ako, ayoko. Takot pa ako. "Sa aking notebook po, tama sa notebook. Isiinulat ni mama," sabi ko. Hindi nila mahuhuling nagsisinungaling ako dahil kaya kong makipagtitigan at magpaniwala gamit ang salita at tono ng pananalita para magmukhang nagsasabi ng totoo. Proteksyon ko 'yon simula pagkabata. "Gano'n ba? sige aalamin ko ang tunay na nangyari, may itatanong ka pa ba?" tanong ni Prof Valderama saakin.  "Wala naman na po sa ngayon, sa susunod na lamang po kapag may naalala na akong dapat itanong. Maraming salamat po, mauna na po ako," yuko sabay lakad paatras. "Sige." sabi nito Palabas na sana ako ng pinto ng bigla siyang nagsalita. "Eli, maaasahan mo ko, babawi ako para sa ama mo." sabi nito Ngumiti na lang ako sabay alis. Pasensya na, it takes time to trust. I trust no one na. Even my family na nagtago saakin ng lahat-lahat. Nakita ko si Gwen na naka de-quatro at si Reign na nakahiga sa upuan.  "Nagugutom na ako, ano kaya ililibre saatin ni Eli? Ahmm, gusto ko talaga ng Corndog pero feeling ko mas gusto ko ng Kimchi kaso wala 'yon dito pero marunong naman ako gumawa e, ano sa tingin mo?," sabi ni Reign habang nakapikit. "Kahit ano bahala ka. Basta saakin ramen lang okay na. " sagot ni Gwen. Nakatingin lang ako sa kanila. Dapat ba na pagkatiwalaan ko sila?  Maaga pa para isipin ko siguro 'yan. Kaya ko naman mag-isa e. Kakayanin. Assist lang sila sa buhay ko. Ayokong mabiktima. "ELIIIIIIIIIIIIIII! Jusko gutom na kamiiii! " sigaw ni Reign 'nong minulat niya ang kanyang mata at nakita niya akong nakatayo. "WHAT THE F TARA NAAAAAAAAAAAAAAA GUTOM NA AKO,"  madramang sabi ni Gwen. "Oh tara na, narinig ko sinasabi niyo, mga korean foods yun ah? Meron ba sa canteen 'non?" pagtatanong ko. "Wala pero sa outlet meron. Doon sa kabilang building. Tara naaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa!"  hinila na nila ako papunta sa---- WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHH AYOKO! "AYOKO!!!!!"   Tama, papunta sa pesteng elevator.  "TARA NA GUTOM NA KAMI  WALA KA NA IBANG MADADAANAN O MAGAGAWA TARA NA!" Pagrereklamo nila sabay hila saakin sa loob. "MAAAAAAAAAAAAAAAAA"  OMAYGHAD NAHILA TALAGA NILA AKO SA LOOB, PIPINDUTIN NA ANG FLOOR AT TADAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHH "PAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA MAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA"  BUHAY PA BA AKO? DI KO NA ALAM.. "Eli??"  "Eli?"  Nahimatay ako.  Nahimatay nga ako promise. "Eli, tumayo ka jaan nasa labas tayo, nakakahiya. 'Wag ka mag-inarte,"  utos ni Reign Iminulat ko ang aking isang mata at nakitang may mga estudyanteng nakatingin saakin. Dali-dali akong tumayo at tumakbo. "Eli, sandali!" sigaw nila. -------------------------------------------------------------------------------------------- "Oh ito tubig, mukhang need mo," sabi sabay bato saakin ng tubig. Iinumin ko na sana ng biglang napalinga ako sa chiller ba tawag jaan ewan ko nakita ko 'yong soju! Omayghad, gusto ko makatikim uli nito kasi nasarapan ako 'nong pinatikim saakin ni Kish ito. Dala daw ng tita niya from Korea. "Omayghad, may Soju? Ayon ang akin! Gotcha!"  Kinuha ko ang Soju at nagbayad na. "Please, 'wag kang maglalasing, mapapatapon tayo. As in!" paalala ni Gwen.  Konti lang.  So ayun, kumain kami ng tahimik at umuwing tahimik at payapa sabay boom bagsak sa kanya-kanyang higaan. Nakakapagod ang araw na 'to, ayoko muna mag-isip about sa mga nalaman ko kanina, gusto ko muna magpaghinga.  Ma, Pa, sana 'di niyo na lang nilihim. Sana pinag-usapan na lang. Lumalim tuloy ang trust issues ko sa tao. Napalingon ako kay Gwen at Reign. Deserve ba nila na pagkatiwalaan? Ganyan ba talaga sila or ganyan lang sila kasi bago lang ako?  Kinaya ko naman before mag-isa. Kaya ko rin dito alone.  Kaya mo yan Eli. Napalingon ako sa bintahan nang may napansin akong anino na dumaan.  Shet Eli, sabog ka lang or pagod kaya nakakakita ka nang kung anu-ano.  Biglang dumaan uli. Nanlaki ang mata ko at itinalukbong ang kumot ko.  Shet makatulog na sana ako. 'Wag kang lilingon Eli, "Wag mong ilalabas ang iyong paa. Kalma. Tulog. ............................................................................................................................................................................. Writter's POV "Nakabantay at mapapalapit na rin po ang alagad natin sa batang iyon pinuno," sabi ng isang alagad na naka balabal na itim. "Siguraduhin niyong hindi mababasa ang kahit anong kinikilos niyo. Matalino ang batang iyon. Ayokong pumalpak ang matagal na nating pinaghandaan."  sabi 'nong isang lalaking nakatalikod at nakasuot ng itim na balabal. "Opo pinuno, makakaasa kang gagawin ng alagad ko ang mga sinasabi niyo, " sabi ng alagad at umalis na ito sa loob ng silid. "HAHAHAHAHAHA,"  tawang nakakatindig balahibo ng lalaki na nakatalikod at may suot na itim na balabal.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD