Reign's POV
Goodmorning sunshines!
Anyways, maaga ako nagising as usual kasi late bumangon ni Gwen. As in laging late tapos 'di pa siya marunong magluto mabuti na lang at noong bata pa ako, lagi akong napapabayaan sa kusina at lagi akong tinuturuan ni Mama magluto.
Kung hindi? Siguro mamamatay kami kakakain sa labas. Gosh.
Anyways, nagluluto ako ng Pancake with butter at the top and naghanda na rin ako ng oats for myself kasi ito ang hilig kong gawing almusal. Nagluto na rin ako ng adobo dahil baka gusto ni Eli na kumain ng rice with ulam every morning. Kami kasi ni Gwen hindi e.
Anyways about kay Eli, she's so nice and medyo may pagkabaliw-baliw na ata dahil sa mga kakaibang naranasan niya dito. Siguro isa siya sa mga nabaliw or naculture shock dahil sa bagong mundo na tinatahak nila. I hope 'di matuluyang matanggal ang turnilyo sa utak ni Eli.
Mabait naman akong kaibigan and madali akong magtiwala. I'm very friendly maliban sa tssk. basta.
"Magandang patay Kups, gising na! Gisingin mo na rin si Eli. Natatakot ako na gisingin. Baka sumigaw or magwala or magalit. By the way, handa na ang almusal. Maliligo na muna ako," sabi ko kay Gwen sabay bato ng unan sa kanya.
"Punyemas ka ang aga-aga," reklamo ni Gwen.
"Ehem, 8 po ang klase natin, 7:00 na po, haluuurrr?" sabi ko.
Jusko, ayokong malate bahala kayo jaan.
Maliligo na muna ako.
Writter's POV
"Ahm, Eli, gising na. Maaga pa kasi klase natin today, " sambit ni Gwen.
Nagmulat ang mata ni Eli at kaagad na tumayo at tumulala ng matagal.
Tumakbo si Gwen sa Comfort room.
"Gising na siya," sambit nito.
"'Di nagalit or nagwala?" tanong ni Reign.
"Hindi, okay naman siya tulala nga lang pero okay naman mabilis bumangon," sagot ni Gwen.
"Hay jusko, sana ganyan ka rin gisingin Dianne HAHAHHAHAHAHA." pang-aasar nito.
"POOCAIAJAKBCAICSAOCHASNAH WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHH BWESIT," iritang bumalik si Gwen sa higaan at nagtalukbong.
"Tara Gwen, kain na tayo," pag-aaya ni Eli.
Biglang nawala ang kunot sa noo ni Gwen at nilingon sandali si Eli at tumango.
Tahimik lang silang kumain at kumilos. Mabilis na nakapagbihis silang lahat at nakaayos.
"Tara na, " pag-aaya ni Reign kay Eli ng napansin nitong huminto ito sa loob ng dorm.
"Ahm, magkakaklase ba tayo? Baka kasi wala akong ibang makaclose kung hindi tayo magkaklase. Kinakabahan ako kasi ngayon pa lang ako makakapasok sa tunay na paaralan, sa tunay na classroom. Ayaw kasi ng papa ko before na mag-aral ako sa mga paaralan," malungkot na pahayag ni Eli.
"Okay lang yan, kaya mo yan. Magkakaklase tayo at aalalayan ka namin okay?" panghihikayat ni Reign.
"Trust us." dagdag ni Gwen.
Naglakad na sila patungong classroom.
Isa siyang usual classroom ng private school dahil sa ganda ng mga upuan, pintuhan, pisara at kung anu-ano pa.
Kasalukuyan nilang tatalakayin ang subject ng Enchants.
"Magandang umaga sa inyong lahat, Ako si Prof. Estrella at ngayon ay nasa klase kayo ng Dark Arts. Ang Dark Arts na a---," naputol ang sasabihin nito ng mapansin niyang nakakunot ang noo ni Eli.
"Iha, mukhang maraming bumabagabag sa iyong isipan, may kinalaman ba ito sa ating pag-aaralan?" pagtatanong ni Prof. Estrella.
"Opo, ahm maari ko po bang itanong kung bakit need po pag-aralan ang Dark Arts e diba masasama po at naninira po ang kapangyarihan na iyon? Diba po sila ay taglay ng mga kalaban na balak tayong paslangin kaya tayo nag-aaral?" pagtatanong ni Eli.
Eli's POV
"Iha, mukhang maraming bumabagabag sa iyong isipan, may kinalaman ba ito sa ating pag-aaralan?" pagtatanong ni Prof. Estrella.
Jusko, bakit tinatanong agad ako e nakakunot lang talaga noo ko kapag nahihiwagaan. Maygad, ano bang pwedeng itanong.
(Flashback)
(Head Ministers Room)
"May taglay silang dark arts na naghahangad ng kasamaan at kaya tinipon ko muli ang lahat ng natitirang Aether upang ipaglaban ang natitirang lahi," sabi ni Prof. Valderama.
(End of Flashback)
"Opo, ahm maari ko po bang itanong kung bakit need po pag-aralan ang Dark Arts e diba masasama po at naninira po ang kapangyarihan na iyon? Diba po sila ay taglay ng mga kalaban na balak tayong paslangin kaya tayo nag-aaral?" pagtatanong ni Eli.
Tama nga naman. Bakit nga ba?
Char. Syempre bahala na kayo, kunwari nakikinig at magaling ako. Jusko, ang talino mo Eli, buti nakaisip ka kaagad ng tanong.
Sandaling tinitigan ako sa mata ni Prof. Estrella at saka ngumiti ng pilit.
"Tama, taglay sila ng kalaban ngunit need din natin itong matutuhan upang alam natin kung paano sila lalabanan. Ito'y parang isang laro na kailangan mo munang alamin ang stratehiya, lakas at kahinaan ng iyong kalaban bago ka sumabak. Nasagot ko ba ang katanungan mo binibini?" pagtatanong nito saakin.
"Opo. Salamat," sabi ko.
"Sa susunod, makinig kayo at huwag mag daydream sa aking klase." parinig ni Prof. Estrella.
Mayghad seryoso? Ang iinit ng dugo ng mga guro dito saakin ah.
"Boom, pahiya HAHAHAHHAHA," bulong pero rinig ko naman na sabi ng isang ipis na naglulungga sa likuran ko.
Lumingon ako para makita ko kung sinong anak ni Hudas.
IPIS? XANDER? shetttttttttttttt kaklase ko pala 'to. Maygahd . Sira na pag-aaral ko. Waaaaaaaaaaahh. Naiiyak na ako. Charot.
Tinaasan ko siya ng kilay sabay poker face at tingin uli sa harap.
"Napakaarte naman pala nitong tomboy at dugyot na 'to," singhal niya.
Hindi ko siya pinansin. Mas manggigigil kasi ang mga bully kung 'di mo sila papansinin at parang wala kang naririnig.
"Bingi ka ba? HOY BINGI! SABI KO DUGYOT, POKPOK PASIKAT HAHAHAHH," sabi niya uli.
Ewan ko ba kung ilang taon na 'to. Feeling ko kaedad ko lang pero jusme kung magsalita at umasta parang grade 1 na naghahamon sa kanto ng suntukan pero balikat-balikat lang ang ginagalaw.
Hindi ko siya pinansin.
Nakikinig na lang ako at nagtake down notes sa mga need ko in case na may exam.
Sabi ni Prof, kaya daw mapalabas ng isang tao ang natural na dark entity kung labis ang galit, poot at kalungkutan niya.
Lagi naman akong galit, nalulungkot. Even before pero wala namang nangyayari. Baka 'di pa yon ang pinaka galit ko.
Amazing ah.
Anyways, after so man discussions, puno na agad yung tatlong pages ng notebook ko. Kapag kasi hindi ko maintindihan, iniillustrate ko na lang siya gamit ang pagdadrawing.
Andito na kami ngayon sa History. Fudge.
Gusto ko ng history para mas lalo ko pang maunawaan ang mundong aking kinagagalawan.
"Good Day everyone, I'm Prof. Nuevez and I'm going to tackle about the History of Aether in a short introduction. Aether means Light. People with blood of Aether are the Light. They gave hope to everyone who live in this place, in this world. You know why Aether gives hope to everyone, it's because Aether are the remaining strongest Kingdoms that fights for peace and unity of everyone that's living in this place. Our school's name is Aethertheos Sophos Academy which means Light, Skilled or Clever. We are skilled, trained and we are clever. We need to be like that so that we can fight and defend our world. We are sent by the light to protect the remaining nations,"
Jusko. Ba't naman kasi English speaking 'to? With feelings pa. Naalala ko 'yong kumakandidato saamin sa barangay with feelings pa magsalita na tutulungan daw kami at ang buong bayan tapos 'nong umupo sa posisyon after years boom nahuli, may kalokohang illegal pala para sa bayan. Awit. Pero I'm not against their pamamalakad, naalala ko lang talaga. Kulang na lang lagyan ko ng bandera 'to.
Napakaattitude ko talaga, kainis.
"Excuse me sir, Ms. tomb- este Ms. Elianna wants to say something, she said to me po," nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni IPIS XANDER.
Mas lalong lumaki ang mata ko 'nong tumingin na lahat sila saakin pati ang prof ko.
Potek na Xander 'to? Kulang ba 'to sa aruga o sa bakunang anti-rabis? Nananahimik ako, mga pambatang kalokohan iniisip dinadamay pa ako. Punyemas.
"Ahm. Ye-yes sir, ahm can I ask, what's the relationship of the old head minister and the royal king of the enemy?" potaaaaaaaaaaaaaaa.
Natuwa ata ang Prof ko.
"That''s the great question, it mades me think na you're thinking deeply Ms. Ellianna. Anyways, they are twin brothers and because of hatred, sadness, jealousy and crab mentality of the other half, their relationship as brothers destroyed. By the way, very good Elianna. I hope you can teach Mr. Alexander to think deeply and don't think like a child. Sit down," sabi ni Prof.
Humarap ako kay Xander sabay taas ng kilay, ngiti, konting bow and upo na ulit sabay harap sa pisara.
Baka pinalaki akong maparaan at matalino duhhh.
Isa pa malilintikan ka na saakin Xander. Napaka isip bata ampt. Wala ata 'tong kalaro 'nong bata pa siya. kagigil.
Break time na.
"Eli, panis. Ang talino mo pala! bang!" sabi ni Gwen.
"Hindi ah, pokinginang Xander 'yan. Buti na lang mabilis ako mag-isip," sabi ko.
Biglang may lumapit saaming tatlong babae. Kaklase namin. Nakapak na pak ang kilay at magandang tirisin ang nasa gitna, at mga nakataas ang kilay pero peke ang ngiti ng mga alipores na nasa tabi niya.
"Hi, bago ka lang pala, ang galing mong sumagot at magtanong kanina. Matalino ka ba talaga. I mean syempre baguhan nakakapagtaka, marami kasi akong kakilalang SIP-SIP jaan na nagpapakitang gilas lang sa umpisa, may kodego naman pala. Anyways, I was just reminding you na ako parin ang top sa klaseng ito and top sa puso ni Xander noh? Hmm. If ever may kalokohan ka, pandaraya or mga binabalak, itigil mo na 'yan dear okay? Para okay tayo both. Since, I'm the leader, top student and most skilled Aethertheos student here, I want you and your friends to receive peace and peace of mind. Bye." sabi nung muchachang mayabang na mukhang mean girls pero mukhang nagtitinda ng balut.
"Owshiie. Dami mo kaagad haters Eli. Kinakabahan na ako ah," sabi ni Reign.
"Hayaan mo silang mathreaten sa existence mo as long as wala kang ginawang masama or tinatapakang tao, go lang, " panghihikayat ni Gwen.
Umalis na kami at pumunta sa canteen. Letche, cafeteria pala tawag dito. Bakit kasi canteen ako ng canteen.
"Hi! Reign!" bati ng isang kumag na lalaking nakita kong pinagtatawanan ako noong hinampas ako ng food sa mukha ni Xander.
"Ahm, hello Kennedy," nahihiyang bati ni Reign.
Nagkunot lang ang aking noo dahil sa kaharutan nitong si -- sino ba uli 'to?
"Gusto mo kumain, libre kita. Sama ka saakin," pag-aaya ni kumag.
"Ahm, sorry Kennedy ahm, kasama ko kasing kumain si Eli at Gwen," paliwanag ni Reign.
Ayun naman pala, kennedy pala ang name. Harot naman netong kumag na 'to.
"Don't worry, you guys can join us, there, andoon 'yong mga friends ko. For sure, they like to meet you din," sabi sabay turo 'nung kumag sa table kung saan nandoon lumalapa ng pagkain si Xander.
"Negative, enjoy there Reign," kalmadong sabi ni Gwen.
"Tara na, parang 'di tayo magkaibigan tsaka alam mo naman na matagal na akong patay na patay kay Kennedy eh. Ngayon ang once in a lifetime ko supportahan mo na. Eli, tara na please," pabulong na sabi ni Reign saamin.
Ahh, so gustong-gusto pala ni Reign 'tong kumag na 'to and nakakagulat na ngayon lang siya nilapitan nito after all the accident na nangyari saamin, yah, saamin ni Xander.
Should Reign trust this guy? I feel something fishy. Need ni Reign ng backup.
"Tara na Reign my loves," sabi ni Kennedy panot kay Reign sabay lahad ng kanyang kamay na malaprince charming pero mukha siyang prince na binaon sa lupa at may masamang balak.
Sumunod si Reign at sumunod na rin ako sabay senyas kay Gwen na hayaan na, tara.
"Mukhang may nagmamaktol na mukha kang isinama sa table Ken," panglalait ni Xander.
"Sinong 'di mabubwesit sa kaharutan ng kaibigan mo at kailangan pa talaga kaming isama sa table ng mga mukhang paa at bully," pabulong na sabi ni Gwen sabay taray.
"Excuse me?" sabi ni Xander.
"WALA," bwesit na sagot ni Gwen.
Biglang nilingon ako nitong kupal na Xander na 'to at tinignan ako mula ulo hanggang paa. Bwesit ba ito?
"Oh, andito pala ang pinakamababoy na estudyante ng Aetherheos. Hello, Ellianna," bati na may halong pang-iinis saakin ni Xander.
Hindi ko siya pinansin.
"Gwen, Reign, bibili muna ako ng pagkain ah, same food pa rin tayo, mamaya niyo na ibigay bayad," sabi ko sabay alis at pumuntang bilihan ng favorite naming rice meal.
Tamad naman talaga ako bumili, palusot ko lang iyon para 'di ako mahimatay sa bwesit dahil kay Xander.
"Ahm, hello, 3 rice meal please?" sabi ko sabay kuha ng pambayad.
"I'll pay it," sabi 'nong lalaking nasa likod ko sabay bayad ng buo niyang Theos Bill.
"Ha,, wa-- HOY GAGO, ANONG BALAK MO?" tanong ko ng biglang marealized na si Xander pala iyon.
"Honey, huwag mo naman akong sigawan sa harapan nila, ililibre na kita kahit tatlo lagi ang kinakain mo. Gusto mo pati ako kainin mo," sabi sabay smirk ni Xander.
POTANGINA BA NIYA?!>!?!?!!>!
"GAGO KA? O KINULANG KA SA BITAMINA? LUMAYAS KA NGA AT HUWAG MO KONG MATAWAG-TAWAG NA HONEY PAKYU!" sambit ko sabay hagis sa kanya ng pinangbayad niya at umalis na ako matapos kong kunin ang tatlong rice meal.
GAGO BA IYON? NAGBABASA ATA NG w*****d, GINAGAWANG STRATEGY PARA MAKAGANTI. 'YONG PAPAINLOVIN KA TAPOS SASAKTAN, HIHIWALAYAN ULOL! MAGANDA AKO PERO 'DI AKO BOBO.
Nilapag ko ang pagkain ni Reign sa tapat niya at niyaya si Gwen na mag-ibang mesa na lang kami.
Naka taas kilay pa ako 'nong nilapag ko ang pagkain at kumain.
Hindi na ako pinansin ni Gwen dahil bwesit din siya.
Pero tangina, anong iniisip kong inlove-inlove at w*****d? WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHH.
POTEK ELI BAKIT INIISIP MONG GINAGAYA NIYA 'YONG SA MGA w*****d AT PAIINLOVIN KA? GAGO KA!
"ACCCCCCCCCCCCCCCK" napaso ako, sinubo ko kaagad kahit mainit 'yong food.
"Okay ka lang?" Tanong ni Gwen.
Tumango na lang ako habang pinapaypayan ang dila ko.
"BOBO," sigaw ni Xander.
Tinignan ko lang siya ng masama at tinarayan sabay pakyu at balik sa pagtingin sa pagkain.
Takte, nakakapagod mabwesit.
Tingggggggggggggggggggggggggggggggggggggggggggggggggggggggggggggg
Tapos na ang recess, 'di namin pinansin muna si Reign.
Dumating na 'yong prof naming babae na mukhang nakakatakot kasi maliit yung itim na bilog sa mata niya. As in nakakatakot.
"Magandang Umaga, ako si Prof. Silvia at ang klase natin ay tungkol sa Oracle. To give you a small introduction of Oracle, ito ay ang ginagamit upang makita ang hinaharap. Nagsisilbi itong propesiya upang maging gabay, paalala o paghahanda sa hinaharap o sa mga mangyayari sa hinaharap. Matagal na panahon ang nakalipas simula noong nawala ito sa kamay ng ating pinaka punong ministro. Ito ay ninakaw ng isang estudyanteng naging makasarili at ganid sa kapangyarihan. Dahil sa pagkawala nito, hindi na muling naging handa ang ating lipi sa mga mangyayari kaya't naglunsad ito ng matinding kaguluhan at pagkasawi nang maraming kalahi. Isa lang ang natitirang propesiya na natagpuan dito bago ito mawala sa kamay ng ating paaralan," paliwag ni Prof Silvia.
"Prof, ano pong propesiya ang nakita bago ito mawala noon sa kamay ng ating paaralan at pinakapunong ministro?" pagtatanong ni Hera.
"Ang propesiya ay naglalaman ng isang pangitain na may lalason na sumpa sa buong lahi at lipi na naninirahan sa buong Querencia, Mephistopheles at Urduan. Tanging ang nag-iisang taong Blood Flun at Soul Crown lang ang makakawasak ng sumpang ito. Pangalawang pangitain naman ay ang pagkamatay ng sanggol na Soul Crown. Dahil sa mga pangitain na ito, nawalan ng kompyansa ang buong lipi na magkaayos at magpalakas upang makidigma. Lalong lumakas ang Mephistopheles at nagkampihan sila ng Urduan kaya't maraming napaslang sa ating lahi," paliwanag ni Prof. Silvia.
"Mam, nahanap na po ba ang Blood Flun at napatunayan na ba na patay na talaga ang Soul Crown?" pagtatanong ni Greg.
"Ang blood flun ay nasa Mephistopheles island at hindi na nila nanaising makipagkasundo saatin dahil sa ganid at inggit sa kapangyarihan. Ang Soul Crown ay pinaniniwalaang buhay pa dahil noong nakaraang araw ay biglang namunga ang mga bulaklak ng sunflower sa lihim na hardin. Ito ay simbolo na nalalapit lang ang Soul Crown." nakangiting sabi ni Prof Silvia.
May pag-asa pa para mailigtas ko sila mama at papa, malaman ko ang nangyari sa kanila at matulungan ko ang tunay na mundo ung saan ako kabilang at nararapat. Kailangan lang talagang mahanap ang Soul Crown at pakiusapan ang Blood Flun.
Umaasa pa rin ako na magiging okay ako sa pagpasok ko dito sa tunay na mundo kung saan ako nararapat at nabibilang. Alam kong mas matitindi ang pagsubok na kahaharapin ko than usual pero sana mas magimprove ako in every aspects.
Xander's POV
"Pre, anong gagawin ko para makaganti sa kanya?" pagtatanong ko sa mga tropa ko.
Ayokong gumanti ng Physical agad agad at baka mapatalsik ako sa paaralan na ito. Mahalaga saakin ang pananatili ko dito.
"Sungalngalin mo sa inidoro o kaya ikulong natin?" suggest ni Ken.
Kumunot lang noo ko.
"What if you try to make her fall in love,?" natahimik kami sa sinabi ni Otep.
"f**k YOU, ANONG FALL IN LOVE?" Singhal ko.
"Badduy mo bro," banat ni Ken.
"I'm not baduy. A fearless woman has her own strength and weaknesses. She has these strong personality, witty ideas, she's physically and emotionally strong plus she is mentally wise. But according to the books I read when I was in Erean world, I remember the words in that book which is 'the fearless woman's weakness is heart. Heart represents love. Anyways, try to think of it, useless lahat ng plans mo to scare her or hurt her kasi she was so fearless. We saw it yesterday. Just read this book, malay mo it can help," sabi ni Otep sabay bato ng book na ang title is how to hurt a girl by making her fall in love.
"ohhhhh," sabat ni Ken.
"Korny mo, aalis na nga ako. Wala naman kayong dulot," sabi ko sabay alis.
Pumunta na akong dorm. Binasa ko 'yong book. Try ko lang, baka umepek kay Gago.
Kinabukasan, klase na namin.
Number 1 rule, magpapansin, magpasikat sa target.
Okay. Operation Mode On.
.
.
.
"Opo, ahm maari ko po bang itanong kung bakit need po pag-aralan ang Dark Arts e diba masasama po at naninira po ang kapangyarihan na iyon? Diba po sila ay taglay ng mga kalaban na balak tayong paslangin kaya tayo nag-aaral?" pagtatanong ni Eli.
Start ko na ang aking operation papansin.
"Tama, taglay sila ng kalaban ngunit need din natin itong matutuhan upang alam natin kung paano sila lalabanan. Ito'y parang isang laro na kailangan mo munang alamin ang stratehiya, lakas at kahinaan ng iyong kalaban bago ka sumabak. Nasagot ko ba ang katanungan mo binibini?" pagtatanong nito kay Elianna.
"Opo. Salamat," sabi niya.
"Sa susunod, makinig kayo at huwag mag daydream sa aking klase." parinig ni Prof. Estrella.
"Boom, pahiya HAHAHAHHAHA," bulong ko pero malakas para mapansin niya.
Lumingon siya para makita ako
Bwesit ‘yong mukha niya noong una. Sarap pakyuhan sa mukha HHAHAAHAHHA. Tapos biglang tinaasan niya ako ng kanyang kilay sabay poker face at tingin uli sa harap.
"Napakaarte naman pala nitong tomboy at dugyot na 'to," singhal ko.
Hindi niya ako pinansin. Lalo akong nainis. Akala ko ba sabi sa libro siya bubwesitin ko? Bakit ako ‘yong nabubwesit?
"Bingi ka ba? HOY BINGI! SABI KO DUGYOT, POKPOK PASIKAT HAHAHAHH," sabi ko
Hindi pa rin niya ako pinansin.
Nanahimik na lang ako at binasa uli ‘yong libro para icheck kung tama ba pagkakaunawa ko.
Andito na kami ngayon sa History Subject, hindi na ako makikinig. Kaya ko naman tsaka alam na alam ko history ng mga Aether at ang Aethertheos kaya nga andito ako e.
"Good Day everyone, I'm Prof. Nuevez and I'm going to tackle about the History of Aether in a short -------------”
Patuloy pa rin ako sa pagbabasa ‘nong pinababasa saakin ni Otep.
Tama naman, magpapansin. Isa pa ng tatry ko.
Fuck tangina mo Otep. Mabilis ako magtiwala kapag kaibigan tsaka need ko ipakita na nagtitiwala ako sa kanila kaso ayun naadapt ko na yung pagiging mapagtiwala.
Nakaisip ako ng malupet na pagpapapansin.
"Excuse me sir, Ms. tomb- este Ms. Elianna wants to say something, she said to me po," sabi ko sabay tingin kay Elianna na nanlaki ang mata at halatang nagulat.
HAHAHHAHHAHAAHAHAH
NAIINLOVE NA KAYA SIYA SAAKIN?
AY HINDI PA PALA KASI RULE 1 PA LANG GINAGAWA KO.
"Ahm. Ye-yes sir, ahm can I ask, what's the relationship of the old head minister and the royal king of the enemy?" sagot niya.
Wala na akong pake kung makasagot siya. Ang mahalaga e nagagawa ko ang rule 1.
"That''s the great question, it mades me think na you're thinking deeply Ms. Ellianna. Anyways, they are twin brothers and because of hatred, sadness, jealousy and crab mentality of the other half, their relationship as brothers destroyed. By the way, very good Elianna. I hope you can teach Mr. Alexander to think deeply and don't think like a child. Sit down," sabi ni Prof.
Masaya ako sa iniisip ko kaso gago ‘tong prof na ‘to dinadamay ako at nakakairita. Nananahimik ako na nagdidaydream at nagpaplano dito. Kaya ko naman iperfect kahit nakapikit ang mga exams niya e.
Humarap si Elianna saakin sabay taas ng kilay, ngiti, konting bow and upo na ulit sabay harap sa pisara.
CUTEE…TINGINA NIYA.
Break time na.
Dire-diretso ang labas ko para basahin ang Rule 2 at isagawa sa cafeteria.
Rule 2, Ilibre, maging gentleman para maisip niyang nagpapapansin ka at may maganda kang motibo.
“Ken, tulong, harutin mo naman ‘yong babaeng maliit na pangit na matatakutin na nasa gitna. Pilitin mong dito sila kumain para maisagawa ko ang rule 2,” utos ko.
“Okie dowkie, Reign name pala ‘non” sabi nito.
Nagfacial reaction ako na walang pake.
Lumapit at nakipagharutan na si Ken.
Nanlilisik mata saakin ni Elianna. AHAHAHHAHAHA.
Ayan na, papunta na si Ken dito at sumunod si Reign at sumunod na rin si target at ‘yong tomboy niyang kasama.
"Mukhang may nagmamaktol na mukha kang isinama sa table Ken," panglalait ko sa tomboy niyang kasama.
"Sinong 'di mabubwesit sa kaharutan ng kaibigan mo at kailangan pa talaga kaming isama sa table ng mga mukhang paa at bully," pabulong na sabi ni Gwen sabay taray.
"Excuse me?" sabi ko.
Bubulong-bulong naririnig naman. Tsk.
"WALA," bwesit na sagot ni Gwen.
Nilingon ko si Elianna at tignan siya mula ulo hanggang paa para mabother siya.
"Oh, andito pala ang pinakamababoy na estudyante ng Aetherheos. Hello, Ellianna," bati na may halong pang-iinis ko.
Hindi niya ako pinansin.
"Gwen, Reign, bibili muna ako ng pagkain ah, same food pa rin tayo, mamaya niyo na ibigay bayad," sabi niya sabay alis at pumuntang bilihan ng rice meal.
“Bro, sundan mo,” sabi saakin ni Ken.
.
.
"Ahm, hello, 3 rice meal please?" sabi niya sabay kuha ng pambayad.
"I'll pay it," sabi ko sabay bayad ng buo kong Theos Bill.
Syempre mayaman ako e.
"Ha,, wa-- HOY GAGO, ANONG BALAK MO?" sigaw niya.
"Honey, huwag mo naman akong sigawan sa harapan nila, ililibre na kita kahit tatlo lagi ang kinakain mo. Gusto mo pati ako kainin mo," sabi ko sabay smirk.
POTANGINA CRINGEEEEEE YUCK EWWWWW
"GAGO KA? O KINULANG KA SA BITAMINA? LUMAYAS KA NGA AT HUWAG MO KONG MATAWAG-TAWAG NA HONEY PAKYU!" sambit niya sabay hagis saakin ng pinangbayad ko at umalis na siya matapos niyang kunin ang tatlong rice meal.
Potek. Sakit niya sa tenga. Acccccccccccccccckk naiirita na ako.
Bwesit din akong bumalik sa table at walang pinansin.
Natatapakan pride ko potek.
“ACCCCCCCCCCCCCCCCCCCCCCCCCCK” sigaw ni Eliannang bobo at kinain ang mainit na pagkain.
"BOBO," sigaw ko.
Tinignan niya ako nang masama at tinarayan sabay pakyu at balik sa pagtingin sa pagkain.
“Good job bro, keep it up,” sabi ni Otep.
Pinakyuhan ko lang siya sabay alis at balik sa dorm.
Nadidrain ako sa pangit na iyon. Ackk!
Dire-diretso lang ako sa higaan ko at humiga.
Kapagod siya. Bwesit siya ayoko na niloloko at inuuto lang ako nitong potek na libro na ito.
Binato ko ang libro.
MAMATAY KA NA ELIANNA!
Stress ako sayo, hindi naman kasi ikaw 'yong mission ko pero nakikigulo ka. Tinatapakan mo pa ego ko. Ampangit mo naman. Straight pa katawan. Malapad noo. Kairita ka!
Itutulog ko na 'to. Ako si Alexander the great at hindi ako magpapatinag sa kahit sino.