Reign's POV
Shettt hindi ako nakatulog ng maayos kagabi, sobrang natutuwa ang aking puso sa ginawang pagpansin saakin ni Kennedy. Sana dumating ang point na hayaan niya akong tawagin siyang Ken.
Hindi kasi siya pumapayag na tawagin siyang Ken lalo na't hindi kayo sobrang close. Marami akong alam kay Ken simula noon. Matagal ko na kasi siyang gusto. Simula noong napadpad ako dito sa paaralang ito, siya na ang hinahanap ko. Noong mga panahon na binubully ako, tawa siya ng tawa and masaya ang puso ko kasi ako iyong dahilan ng pagtawa niya.
Bobo ako e, sorry, bobo ako pagdating sa pagmamahal.
Namana ko ata ang pagkabobo ko sa mama ko dahil sa labis niyang pagmamahal kay papa pero maganda naman ang kinalabasan kasi napabago niya si papa at tignan mo ngayon, masaya at buo ang aming pamilya. Wala lang sila rito dahil isa na silang mga last generations na need na lagi sa bulwagan para magplano at magsagawa ng mga need para saamin at sa paaralan.
Kasalukuyan akong nagluluto ng Fish Cake para sa baon namin mamaya and eggs, spam and bread plus chicken adobo gaya ng paborito daw ni Eli. Wala lang, gusto ko makabawi sa kanila.
"Gwen, Eli, sorry na kung sa kanila ako sumabay kumain. Sorry na, babawi ako ngayon. After ng Physical Activities and Potion natin ililibre ko kayo," sabi ko.
Kahapon pa kasi nila ako hindi pinapansin dahil sa nagawa kong sumabay kumain sa mga taong bully at kagalit nila. Syempre mahalaga ang kaibigan saakin kaya nga babawi ako e.
Wala pa rin silang imik at nakatingin lang saakin ng diretso si Gwen.
"Uy girls, sorry na," sabi ko.
"Mahal mo? gaano na katagal?," tanong saakin ni Eli.
Hindi niya nga pala alam noh.
"Four years ko na siyang gusto, simula noong lumipat ako rito," sabi ko.
"Okay, make sure na nag-iingat ka. Hindi pa rin katiwa-tiwala iyong tao na iyon. Remember, kasama niya ang mga nangbully sayo before," paalala ni Eli.
Tumango lang ako.
Tumingin ako kay Gwen.
"Osya, oo na okay na iyon, basta huwag kang magtitiwala doon ng sobra," sabi ni Gwen.
Awwwww. I'm starting to love this true friends of mine lalo na si Eli.
"Thank you guys, Trust me Gwen ha?"
Nagthumbs up lang si Gwen.
Lumingon ako kay Eli.
"Trust me Eli, as your friend," sabi ko kay Eli.
Natigilan siya ng kaunti.
"Ha?- Ah-O-o.. Osige tara kain na baka lumamig na ang pagkain na niluto mo," pag-aaya ni Eli.
"Tara na bago pa tayo malate," sabi ko.
At kumain lang kami ng tahimik.
Eli's POV
Nasa school grounds na kami, nakapila. Nasa harap ko si Reign, sa likod si Gwen sa kanan si POTEK na Xander.
Jusko. Gusto ko magstart Physical Activities ng matiwasay.
Medyo nilingon ko ng konti si Xander, himala hindi ako ginugulo or binabanatan ng mga kadiring linya ah kagaya noong pinaggagagawa niya sa cafeteria kahapon. Sabi ko na e, may sapi lang.
Tigilan mo na nga pagooverthink mo Eli.
Nagiintroduction na pala Prof ko hindi ko man lang nadinig, masyado akong naooccupy ng mga thoughts na hindi magaganda potek.
Nag-umpisa na ang training, basic self defense without armas muna.
"Face to your right boys and to your left girls," utos ng Prof ko.
Jusko.
Kaharap ko si Xander, kaharap ni Reign si Kennedy ba ito o Ken tapos katapat ni Gwen iyong isa niyang tropa na si--
"Otep palit tayo," sabi ni Xander.
Ahh, otep pala yung name. Parang Otap HAHAHAHAHHA.
"Nah."
Gigil na tumingin saakin si Xander.
Binelatan ko lang siya.
"Okay, follow me, for the boys, follow my partner and for the girls, follow me. In a count of three, 1, 2, 3"
Sinundan ko lang iyong nasa harapan at hindi ko sinasadyang nanggigil ako at tinamaan ko ng medyo malakas ang leeg ni Xander.
Dahil sa sobrang bwesit niya tinapakan niya ako sa paa.
POTAAAAAAAAAAAAAAAA.
Gigil akong tumingin sa kanya at tinulak siya.
"Letche ka ba?" sabi ko
"Ikaw nangunguna jaan, ginantihan ka lang gago," sabi nito saakin.
Magtimpi ka Eli, gusto mong pumasa at hindi mapalayas.
Busy ako sa pagsunod sa ginagawa ng Prof ko kahit bwesit ako dito sa kapartner ko, hindi ko namalayan na....
"PUTANGINA MO,"
Ako ba sumigaw non?
"TANGINA MO RIN, KANINA KA PA TOMBOY," sabat ni Otep.
"ANONG TOMBOY? BUGBUGIN KITA JAAN, NANANADYA KA, KANINA KA PA AH, ANG SAKIT NG HAWAK MO," sigaw ni Gwen.
"ARAYYYY TANGIIIIIIIAFNAHJA;FMAS;NFJOABUAVADBVA," hindi ko na kasi natitignan iyong galaw ko at galaw ni Xander.
Natumba ako sa sahig dahil nilakasan niya ang pagsipa sa likod ng tuhod ko.
"Self Defense, Knock out," pang-aasar ni Xander.
Tumayo ako at sinipa ko siya kaya tumumba siya. Sobrang napalakas ang sipa ko kasi anlakas ng impact ng pagtumba niya kaya't hinila niya ang paa ko at nadulas ako at natumba uli sa sahig.
"LA UZON, SEBASTIAN, CLIFFORD, MONTEVERDE, DE DIOS AND DERON! PLEASE GO TO MY OFFICE NOW!" sigaw ng prof namin.
Tinignan ko si Gwen at at Otep na nakapulupot pa sa leeg ni Otep ang braso ni Gwen at kaming dalawa ni Xander ay nasa sahig tapos si Reign at Kennedy at umaawat.
"Bwesit," sabi ni Gwen
"It's your f*****g fault tomboy," singhal ni Otep.
Inalalayan ni Kennedy si Xander and ako'y inalalayan ni Reign.
"Bakit ako nadamay huhu," bulong ni Reign.
"Mga warfreak, mukhang mga freaks," sabi ni Xander.
Hindi ko na siya pinansin dahil napapansin ko ang kirot sa hita ko. Feeling ko may sugat ako.
"Okay ka lang Eli? Bakit ka naman kasi nakipagwrestling kay Xander, tignan mo ang dumi mo tuloy," sabi ni Reign habang inaalalayan niya ako papuntang office.
"Siya naman talaga may kasalanan, sumosobra na siya, hindi ko siya napansin dahil ang napapansin ko ay ang bangayan ng dalawa sa harap. Nagtimpi na ako ng ilang beses, hindi pa rin siya nadala siya pinatulan ko na. Sobrang nakakapikon siya," sabi ko.
Tuluyan na kaming nakapasok sa Discipline Minister's Office. Inupo ako ni Reign at nasa left kami tabi-tabi while nasa right naman sila tabi-tabi rin.
"Kasalanan niyo ito e, kababae niyong tao mga warfreak!" singhal ni Xander.
"Yeah, also they are ugly freaks," sabi ni Otep.
"Putragis kayo, baka gusto niyo bombahin ko mukha niyo?" sigaw ko.
"Guys, tama na. Baka madagdagan yo'ng parusa saatin," paalala ni Reign.
"(cough) What a good day to start para humarap sa anim na pasaway sa klase. Oh, Mr. Clifford, andito ka rin pala? Anong balak niyo sa inyong buhay ladies and gentlemen?" sabi ni Head Minister Agustin.
Bigla siyang lumingon saakin at iniwas kaagad.
"Prof. Kasalanan po kasi talaga nilang mga babae iyon lalo na si Elianna," banat ni Xander
Luh? BAKIT AKO??
Sasabat na sana ako nang biglang nagsalita si Prof. Agustin.
"I see, napapansin ko na ang pagkawalang disiplina ng batang ito," sabi niya sabay tingin saakin.
Fuck? Ako? Ang iinit ng dugo niyo saakin ah!
"Hindi--,"
"Shut up Ms. Monteverde and Mr. Clifford. All of you here, dapat makareceive ng disciplinary actions," sabi ni Prof. Agustin habang may sinusulat sa isang scroll sa pula.
"Bakit lahat? Nadamay lang naman kami. Mang-aawat sana kami," sabi nila Reign at Ken.
Nagtinginan sila sandali at bumalik na ang kanilang tingin kay Prof. Agustin.
"Lahat kayo kasama, walang pero-pero. Ang disciplinary action na ipapataw sa inyo ay ang isang week niyong aayusin ang lumang mga silid sa ika-60th floor sa Hadezar Building. Ito tanggapin niyo itong mga red scrolls. Kapag ito'y naging puti, it means tapos na kayo sa inyong disciplinary action," sabi ni Prof. Agustin sabay bigay saamin isa-isa ang mga scrolls. Pag-abot saakin ay tinagalan niya ang pag-abot nito at tinitigan niya ako sa aking mga mata.
Nakakagigil 'tong Prof na ito. Hindi ko naman inaano. Galit na galit saakin. Mayghad.
Wait, baka nababasa niya isipan ko? Shet tatanungin ko mamaya si Gwen.
"When we will start this disciplinary duties,? tanong ni Otep.
"Tomorrow, no late or else, your monitor scrolls will extend your disciplinary action days," paliwanag ni Prof. Sungit este Agustin.
"Blablahblahblah," parang bata na sabi ni Xander.
Isip bata amp.
"Anong consequences kapag hindi ko ginawa iyan?" sigang sabi ni Ken.
"IPAPATAPON KA SA PAARALANG ITO AT HUMANAP KA NG PAARALAN MO," madiin na sabi ni Prof. Agustin.
"Whatever," singhal ni Ken.
"Sige na, maaari na kayong umalis at magpagamot ng sugat o pilay ang mga estudyanteng pasaway na nangangailangan," sabi ni Prof. Agustin.
Lumabas na kami at nauna na ang mga lalaking bugnutin.
Dahan-dahan naman akong inaalalayan ni Reign at bwesit na ekspresyon ang maipipinta mo sa mukha ni Gwen.
Mabuti na lamang at nakarating kami sa Clinic.
"Magandang umaga Nurse Daffodil," bati ni Reign.
DAFFODIL??? OH f**k IYON 'YONG NAKAKATAKOT NA MUKHANG HALIMAW PERO MAGANDA PERO ACCCCCCCCCCCCCCCCCKK. KAYA KO BA SIYA TIGNAN? NANGINGINIG AKO.
PIKIT KO LANG MGA MATA KO HANGGANG SA MATAPOS NIYA ANG PAGGAGAMOT SAAKIN.
KAYA MO IYAN!
"Magandang umaga, anong nangyari sa kanya?" Tanong ni Nurse Daffodil.
Ohhhhhskhh waaaahh. Nanginginig ako na'ng maramdaman kong hinawakan ako ni Nurse Daffodil.
"Nakipagbugbugan po during our Physical Activities kay Clliford, actually pati si Gwen. Kamalas-malasan lang is nadamay ako," paliwanag ni Reign.
"El vieda pid cisto este nambrezo," sabi ni Nurse Daffodil.
Uminit 'yong bandang paa ko tapos feeling ko may konting liwanag ewan ko nakapikit na ako tapos biglang mas uminit ang paa ko.
Accccccccccccccckkkkkk!
Biglang umokay na bigla ang paa ko.
"Dilat na Eli!" sabi ni Reign.
"Ayoko, saka na pag nakalabas na tayo. Okay na ba?" sabi ko.
"Oo okay na, tara na. Thank You po Nurse Daffodil," paalam ni Reign.
"Bakit ka ba natatakot kay Nurse Daffodil? Mukha lang naman siyang normal na tao pag nakatalikod, may balahibong gaya ng wolf, may tengang gaya ng elf at mga matang gaya ng crocodile plus mabalbon na mukha," nagtatakang sabi ni Reign.
Yiiii basta.
"Basta, hindi ko maipaliwanag," sabi ko.
Pagkalabas namin sa clinic ay agad kong tinignan ang aking mga paa at sugat. Ang galing, ang bilis mawala. Ano kaya ang ginawa niya?
Teka, may itatanong pa pala ako kay Gwen tungkol kay Prof. Agustin.
Kaso, nakasimangot at parang ayaw pa rin kumausap ng tao ni Gwen. Sa susunod na lang.
Bumalik na kami sa klase namin.
Ayan na naman ang trio. Panibagong haters ko na papalapit sa akin. Hayy.
"How dare you b***h para ihurt ang Xander ko? You motherfucker! Ang kapal-kapal talaga ng mukha mo no'?" sabi no'ng mukhang balut na leader nitong trio na ito.
Nakatitig lang ako sa kanya at yo'ng titig ko ay hindi basta titig lang kundi nakakintrigang tingin para mas lalo siyang mabother.
"What the f**k? Pipi ka ba? Flirt, bobo at low class," sabi niya uli sabay sabunot saakin.
Pota nito ah? nag-iinit ang mga kamay ko. Wait, hindi ako pwedeng gumanti at baka madagdagan ang kaso ko sa Disciplinary.
Tangina ang sakit na talaga ng anit ko.
Tinulak ko siya ng sobrang lakas kaya't napatumba siya sa mga frenny cakes niyang mga mukhang kangkong.
Nang lumingon siya saakin, tinitigan ko lang siya ng nang-aasar na tingin sabay balik sa aking upuan.
"ACCCCCCCCCCCCCCCCCCCCK!" sigaw 'nong mukhang balut habang nagdadabog.
"Eli?" naaawang sabi sabay tingin sa akin ni Reign.
Nakasmirk at nakataas pa rin ang aking kilay habang nakatingin sa harapan. No'ng lumabas na si Balut girl ay saka ako kumawala sa pagpapanggap na maangas.
"Potangina ang sakit ng anit ko, huhu, sino ba kasi iyong mukhang balut girl na may alagad na mukhang mga kangkong? Bakit ba galit na galit sila sa akin e kasalanan naman iyon ng bebe niyang mukhang paa," singhal ko.
Nagulat si Reign at Gwen sa transition ko bilang matapang at parang nang-aasar into naiiyak sa galit at nasasaktan.
"Ang galing mo Eli magpanggap, mukhang kinain na ng inis si Andrea," sabi ni Gwen.
"Andrea yo'ng leader, si Minnie at Maya yo'ng tinatawag mong kangkong HAHAHAHA," dagdag ni Reign.
"Andrea pala name 'nong gagang galit na galit sa akin. Girlfriend ba iyon ni Xander kaya ganoon ka-galit saakin o kapatid?" pagtatanong ko. Abot langit kasi galit, hindi ko naman inaano.
"None of the above, feeling lang iyon tsaka patay na patay kasi kay Xander iyon kaso balita ko ayaw sa kanya ni Xander," paliwanag ni Reign.
Kaya naman pala, bukod kasi sa mukha siyang balut na expired, kasing baho pa ng expired na balut ang ugali niya. Isama mo pa iyong mga friends niyang nakaguhit ang kilay.
Kaasar. Pumasok ako dito para mag-aral hindi para makipagbardagulan o makipagrole play ng isang w*****d stories duuhhhh.
"Hayaan mo na iyon," sabi ni Gwen.
Buong klase hindi ako nakinig, nababaliw na ako sa sarili ko at sa nangyayari sa paligid ko. Bakit ba kasi lahat galit na galit sa akin? Para akong baliw na nakatitig sa kamay ng clock na may mahika. Mabuti at hindi pumasok si Xander at wala akong kakabwesitan today, bukas at sa mga susunod nga lang.
Parang gusto ko na umuwi. Ayoko na dito.
"Okay class, may nakatulalang bagon student dito. Mukhang nagfofocus para ipamalas ang kanyang abilities, what's her name?" sabi no'ng Prof ko.
Nagulat ako kasi lahat sila nakatingin sa akin.
"Elianna po," sabi nila
Fuck! anong abilities? Wala pa ako 'non. Hindi ko alam. Omayghad.
"Oh, Hi Ms. Elianna, can you go here in front and let us witness what you prepare kasi kanina ka pa nakatulala sa buong klase ko. May I know what's your ability?" tanong ni Prof.
Fuckkkk walaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa. Hindi ko alam. Huhuhu.
"Ahm, sorry Prof. I don't know yet. I'm newbie here," sabi ko.
"What's your surname?" tanong nito.
"Monteverde po," sagot ko.
Nanlaki ang mata niya at biglang tinignan ako mula ulo hanggang paa. Fuckk! Another hater ko na naman ba ito?
"Your parent's didn't train you to discover your abilities?" pagtatanong nito.
Hindi. Wala nga akong alam na kabilang ako sa kalokohan na mundo na ito, basta lang akong sinalang sa isang pugon na nakakabaliw, nagising na amy halimaw na nurse at sasabihan na kakaiba daw ako. Buang.
"No po," sagot ko.
"I see. Anyways, next time, magfocus ka sa klase para mas makahabol ka at matuto ka," paalala nito.
"Okay po, sorry Prof." sabi ko
"Professor Luxia." dugtong nito.
"Okay po, Prof. Luxia," ulit ko.
Gusto ko na umuwi. Gusto ko na mapag-isa.
Ringggggggggggggggggggggggggggggggggggggggggg! Tapos na ang Abilities Enchantment subject. Next subject na.
Hindi ko na kaya. Agad kong niligpit ang gamit ko.
"Hindi pa uwian, saan ka pupunta?" tanong ni Reign.
"Pasabi masama pakiramdam ko. Ikaw na bahala magdahilan. Need ko muna magpahinga sa dorm," sabi ko kay Reign.
"Oh sige," sagot nito.
Pagkatapos ko magligpit mabilis akong lumakad patungong dorm. Nilock ko yo'ng kwarto ko at hinagis ang bag ko sa sahig.
At nag- emotional break down.
Sobrang nahihirapan na ako. Sa totoo lang, hindi naman ganito ang buhay na gusto ko. Yo'ng araw-araw may galit sa existence mo, yo'ng araw-araw lagi kang hindi nakakasabay at wala kang alam.
Napapagod din ako bilang tao. HIndi naman talaga masaya na gigising ka tapos hahanapin mo 'yong reason bakit nandito ka, anong mga need mong gawin para matanggap ka, para makipagsabayan sa iba.
Nasanay ako before na laging mag-isa kapag nag- eemotional breakdown. Nahihirapan din ako. Gusto ko sisihin sila mama at papa dahil kung sana hinayaan nila ako mula bata na matuklasan ang totoo at matutuhan ito, hindi na sana ako mapapahiya, hindi na sana ako ganito mahihirapan. Kung ayaw nila ako sa mundong ito edi sana hindi na nila ako pinapunta pa rito.
Gusto ko magalit.
Nawawalan na ako ng hope.
Need ko ng kape, pampagaan ng loob.
Bibili muna ako sa cafeteria. Ganoon kasi ako, kapag nalulungkot, bumibili ako ng kape or gumagawa kapag may ingridients.
Tumingin ako sa salamin, shet ang pangit ko pala umiyak. Nagpractice ako umiyak sa harap ng salamin.
Ay potaaahh nababaliw na ata ako.
Pinunasan ko ang aking mga luha.
Let's go coffee.
Pababa na ako ng third floor ng makita ko ang isang pamilyar na lalaki na bigla kong nakasabay ngayon sa pagbaba ng hagdan.
"Elianna?"
Shoot! Si Hanz ngaaa.
"Hanz, hello! Wala ka klase?" tanong ko
"Cutting, need some break alone," sabi nito.
"Same," sabi ko sabay buntong hininga.
"You have problem?" pagtatanong niya.
"Wala naman, magkakape lang," sabi ko.
"Tara, I want coffee too. Mas masaya mag kape pag may kasama," sabi niya.
"Tara," sabi ko.
Naglakad kami papuntang cafeteria at bumili ng kape.
"You like Amerikano Coffee?" pagtatanong nito.
"Lahat actually, depende na lang sa mood yo'ng iniinom ko," sabi ko.
"Ah so it means mapait ang araw mo today?"
"Not really," sabi ko
"So ano nga?" sabi niya
Ayoko magkwento. I trust no one. Baka magaya pa ako sa kapatid kong namatay dahil sa pagtitiwala.
"Wala lang, duhhh" sabi ko.
"Okay, anyways I have to go na, see you next time Elianna," sabi ni Hanz.
"Eli.. Eli na lang, anyways see you," sabi ko.
At tuluyan na siyang umalis.
"ELIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIII!"
Gago sino iyon?!!
"ELIIIIIIIIIIIIIII!" sigaw ni Reign.
"f**k, bakit ka ba sumisigaw?" singhal ko.
"Magready ka na bukas, for sure ikamamatay mo," sabi ni Reign.
"Bakittttt?!" naguguluhang tanong ko.
"Nagcutting ka after ng class sa Abilities kanina. Bad news, next subject kasi no'n ay Marauder Chanters. Guess what, si Prof Agustin ang professor non," sabi ni Gwen.
Mabuti at nag cutting ako, baka hindi ko mapigilan emosyon ko at sumabog ako doon. Isa pa naman iyon sa laging galit saakin.
"Tapos?" nakangiting sabi ko.
"Bakit ka nakangitiiiiiii? What the f**k Eli," sabi ni Reign.
"GG si Prof dahil nakita ka niya sa Cafeteria na may kausap na lalaki habang nagtatawanan. Sabi niya, iyon ba ang may sakit?" sabi ni Gwen.
Potang..
"Paano niya ako nakita?"
"Nahagip ka ng kanyang mata dahil nalimutan mo ata na nadadaanan ang cafeteria pag pupunta kang classroom," nakangiting sabi ni Gwen.
"You're dead!" gatong ni Reign.
"POTANGINAAAAAAAAAAAAAAAA AYOKO NA,"
Yumuko na lang ako sa table dahil sa mixed emotions.
Nakakapikon talaga.
Dear Self,
Hindi na ako nakakasulat sa iyo,
Ang daming nangyari sa mundo ko,
Ang daming galit sa beauty ko,
Mas need ko sigurong pagtuunang aralin kung bakit sila nagagalit sa akin
At kung anong atraso ko sa kanila,
Ayoko na manghula,
Nabubuang,
Ako.