Eli's POV
"Good morning! Please wake up. Clean you bed and finish your breakfast and shower in 20 minutes. Thank you,"
Gulat na gulat akong bumangon dahil sa malakas na boses na narinig ko.
Lumabas ako ng room ko at hinanap si Reign at Gwen.
"Fudge, ano iyon??????" iritableng sabi ko.
"Alarm, dahil may parusa tayo kailangan nating gumising ng maaga para masimulan na ang pinapalinis sa atin. Madadagdagan ang parusa natin kapag nalate tayo," sabi ni Reign habang nakapikit pa ang mata at tinatalian ang kanyang buhok.
"Si Gwen?" pagtatanong ko.
"Gigisingin ko pa lang, mayghad ang hirap pa naman gisingin 'non. Eli, paki-check kung may water sa hot pot tapos palagyan na lang no'ng mga cup noodles. Tatlo ata 'yong nasa ibabaw ng kabinet. Wala na kasi tayong time. After mo 'non maligo ka na agad, gigisingin ko lang si Gwen at mag-aasikaso ng rice natin para hindi tayo mahimatay sa pagod," sabi ni Reign.
"Okay,"
Agad akong pumunta sa small kitchen at hinanap ang cup noodles pati hot pot. Maygad, makaluma ang initan nila. Paano ito?
Pumunta ako sa kwarto ni Gwen at nadatnan kong ginigising siya ni Reign.
"Gwen gising! mapapatapon tayo dahil sa bagal mo gumising e," sabi ni Reign habang inuoyog si Gwen
"Talaga Giselle? f**k you!" nagulat ako sa sinabi ni Gwen. May kaaway ata sa panaginip.
"GWEN DENISSE! GAGO GISING NA!" sigaw ni Reign sabay bato ng unan.
"Bakit mo ba ako ginigising? Ikaw ba ang nagpapakain sa akin?" kung anu-anong pinagsasabi ni Gwen.
"TANGINANG YAN GWEN GISING! Habiean Te Elluzer," nagulat ako ng biglang lumutang si Gwen sabay laglag sa sahig.
Nanlaki ang mga mata ko. May lahing mangkukulam or baka dating nageexxorcism itong si Reign.
Nalaglag ko ang dala kong kutsara.
"POTANGINA KA REIGN! WALANG GAMITAN NG SPELLS! HAYOP!" sigaw ni Gwen.
"Oh, Eli nandito ka pala, ano na? Anyways feeling ko gising na si Gwen,"
Nauutal ako.
"Ahm, Re-reign. Ahm paano sindihan ang hot pot? Hindi ko kasi alam," sabi ko.
"Tara, tuturuan kita. Gwen bumangon ka na at maligo kung hindi papalutangin at ihahagis kita sa labas," sabi ni Reign.
"Tangina mo!" sigaw ni Gwen sabay bangon habang nagdadabog.
"Ganito kasi 'yan, wala ka pa palang familiarity sa mga spells noh? Simula bata kasi kami tinuruan na kami, eh hindi ka naman dito lumaki or hindi ka naman sinanay ng parents mo kahit wala ka sa school na ito noong bata ka. Pupunta tayong library mamaya, papaaral ko sayo yo'ng basic spells. Anyways sa pagseset ng fire sa malupet na hot pot na ito, need mo lang ay ienchant ang salitang inn flamore sabay tap ng daliri dalawang beses dito and then charan! Pag papatayin mo yo'ng fire ganito sasabihin mo, de flamore," paliwanag ni Reign.
Ang astig!
"Try mo," dagdag niya
"Ano uli iyon?" tanong ko.
"Inn flamore pagmagpapaapoy and de flamore kapag papatayin," sagot niya.
"Don't forget the two taps," dagdag niya.
Okay.
"Inn flamore," sabi ko sabay tap ng dalawang beses sa pot.
Sobrang lakas ng apoy na naging dahilan para sumabog at masira ang hot pot.
Sobrang takot at gulat akong tumingin kay Reign.
Natakot din siya na tumingin sa akin.
"Mahinahon lang naman ang pagkasabi ko, bakit ganoon?" sinabi ko sabay pulot sa mga nangitim na bahagi ng pot na tumalsik mula sa pagkasunog at pagsabog.
"Aray," mainit pa pala.
Napatingin ako kay Reign na hindi pa rin makapaniwala at tulala.
"Reign?" sabi ko.
"Sorry, nagulat lang ako, baka sadyang time na nito para masira kasi matagal na," pagdadahilan ni Reign.
Kasing hinahon lang naman ng ginawa niya ang ginawa ko.
"Sorry.." sabi ko.
"Okay lang, papalitan na lang natin ng bago, hihingi tayo mamaya sa wares ministry," sabi ni Reign.
"Pota huwag kayo magwala, nagpapasabog pa kayo ng bahay at bagay," sabi ni Gwen ng makatapos siya sa paliligo.
"Sorry," sabi ko.
"Paano tayo kakain? 10 minutes na lang," sabi ni Reign.
"Maligo ka na muna tapos ako susunod tapos tumakbo tayo sa cafeteria mamaya," sabi ko.
"Sige," sagot niya.
After 7 minutes nakatapos na kami at nagtakbuhan na kami sa cafeteria para bumili na'ng pagkain. Mabuti at walang gaanong tao. Walang pila.
Habang naglalakad ay kumain kami. Paubos na ang pagkain namin at nakarating na kami sa grounds ng Hadezar Building.
"Good day girls, napahaba ata ang oras nin'yo at hindi niyo namalayang late na kayo ng isang minuto," madiin na sabi ni Prof. Agustin.
"As always," sabi ni Xander.
Kumunot talaga noo ko. Potek.
Kaya mo 'to Eli.
"Okay, you can now start. I'll close the main and other door," sabi ni Prof. Agustin.
"f**k? Why?" reklamo ni Xander.
"To make sure that everyone is doing their task and no one will escape," sabi ni Prof.
Paalis na sana siya pero lumingon siya muli sa amin.
"I don't know if you can able to use your abilities and majic inside this building, good luck!" sabi ni Prof.
"TAAAAAAAAAAAAAAAA-" hindi na nasabi ni Gwen ang sasabihin niya dahil sa gulat no'ng biglang sinarado na'ng sobrang lakas ang mga pinto na'ng sabay-sabay.
"Okay, simulan na natin. Huwag na tayo mag- antay ng pasko," sambit ni Reign.
Nagsimula na akong maglagay sa box ng mga aklat na nakakalat. Si Reign naman ay humanap na'ng hagdan para patungan dahil hindi niya maabot ang pinakamatataas na shelf para alisin ang mga alikabok.
Si Gwen naman ay nagdadabog na nilliligpit ang mga gamit na nakakalat at inilalagay niya ang mga gamit na madumi at kailangan linisin sa isang malaking kahon.
Si Ken naman ay nag- iinarteng naghuhugas ng mop na gagamitin para sa sahig.
Si Otep naman ay nagsimulang magpulot ng mga papel na nakakalat at hinuhulmang hugis bola sabay bato sa basurahan na medyo malayo ang pagitan sa kanya. Maraming nashoshoot, halatang basketball player siya.
Habang nagliligpit ako ng mga libro ay napalingon ako sa gawi kung nasaan si Xander. Nababaliw na siya, nasa isang sulok siya, nilagyan niya na'ng zonrox ata iyon dahil naamoy ko ang isang timba na may tubig. Nagulat ako na'ng bigla niyang nilubog ang scroll na pula na binigay sa amin.
Bakit niya ginawa iyon?
Wait medyo bobo ako.
"f**k! bakit hindi nabasa o naging puti man lang itong scroll?" iritableng sabi ni Xander.
"Hindi iyan damit, hindi rin gawa sa kulay na maaaring mapaputi ng zonrox or kahit anong muriatic at iba pa ang scroll na iyan Xander. Kung ako sa iyo, tumulong ka na rito," sabi ni Reign.
"Manahimik ka nga diyan bulinggit!" sigaw dahil sa sobrang pagkairita ni Xander.
Ahh, so iniisip niya na kayang paputiin ng kung ano like zonrox or any acid itong scroll na binigay sa amin. Sabi kasi ni Prof. Sungit, kapag naging puti itong scroll it means tapos na ang disciplinary kineme mo. Napakatalino naman pala ni Xander sa science kaso hindi niya maiisahan si Prof. Sungit.
Nabobored na talaga ako. Maya-maya may librong umagaw ng attention ko. Hyaa Myth in Aether World.
Wow, Hyaa Myth. Parang name ko, Hyacinth. Charot.
Pagkabuklat ko ng libro ay bigla kong nahulog ito dahil sa gulat. SI Gwen kasi bigla- biglang nagsisigaw at nagmumura.
"BAKIT KA SUMISIGAW?" madiin na tanong ni Ken.
"PUTANGINANG KAIBIGAN NIYO NAMBABATO NG PAPEL. NAKAKA-ILAN NA SIYA!" galit na galit na sabi ni Gwen.
Napakamagagalitin pala ni Gwen. Kung sino to'ng tahimik siya pa mas nakakatakot magalit. Itong si Otep na english ng english walang ginawa kung hindi pagtripan at bwesitin 'tong si Gwen. Lagi na silang nagbabangayan.
"WHAT THE f**k!?" gulat na sabi ni Reign.
Nanlaki naman ang mata ko na'ng makitang binato talaga ulit ni Otep sa mukha habang nagsasalita si Gwen. Nananadya talaga siya.
Sa sobrang galit ni Gwen ay tinadyakan niya palayo ang hagdan e nandoon si Reign. Nahulog si Reign.
Tatakbo sana ako pero nauna na si Ken na saluhin siya samantalang si Gwen walang pakialam at dire-diretsong kinuwelyuhan si Otep.
"Ano?" paghahamon ni Otep habang nagtititigan sila.
"Gago ka!" sambit ni Gwen.
"Guys tama na iyan please lang," sabi ni Ken matapos niya binaba si Reign na buhat niya.
"Please lang, tigilan niyo na iyan Gwen, Otep! Sigaw ni Reign." sigaw ni Reign.
Nakatingin lang ako sa kanila. Biglang bumitaw sa pagkukwelyo si Gwen at bumalik sa kanyang ginawa Inayos lang ni Otep ang kanyang damit at cool na umupo uli at bumalik sa kanyang ginagawa.
Bumalik na rin ako sa ginagawa ko at no'ng pupulutin ko na ang librong nalaglag ko ay may nakita akong sulat kamay sa likod ng libro.
'Hyacinth, this is for you,
Sincerly yours,
Lost Allied'
Hyacinth din pala name na'ng may-ari ng libro na ito.
Lalo akong nacurious.
Kinuha ko ang libro at inilagay sa isang box na katamtaman ang laki sabay tago sa likod ng isang cabinet.
Bumalik na ako sa pag-aayos ng aklat, nilingon ko uli si Xander at kasalukuyan niyang inaaral ang scroll na hawak namin. Ang tanga talaga ng lalaking ito, imbes na tumulong nagpakascientist pa siya para matuklasan paano mapapacolor white ang scroll na may mahika. Nababaliw na ata ito.
"Napapagod na ako---"
Nagulat kaming lahat na'ng may naamoy kaming sunog mula sa kabilang silid.
"f**k, sunog?" tanong ni Otep.
Nagtakbuhan kami papuntang silid kung saan nanggagaling ang amoy sunog at itim na usok.
"XANDER ANONG GINAGAWA MO?!" sabay - sabay naming sabi sabay tinginan sa isa't- isa.
Awkward, sabay-sabay kaming nagsalita AHHAHAHAHA.
"Sinunog ko yo'ng scroll ko tapos ayun, biglang sumabog, nakakagulat nga e. Papel lang ito pero ganoon kalakas sumabog. Astig" sabi niya habang nakangiti.
Nababaliw na ba siya?
"Bakit ang daming papel na nasusunog?" pagtatanong ni Reign.
"Ginawa kong pang-siga ang mga pahina ng mga libro dito, ang tagal kasi umapoy nitong scroll na ito. Mukha naman siyang papel, kapag hinawakan mo, parang papel," paliwanag ni Xander.
"Potangina, Xander nasa katinuan ka pa ba?" tanong ni Gwen.
"I don't think so. Maybe he's insane," sabi ni Otep.
Napalingon ako sa dalawa na first time nagkasundo. Nagkunutan lang sila ng noo sabay balik ang tingin kay Xander.
"Basta wala kaming kasalanan diyan, bahala ka diyan kung maeextend and days ng paglilinis at pananatili mo dito, tara na," sabi ni Ken.
"Tara na," pag-aaya ni Reign para bumalik.
Tinignan ko muna si Xander bago tumalikod kaso nakatingin pala siya sa akin, sabay belat.
Sira ulo ba ito? Binelatan ko din siya sabay taray.
Bumalik na kami sa aming mga ginagawa. Matatapos na rin kami.
FUDGE! natapos rin!
Lahat kami ay nag-inat inat at umupo sa mga nakaayos na mahabang upuan sa dulo ng silid na aming nilinisan.
"Makakapagpahinga at makakakain na rin tayo, huhu," sabi ni Reign.
"Teokbokki tsaka ramen ang gusto ko kainin," suggestion ni Gwen.
"Marunong ka gumawa no'n Reign?" pagtatanong ko.
"Madali lang lutuin iyon, sa may cafeteria may binibentang instant doon," sagot ni Reign.
Ahhh. Mabuti at madali lang maluluto. Gutom na gutom na kasi ako.
"Aalis na kami," paalam ko sa kanila.
Tumayo na kami at lumabas ng silid.
Wala na kaming pakialam kung kailan sila lalayas doon o doon na sila maninirahan.
Mabilis kaming naglakad at nakarating kami kaagad sa cafeteria. Bumili kami ng isang balot ng cheese teokbokki, isang balot ng uncooked fish cake, dalawang instant ramen noodles and soju.
Nang makarating kami sa dorm ay agad muna kaming naghugas ng kamay at nagluto.
"Mayroon na tayong bagong hot pot?" tanong ko.
"Ah, oo. Tinawag ko na sa wares department kanina iyan tapos pinadala na dito kaninang tanghali,"sabi ni Reign habang binubuksan niya ang noodles gamit ang kanyang ngipin. Napakabagra talagang babae.
"Kaya huwag mo muna gagamitin at baka buong dorm na ang masunog mo Eli," sabi ni Gwen habang nahahanda para lutuin ang fish cake.
Kasalukuyan akong nagbabati ng itlog dahil mas masarap ang ramen kapag may itlog.
"Inn Flamore," sambit ni Gwen.
"Gumana sayo, kasing hinay lang ng boses mo ang ginawa ko kanina, bakit kaya sumabog iyon?" pagtatanong ko matapos makitang same lang kami ng bigkas at ginawa ni Gwen pero hindi sa kan'ya sumabog ang hot pot.
"Baka galit ka, naiinis or what tapos iyong emotions mo napunta doon sa spell na ginawa mo kahit na mahinahon lang iyon?"haka- haka ni Gwen.
Siguro nga, galit na galit ata ako no'ng umaga kay Xander kaya nadali ko itong hot pot at sumabog.
"Ay Gwen, hindi ba nakakabasa ka na'ng mga sinasabi ng tao sa kanilang mind?" pagtatanong ko.
"Minsan pero hindi lahat kasi may mga tao dito sa Aethertheos na may kakayahang isara ang pinto ng kanilang isipan kaya hindi ko mabasa," sabi ni Gwen.
"So nababasa mo lagi iniisip ko?" tanong ko ulit.
"Dati oo, ngayon hindi na. Nagulat nga ako na marunong ka mag-sara ng mind. Matinding focus, aral and spells ang need para totally masara iyon," paliwanag ni Gwen.
"Ha? Eh hindi ko nga alam paano mag-sara ng mind, paanong hindi mo nababasa?"pagtatanong ko uli.
"Ewan ko, baka automatic na nagsasara ang sa iyo? HAHAHAHHA tara na wala na akong sa mood magsagot kumain muna tayo. Jusko nakakapagod ang ginawa natin ngayong araw at may bukas pa plus may pasok at homeworks pa, napapagod na nga ako e," pagdadrama ni Gwen.
"Ang dami mong sinabi jusme, tara na nga next time na lang kita tatanungin,"sabi ko.
"Gago hindi pa luto ang ramen at teokbokki mga hibang na ata kayo," sabi ni Reign.
Mayghad!
After 10 minutes naluto na rin at makakakain na rin kami shocks.
(knock knock)
"What the fuccckk, magpapahinga at kakain pa lang eh," iritableng sabi ni Reign.
"Eli, pasuyo ng pinto. Salamat," pakisuyo sa akin ni Gwen.
Dali-dali akong tumayo at binuksan ang pinto. Nagulat ako dahil wala naman tao sa buong hallway Nakakita lang ako ng isang sobra na kulay puti at may stamp na ibon na kulay itim.
Binuksan ko ito at binasa ang nakasulat sa loob nito,
Time has come Mv.
Iyon lang ang nakasulat. Gago, nagpopromote lang pala ito ng Music Video na time has come tapos ieenvelope pa. Ganito ba kahirap at kacheap mga tao dito? May phone naman, hindi nga lang smart phones or Iphones.
Pumasok na ako sa loob. Hawak ko pa rin ang sobre at nagpipigil ako sa pagtawa.
"Bakit ka natatawa? Sino iyong nasa labas?" pagtatanong ni Reign habang may subong fish cake sa bibig.
"Walang tao, nakita ko lang ang sobreng ito at nagpopromote ng MV o Music Video . AHAHAHAHAH," tawang-tawa na sabi ko.
"Patingi---" binato ni Gwen ang sobre ng makita niya ang tatak nito.
"Bakit?" agad na tinignan ni Reign ang sobre at ganoon din ang reaction niya.
Agad silang pumunta sa pinto at mga bintana para ilock ito.
"Nalimutan ko, nasaan na nga ba," sabi ni Reign habang naghahagilap ng gamit sa bag.
"f**k, ano ba nangyayari?" pagtatanong ko.
"Ayun, ito na, ito Gw-"
"ANONG NANGYAYARI!?" sigaw ko dahil sa sobrang inis at taranta.
"MANAHIMIK KA MUNA!"
"MANAHIMIK KA MUNA!" sabay nilang sabi.
Nagulat at umupo na lang ako sa isang sulok habang sila'y may hinahanap sa libro.
"Ito, ito banggitin natin,"
"Aether Marauder Eisago Protektus El Habien,"
"Aether Marauder Eisago Protektus El Habien,"
sinasabi nila iyon habang nakahawak sa isa't-isa.
Fuck anong nangyayari?
Nagkaroon ng dilaw na ilaw sa tapat ng pinto at ito'y gumuhit sa buong hallway.
Maya- maya ay nagsidatingan ang mga head ministers at professors.
"Anong nangyari?" tanong ni Head Minister Valderama.
Ibinigay ni Gwen ang sobre.
Nanlaki ang kanilang mga mata.
"Nakilala niyo ba o namukhaan kung sino ang nagpadala?" pagtatanong ni Head Minister Valderama.
"Si Eli po ang kumuha sa labas at ang sabi niya wala pong tao siyang nadatnan sa labas ng makita niya ito," paliwanag ni Reign.
Sinabi ko ba iyon?
"Opo," sabi ko na lang.
"Mag-iingat. Panatilihing nakasara ang mga pinto at bintana. Kahit anong mangyari. Huwag na kayong mag-alala, kami na bahala dito," sabi ni Head Minister Valderama sabay umalis na rin sila.
Andito pa rin ako sa isang sulok, nananahimik uli.
"Eli, anong nangyari sa iyo? Bakit nandiyan ka sa sulok?" tanong ni Gwen matapos niyang isara ang pinto.
Hindi ako nagsalita at nanatili akong nakatingin sa kanila.
"Eli?" ulit nito.
"Gago si Eli sinapian," sabi ni Reign.
"Tangina, anong pakiramdam na hindi sagutin ang bawat tanong? Tinatanong ko kayo kanina kung anong nangyayari, hindi kayo sumasagot tapos sinigawan niyo ako para manahimik ako. Ngayon na nananahimik na ako saka niyo ko tinatanong," iritang sabi ko.
"Sorry na! Natakot at napraning lang kami kanina," sabi ni Gwen.
"Gumawa kami ng pinagsamang soul abilities namin para makarating agad sa Head Minister ang nangyari at naglagay na rin kami ng panandaliang shield para wala uling papasok na hindi taga Aether," paliwanag ni Reign.
HA?
"Bakit? anong meron?" tanong ko.
"Yo'ng sobre kasi na iniwan sa tapat ng pinto, yo'ng seal no'n ay mula sa mga Mephistopheles," paliwanag ni Gwen.
"So?" tanong ko.
"Putangina ang bobo mo talaga, anong pakiramdam na bibigyan ka ng isang sulat sa tapat ng bahay niyo, sa mismong pinto ng isang mamamatay taong grupo? Hindi ba matatakot at mababaliw ka? Mabuti at handa kami para sa mga ganoon," sabi ni Reign.
"Hindi pa naman ako pinadadalhan ng sulat ng mga kaaway ko sa amin," sabi ko.
"EWAN KO SAYO ELIANNA BOBO KA TALAGA!" sambit ni Gwen.
"Biro lang," dagdag ko.
"Ibig sabihin, may nakapasok na Mephistopheles sa loob ng Aethertheos?" sambit ni Reign.
"Nakakatakot ito, ayoko na maulit ang nangyaring p*****n noon na wala man lang ni isa sa mga Aether ang handa," sabi ni Gwen.
"Nabasa ko yo'ng nasa sulat," biglang sabi ko.
"Yo'ng sinasabi mong Music Video? Ano ba exactly ang nakasulat?" usisa ni Gwen.
"Time has come MV" sabi ko.
"MV?"
"Sinong MV sa Aether?" tanong ni Gwen.
"Dapat siguro nating ikabahala kung bakit tayo ang binigyan ng sulat na iyon. Bukas tanungin natin ang Head Minister kung tayo lang ba ang nakatanggap ng sulat," suggestion ko.
Tumingin sila sa akin.
"Nakapag-isip ka din ng tama pota ka!" sabi ni Gwen.
"Tabi-tabi muna tayo matulog for this night. Doon tayo sa kama ni Reign kasi malaki-laki iyon. For safety lang," suggestion ni Gwen.
"Tapusin at ligpitin muna natin ang mga pinagkainan natin," sabi ko.
Tinapos lang namin ang aming pagkain ng tahimik. Niligpit ang mga dapat iligpit at tabi-tabi kaming natulog ngayong gabi.
Natatakot ako.
Dear Self,
Need mo na atang mas alamin ang pagkatao mo.
Baka mamaya hindi ka na magising.
Nakakatakot pag hindi ka sigurado sa pagkatao at sa mga tao sa paligid mo na pwede kang patayin o sirain.
Sana malagpasan ko ito.
Nangangamba,
Ako.