CHAPTER 10

5000 Words
Writter's POV Naglalakad papuntang dorm sila Xander, Ken at Otep. Katatapos lang nila kumain ng dinner sa cafeteria .  Biglang nakaisip ng malupit na idea si Xander.  "Iprank natin sila bukas. Kailangan maaga tayo makapunta sa Hadezar Building bukas," suggestion ni Xander.  "Yown! Gusto ko iyan. Anong prank ba gusto niyo?" pagtatanong ni Ken. "I want them to cry like a baby, it's kinda boring to clean the building unless we make some troubles," suggestion ni Otep.  "Pero dapat sa prank natin, hindi malalaman sa head minister para hindi tayo maparusahan," sabi ni Ken.  "Mahirap iyan, sumbungera pa naman silang lahat," sabi ni Xander. "They won't tell it to the head minister," paniniguro ni Otep. "Paano mo nasisiguro na hindi sila magsusumbong?" pagtatanong ni Ken. "They have strong personality and they are much proud of themselves, they won't let their ego dump and call them crying babies," sabi ni Otep.  "Ang galing mo pa rin kumilala ng tao. Wala pa ring kupas ang galing mo," bilib na sabi ni Ken. "Anyways, I would like to use spells," dugtong ni Otep. "Bawal daw hindi ba?" pagtatanong ni Xander. "Its prohibited to use spells and abilities in cleaning but not in pranking," sabi ni Otep. "Hayop, napakatalino mo talaga lodi," sabi ni Xander sabay apir.  "Okay, planuhin natin iyan mamaya sa cafeteria after ng klase," suggest ni Ken. "G," "Gee" Papasok na sana sa loob ng dorm sila na'ng biglang napatigil si Xander.  "Bakit?" tanong ni Ken. "Wala naman, sige na mauna na kayo may pupuntahan lang ako," mahinahon na sabi ni Xander. "Magdyadyakol na naman 'yan sa tabi-tabi," pang-aasar ni Ken. "Gago ka! Hindi, may nalimutan lang ako sa Hadezar Building," sabi ni Xander. "Oh bye, I'm going to sleep. I'm so tired," paalam ni Otep. "Gege babye Xander bahala ka na diyan," sabi ni Ken sabay sara ng pinto. Naglakad pabalik sa Hadezar Building si Xander. Bago pa man siya makapasok ay nakita na niya ang hinahanap niya na panyo. "Ay potek, nandito lang pala ito, ayoko pa naman mawala ito bigay saakin ito ng mama ko," sabi ni Xander sa sarili.  Bumalik na siya sa dorm niya at nagpahinga.  ------------------------------------------------------------------------------------------------------- "Napadala na po sa kanya ang babala," sabi ng isang lalaking nakasuot ng itim at pulang balabal. "Mabuti, nararapat na matakot siya at ang buong Aether na natitira dahil mapapatay din natin silang lahat at tayo na ang maghahari sa buong Querencia, HAHA HAHA HAHA," halaklak ng isang lalaking nakatalikod sa trono at nakasuot na itim na balabal.  --------------------------------------------------------------------------------------------------------- Eli's POV Late na kaming nagising ngayon dahil sa puyat at pagod mula kahapon. Mabuti at may mga natira pang pagkain kagabi na hindi napanis kaya iyon ang kinakain namin habang papunta sa room. Nagsimula na kaming magklase sa Abilities and Enchantment Subject. May itinuro na spell si Prof. Luxia. "This is a spell that you need to practice for basic survival. If you saw any dark matters or even dark souls or Mephistopheles, you can enchant this spell to summon light, they are afraid in light but not the superior Mephistopheles. Let's just start from the basics. All you need to do is to lift your palm and summon the phrase, Aether habien laite, Aether habien laite," pagkasabi ni Prof Luxia no'n ay biglang nagkaroon ng bolang liwanag sa kanyang mga palad ay tinapat niya iyon sa itaas kaya't naging patag at animo'y shield ito. "You can now try it," sabi ni Prof Luxia.  Tinignan ko muna si Gwen. "Ather Habien Laite, eyyy!" sabi niya matapos niyang makagawa ng bolang liwanag kagaya ng ginawa ni Prof. Luxia at itinapat niya ito sa harapan at naging patag na animo'y shield ito.  "Very good La Uzon," puri ni Prof. Luxia kay Gwen. Angas, parang ang basic lang para sa kanya.  Tumingin naman ako kay Reign.  "Ehem, ehem, Ather Habien Laite, Ather Habien Laite!" gagong sigaw ni Reign.  Nakabuo siya ng mas malaking bolang liwanag sa kanyang palad compare kay Gwen. Itinapat niya ito sa harapan niya at naging patag na animo'y shield ito.  "Very good, Andrea, Very good Reign, Very good Sebastian, Very good Kennedy," pagpupuri ni Ma'am.  Tumingin si Prof Luxia sa akin. Palatandaan na dapat ko ring gawin iyon.  Kaya mo ito Eli, go Eli..  Nangingig kong ibinuklat ang aking palad. Huminga ako na'ng malalim. "Ather Habien Laite," sabi ko pero walang lumabas na liwanag or anything.  Fuck.  "Hindi talaga siya totong Aether kaya ganyan," pang-aasar ni Kupal na Andrea. "Mapagpanggap na Erean nakikisiksik sa mundo natin HAHHAHA," pang-aasar din no'ng kupal ni Minnie na mukhang daga. "Ano Monteverde? Kaya mo pa?" sarkastikong sabi ni Prof. Luxia.  "Opo, itatry ko po uli," Huminga ako na'ng mas malalim at kinalma ang aking sarili.  "Ather Habien Laite"  Shit. Wala pa ring nangyayari.  "HAHAHAHAHHAHA" grabe na halhakan ng mga kaklase ko.  "Patalsikin na sa paaralan na ito ang mga nagpapanggap," bulyaw ni Xander. "Mapagpanggap siguro ta-" hindi na naituloy ng Prof ko ang sasabihin niya dahil tinry ko uli ang spell dahil sa sobrang gigil at inis dahil pinapahiya nila ako ay nabanggit ko ito ng madiin.  "AETHER HABIEN LAITE!"  Nagulat ako dahil biglang nag-init ng konti ang aking palad napapikit ako sa tindi ng liwanag sa aking mga palad. Nang maimulat ko uli ang aking mga mata ay nakita ko na kulay dilaw ang ilaw ko at mas malaking bola ito kompara sa iba. Dahil sa takot ay tiniklop ko ang aking mga palad kaya ito'y nawala.  Nagulat silang lahat pati  na si Prof. Luxia.  "Hindi maaari," sabi ni Prof. Luxia.  Ipinagpatuloy na lang ni Prof. Luxia ang pagtuturo at iniiwasan niya akong tignan. Nababaliw na ba siya?  Matapos ang klase namin kay Prof. Luxia ay binati ako na'ng mga gunggong kong kaibigan. "Nakakaelib ang ginawa mo, paano iyon Eli?" pagtatanong ni Reign.  "Syempre dahil sa pandaraya, gusto niya kasi  siya ang bida. Tinatago niya ang tunay niyang maitim na kulay. Isang sumpa ang ginawa niya. Natakot nga pati Prof natin. Dapat lang na paalisin siya dito," sabi no'ng kupal na Andrea. "And for sure, konting araw na lang meron siya dito dahil nagsumbong na si Prof Luxia sa head. Enjoyin mo na at sulitin mga araw mo sa Aether, Eli," dagdag no'ng epal na mukhang daga na si Minnie.  "Magpapadespidida kami for you," dagdag no'ng Maya na mukhang talaba. "Thank you na lang," sabi ko.  Umalis na rin yo'ng tatlo.  Letche. Writter's POV Dali-daling pumunta si Prof Luxia sa Head Ministers Office para makausap si Prof. Valderama. "Good morning Prof, I have some corcerns to ask you," pagtatanong nito. "Okay, sit down first and tell me what's your concerns?" pagtatanong ni Prof Valderama.  "Are you familiar with the new student here named Elianna Monteverde?" pagtatanong nito kay Prof Valderama. "Ah, the one who enters this world using old method? the pugon? I know her, why?" sagot ni Prof Valderama.  "Iyan lang po ba alam niyo about her? I just want to know who she is, kanina while we are having a spells, she summon the same spells but her light are much powerful and yellow entity of light ang nabuo niya. It's very unique and last time I saw that kind of light before pa sa ibang generations but patay na lahat ng dating matatandang henerasyon," paliwanag ni Prof. Luxia.  "Hindi ko pa masyado siyang kilala, pero ang akin lang, sana mas linangin at tulungan mo siya mapalakas ang sarili at ang abilities niya Luxia, pinagkakatiwalaan kita," sabi ni Prof. Valderama. "Masusunod po Prof. Valderama," pagkasabi ni Prof. Luxia nito ay lumabas na siya ng head minister's office.  "Mananatiling lihim ang lahat hanggang sa itinakdang oras, hindi na kita bibiguin kaibigan," sabi ni Prof. Valderama sa isang ibon habang hinihimas niya ito.  Eli's POV Takteng iyan, ito na ang subject ng Prof. kong mainit ang dugo sa akin at ginatungan ko pa dahil sa dami ng subject, sa subject pa niya naisipan kong magcutting. Kung alam ko lang. Taena nahihiya ako tumingin sa harapan.  "Good morning everyone!" bati ni Prof. Agustin. Feeling ko tinitignan niya ako.  "Oh, kamusta na ang pagcucutting upang makipagharutan sa cafeteria Ms. Monteverde?" tanong ni Prof. Agustin.  Tumingin at yumuko lang ako. Ayoko na magsalita pa.  "Next time, kung wala kayong maidudulot sa paaralang ito, mas maiging magligpit na kayo at umalis. Napakaraming Aether ang nag-aaral ng matino tapos iimpluwensyahan mo lang. Halatang hindi ka pinalaki ng tama ng tatay o nanay mo," sabi ni Prof. Agustin.  "HHAHAHAHAH," tawanan ng iba kong mga kaklase.  "Nasisira talaga ang araw ko kapag may estudyante akong ganyan. Halina't mag-umpisa sa klase, mukhang napipi na si Monteverde," sabi ni Prof. Agustin.  Hindi ko na siya pinakikinggan. Buong klase niya ay nakatingin lang ako sa blackboard at hindi sa kanya. Ayoko muna siyang sumpain o murahin dahil baka nababasa niya o naririnig niya utak ko.  "Talaga bang makapal at nanunuot iyang mukha mo Monteverde at ipapamukha mong wala kang interes sa subject ko?" pagtatanong ni Prof. Agustin. Hala?  Tumayo ako na'ng dahan-dahan at nanginginig ang aking paa. "Prof? nakikinig po ak-," hindi ko naituloy ang sasabihin ko dahil sa bigla niyang pagsabat. "Ang sabihin mo, ayaw mo lang talaga makinig dahil gusto mong makipagharutan sa labas. Wala talagang itinurong mabuting gawi ang tatay mo sa iyo. Wala na ngang utang na loob, wala pang silbi. Nagpapunta pa ng malas na anak sa paaralang ito," sabi ni Prof. Agustin. Naiiyak na ako. Wala naman akong ginawang matinding atraso sa kanya maliban sa pagcutting ko e hindi ko naman alam na siya 'yong sunod na prof. that time. Kung alam ko lang, hindi na ako magcucutting. Tsaka kung iyon ang dahilan para pagsalitaan niya ako at ang papa ko o kung paano ako palakihin ng papa ko, aba mababaw na rason iyon. "Pasensya na po," sabi ko na lang sabay upo.  Nagtama lang ang mata namin nila Reign at Gwen. Nababasa ko sa mga mata nila na gusto nila ako lapitan pero tinignan at sinenyasan ko lang sila na okay lang ako.  Matapos ang klase ay dumiretso ako sa library at hinanap ang mga aklat na kakailanganin ko para mas matutunan yo'ng mga spells.  Kumuha ako ng cart na gawa sa makinang na ginto. Astig!  Kailangan ko pumunta sa librarian, ibibigay ang identification card ko para makahiram ng aklat.  "Good--Waaahh!" sigaw ko na'ng makita ang isang maliit na  kulay green na tao na may iisang mata sa gitna ng mukha tapos 'yong mga daliri niya mahahaba at lagpas at sa sampu. Potek na mundo ito? Nakakabaliw. Totoo talagang may ganito. "Magandang umaga, hindi mo kailangan sumigaw kung nagugulat ka sa aking itsura. Paki-lagay sa kanan ang iyong identification card, sa kaliwa'y makikita ang isang papel na kailangan mong lagyan ng mga ngalan ng mga aklat na kukunin mo. Pagkakuha ay siguraduhing hindi ito sisirain," sabi 'nong librarian. Nanginginig ako habang tinititigan ko ang librarian.  "Ah--sa-salamat," sabi ko. Kinuha ko yo'ng bag ko at hinanap ang ballpen at dire-diretso na akong pumasok sa library.  Angas. Lumilipad yo'ng mga aklat. Ano kayang pinagkaiba ng aklatan dito sa shop na binilhan namin noon nila Gwen at Reign?  Basic Spells. Ayun! Binuklat ko muna ang libro at nagbasa ng iilang bahagi nito.  "Demos Estratos, to make things float but not human," Ahhh. bawal pala palutangin tao dito. HAHAHHAH. "Florobien Haxe, to make something appear transparent," astig naman pala. Kaso paano ba ito. Habang tinititigan ko ang palad ko ay biglang nahagip na'ng tingin ko ang aklat na nasa gawing kanan ko.  "How to know your identity and ability as Aether," ito ata ang need ko.  Binuklat ko ang aklat sa unang pahina.  "To know your identity, know your family first. You can go to the restriction area of the library if you can't find your surnames here,"  Nagsimula na akong hanapin ang apelyido namin.  Estacio Cruz Santillan Habeas Marao De Dios De Dios? hindi ba apelyido iyon ni Reign?  De Dios- famous and wealthy family of Aether. They serve the Aether and the old tribes for 60 years. They are known to be the most beautiful Amber eyes. Their abilities are called as Preatigies  or the hydro summoners. WOWWWWWWWWWW! Kaya pala ang ganda na'ng mga mata ni Reign. Sila pala pinakamagandang lahi in terms of eyes dito sa Aether. Astig.  Preatigies or Hydro Summoners strength is Water. Their weakness are the Dark Orataculus Earth Entities. These are the soil, earth powers that is mixed with dark energies and aura's.  Angas! Nasaan kaya yo'ng kay Gwen.  La Uzon apelyido no'n e. La Trinidad La Veniem La Uzon! Ayoon. La Uzon- the ninja's and the main bearer of the Aether. They are known to be the best families in terms of Physical Fighting like Fluxes.  "Siguro ito yo'ng katulad ng martial arts sa Erean world." They serve the Aether's 1st generation up to the present generation. Fred Vendil La Uzon is known to be the most skillful Ninja Fluxes in the whole Querencia. La Uzon are the Leautralies or the Eather Summoners. Leautralies or the Eather Summoners strength is soil, Erean entities, loam etc. Their weakness is fire. Wow, angas naman pala na'ng tatay ata ito ni Gwen. Tatanungin ko siya mamaya. Angas nila lahat. Shet, bakit walang Monteverde?  Top Contributors. Deron- they are the main contibutors in building the Aethertheos Sophos Academy. Lester Johnson Deron is the main Venedectt of the outline of this campus.  Baka architect. So ibig sabihin, kabisado nito ang buong pasikot-sikot sa paaralan na ito. Angas.  Sebastian- the guideliner of the rules and regulations of the school. Blah blah blah.  Sebastian, Deron and Clifford are the Glomestiest or the Torchoral Fire Summoners. Mga fire summoners pala sila ang angas!  Their strength, fire. Their weaknesses, hydrothunderal except Clifford family.  Angas naman no'ng Clifford, walang weakness. Sino-sino ba sila?  Searching.... Aethertheos Sophos Academy Students Portal. Deron Kiel Joseph Der---  Si gagong englishero ito ah?  typing.... Sebastian Kennedy Luke Sebastian What the f**k?  Don't tell me, yo'ng Clifford is yo'ng Xander bugok na iyon?  Clifford Alexander Kyver Clifford Ah putangina. Kaya pala ang lakas ng mga loob nila. Akala nila sobrang makapangyarihan sila. Gago. Mahanap ko lang apelyido ko.  What if kami pala yo'ng nawawalang tagapagmana? Tapos sobrang yaman pala namin, kami pala may- ari ng school edi mapapalayas ko itong mga ito?  Letche. Anong pagdiday dream iyan Eli?  Nasosobrahan na ata ako sa mga story books.  Nasaan na ba kasi iyong apelyido namin? Luminga- linga ako sa paligid para mahanap kung nasaan banda ang restriction side na'ng library.  Ayooooooon! Naglakad na ako papunta doon, nagulat akong nakatali ito pero iyong tali ay nakalutang. Gets niyo ba ako?  May mahika ito for sure.  Hahawakan ko na sana ang tali na'ng biglang nagsalita ang isang babae sa likod ko.  "Magandang umaga binibini, mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok o pagkuha na'ng kahit anong aklat sa loob na'ng restriction side na'ng paaralan. Matuto sanang sumunod, maraming salamat," sabi na'ng isang tagapangalaga dito na kanina pa nag-iikot.  Yumuko na lang ako at umalis na. Niligpiit ko ang mga aklat na hawak ko at tinitigan sandali ang pinto na'ng restriction side na'ng aklatan saka umalis na.  Siguro, hindi talaga ako o ang pamilya ko kabilang sa mundong ito? Siguro narinig lang na'ng nanay ko ang chismisan sa may gubat tapos ayun pinatry niya sa akin. Tumalab naman kaya ako napunta dito?  Paano kung mapahiya ako kapag nalaman ko na hindi talaga ako taga-dito? Pero mali Eli, kilala ni Prof. Valderama ang magulang ko at ang namayapa kong kapatid so it means taga-dito kami. Tama ba itong iniisip ko?  Napag-isipan kong pumunta muna sa isang room na walang katao-tao dito sa Hadezar Building. Nilock ko ang room para walang umistorbo sa akin. Mula sa labas, hindi naman nakikita ang loob nito kaya okay na.  Nilapag ko ang gamit ko at kinuha ang book of spells.  Umupo ako sa sahig, sa pinakagitna at nagsimulang magmeditate muna para makapagfocus at relax ako.  "Elianna, kaya mo iyan." sabi ko. Pumikit ako. Huminga na'ng malalim.  Minulat ko uli ang aking mga mata.  Tinignan ko ang aklat na nasa medyo kalayuan ko at iniisip ang spell upang mapalutang ko ito. Demos Estratos Inilahad ko ang aking palad at itinapat sa aklat na nasa 'di kalayuan.  "Demos Estratos," Walang nangyari. Isa pa. "Demos Estratos," Shit! Medyo umangat-angat ang aklat pero bumagsak din ito kaagad. Isa pa.  "Demos Estratos," Putangina. Nabubwesit na ako. "Demos Estratos," gigil na sabi ko. "Demos Estratos!" pagkasabi ko niyan ay biglang umangat ang aklat at ang lahat na'ng mga bagay sa paligid ko. Napapikit ako sa sobrang gulat at takot. Gago anong nangyayari? Anong ginawa ko?  Sobrahan ba ako?  Isa pa. Marami akong inaral na mga spells at mabuti'y nagawa ko naman ito na'ng maayos. Nakakaloka nga lang ang itsura na'ng room dahil sobrang kalat na nito, marumi at amoy sunog pa. Ang hirap naman, kung sa bahay namin ito dati ko ginawa baka nasunog na o pinalayas na ako sa bahay ni Papa.   Humiga muna ako sa sahig dahil sa pagod. Feeling ko dahil sa self-training na ginagawa ko nadrain ako at ang lakas ko.  Pumikit ako saglit. "Magpahinga ka lang hangga't gusto mo dahil nalalapit ka na mapaslang Elianna," sabi no'ng bumulong sa paligid ko. Agad akong napatayo at inihanda ang aking palad. Putcha, anong spells ba gagamitin ko. "Hoy, kung sino ka man, lumabas ka. Hin-hindi ako tama, hindi ako takot," nanginginig na sabi ko. Walang nagsalita, nanatiling nakasara ang pinto sa silid. "Kalma, baka pagod lang ito. Magsimula na nga akong maglinis para maka-alis na ako rito,"  Naglinis na ako na'ng silid at inabot ako na'ng tatlong oras sa paglilinis. Pagod na pagod na akong lumabas sa silid. Pagsarado ko na'ng pinto ay naisipan ko na pumunta sa dorm at magpahinga muna bago kumain.  Naglalakad ako na'ng payapa na'ng biglang. "PUTANGINA, GAGOOOO!" Sigaw ko.  May nagbuhos sa akin na'ng pinturang puti mula sa itaas. Fuck nakakahiya. Buong katawan ko balot na balot ng pintura.  Pinunasan ko ang aking mata at tumingala, nakita ko sa itaas si Xander at ang mga pangit niyang tropa na. "f**k YOU! TANGINA MO GAGO KA ALEXANDER BOBO MAMAYA KA SA AKIN!" Bulyaw ko. Tumakbo ako sa comfort room ng girls at noong bubuksan ko na ang faucet ay walang tubig na lumalabas. Nakita ko ang isang glass na timba na may malinaw na tubig, agad kong kinuha ang pangdakot at binuhos ang--- "POTANGINAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA!" Napakainit pala na'ng tubig. "HAHAHAHAHA," bungingis ng isang demonyong lalaki na malamang si Xander. Tumakbo ako palabas ng comfort room at pumunta sa dorm. Kumukulo ako sa galit.  Tinulak ko ang pintuan ng dorm ng malakas at halatang nagulat ang dalawa. "Gago, saan ka galing?"  "Anong nangyari sa iyo?"  "POTA TULUNGAN NIYO KO, PAHINGI TOWEL AT MAY PAPATAYIN AKO MAMAYA," bulyaw ko. Agad na tumakbo si Gwen sa cabinet at kinuhaan ako na'ng towel. Pumunta akong comfort room at naligo doon. Hirap na hirap ako magtanggal ng pintura at namumula ang aking mukha dahil sa pagkapaso. "Eli, andito na ang yelo. I-tap mo sa mukha mo para mabawasan ang intense na pagkapaso at pupunta tayong clinic," sigaw ni Gwen. Pagkatapos ko maligo ay nagbihis na ako at naglagay ng yelo sa mukha ko. Ikinuwento ko kila Reign at Gwen ang nangyari. "Gago, ang lala naman ng galit nila sa iyo at talagang pinlano nila maigi ang nangyari," sabi ni Gwen. "Isumbong mo iya-- ay wala ka palang magagawa kasi nga superior sila dahil sa family nila," malungkot na sabi ni Reign. "Anong superior? POTANGINA nila walang-superior dito, ako kakausap sa head ministers mamaya," sabi ko. "Oh, kaya mo na ba? Punta na tayong clinic," sabi ni Gwen. "Tara," sagot ko. Naglakad kami papuntang clinic and hindi na ako matatakot kay nurse Daffodil dahil mas nangingibabaw ang galit ko na papuntang ganid na kay Xander. "Nurse Daffodil?" Sabi ni Reign habang kumakatok. Binuksan ito ni Nurse Daffodil at nagulat siya sa nakita niyang pamumula ng mukha ko. "Lagi ka na lang suki na'ng clinic Elianna ah?" Pagbibiro nito. "Tangina po kasi ni Alexander Clifford, siya po dahilan bakit lagi akong napapahamak," sabi ko. "Baka naman may gusto sa iyo at nagpapapansin lang," sabi ni Nurse Daffodil. "Gandang pagkagusto naman po iyan, halos sirain mukha at buhay ko," reklamo ko. "Isumbong mo," sabi ni Nurse Daffodil. "Kaso superior po ang family nila, hindi po kami pakikinggan," sabi ni Reign. "Pakikinggan si Elianna," sabi nito habang ginagamot ang aking mukhang namumula. "Wow, ang powerful naman ni Eli kung ganoon," sabi ni Reign. "Sobra," iyon lang ang nasabi nito. "Bakit--" hindi na natuloy ang sinasabi ko dahil nagsalita na agad si Nurse Daffodil. "Sige na, ipahinga mo saglit iyan at pwede ka na bumalik sa klase mo. May mga gagawin pa ako, mauna na ako," sabi ni Nurse Daffodil. "Sige Nurse, Babye po," paalam nila Reign at Gwen.  "Frenny, ang tindi naman kasi na'ng galit sa iyo ni Xander," sabi ni Reign. "Anong balak mo?" pagtatanong ni Gwen. "Magsusumbong sa head minister at ipapayo sa inyo na mag-iingat din kayo dahil posible na kayo na ang next," sabi ko. "Never," sabi ni Gwen. "Halaaaa," pagdadrama ni Reign. After mga ilang minuto na'ng pagkukwentuhan ay umalis na kami sa clinic at pupunta na kami sa Head.  "Hello po, mag--," nagulat ako dahil nasa loob din pala si Xander at ang kaniyang mga kaibigan. "Prof, may ginawa po silang masama kay Eli," sumbong ni Gwen.  "Oo Ms. La Uzon, kaya nga pinatawag ko sila dito dahil nalaman ko ang mga ginawa nila," sabi ni PRof. Valderama. "Hindi naman namin sinasadya Prof. Nagpapractice lang po kami na'ng spells tapos nagkamali po kaya nabuhos sa kaniya ang pintura tapos shunga lang po siya dahil hindi po niya napansin na mainit ang tubig doon sa hinalimusan niya," paliwanag ni Xander. "Hoy, napakasinungaling mo!" Bulyaw ko. "Bakit? Kasalanan ko bang bobo ka?" sabi ni Xander sabay harap sa akin. "Bobo ako?  Ang kapal ng mukha mo!" sabi ko. "Talaga?" "That's enough, hindi pa nga natatapos ang disciplinary actions niyo dadagdagan niyo na naman," paninita ni Prof. Valderama. "f**k, I don't want it," sabi ni Xander. "Prof. dapat lang maparusahan siya, hindi po deserve ng mga students dito na ibully niya na'ng ganoon? How can we train students in Aether about skills and defense if we can't teach them discipline? It's useless," paliwanag ko. "Dami mong alam," bulyaw ni Xander. "Don't worry, we'll make sure that discipline is input in every students, you can now go back to your respective rooms and boys, stay here," sabi ni Prof. Valderama. "But?" hindi na natuloy ang sinasabi ni Xander, Ken at Otep dahil nagpaalam na kami. "Thank you po Prof. " sabi naming tatlo. "Ay, Elianna go here by 9, I wanna talk to you alone," sabi ni Prof. Valderama. "Okay Prof. Valderama," sabi ko sabay umalis na kami. Pagkasara namin ng pinto ay biglang dumaldal si Reign. "Ang lakas mo naman Eli, naparusahan yo'ng mga bully dahil sa iyo,"  sabi ni Reign. "Oo nga," sabi ni Gwen. "Gusto ko na pumasok,  tara na punta na tayong classroom," sabi ko.  Nagkaklase na kami ngayon. "Ayan na naman ang mga prof na ipapahiya ako," bulong ko sa sarili ko na'ng mapansing tinitignan ako ni Prof. Luxia. "Show me your skills," sabi nito sa akin?  Sa akin nga ba? TInuro ko ang sarili ko na'ng magtagpo ang mata namin ni Prof. Luxia. "Yes, you" sabi ni Prof. Pinerform ko ang ilang skills na natutuhan ko at inaral ko sa loob ng silid sa Hadezar Building. Feeling ko mga basic lang iyon. "That's good that you learn basics," papuri ni Prof. Luxia. Bakit parang hindi kumukulo dugo nito sa akin today? "Now, I want you to learn how to show your Aether soul. Not only Elianna but everyone, I want you to stand up. Come on! Feel your energies. Relax, Okay. There you go. Say this enchant, Aether soul vien viniel," sabi ni Prof. Unang nagliwanag si Ken. Kulay white ang aura niya sa paligid. "Very good Kennedy," puri ni Prof. Luxia. Sunod-sunod silang nagliwanag ng puti.  Sinubukan kong ikalma ang sarili ko. "Elianna?" cue ni Prof. Luxia na gawin ko na. Tumango ako. "Aether soul vien viniel," pagkasabi ko noon ay biglang naramdaman ko ang init sa katawan ko na kagaya sa naramdaman ko sa pugon at natataranta ako.  Nanlaki ang mga mata na'ng mga kaklase ko at ni Prof. Luxia.  Hindi ako makahinga. Nagtayuan sila at lumayo sa akin ng bahagya. "Hindi ako maka--" Everything went black. Reign's POV "Eliiiiiiiiiiiii!" Sigaw ko. Tumayo ako at lumapit kay Eli na nakahandusay sa sahig at walang malay. "Get out and let her breath, La Uzon, call the enchants and nurses. Let's bring her in the clinic. Everyone, calm down, everything is okay. Go to your respective seats," pag-aannounce ni Prof. Luxia. "Nehistia Enchantes," sambit ni Gwen.  Nagpakawala ng yellow light orb si Gwen upang magbigay ng abiso sa mga nasa clinic na need ng urgent help dito. Maya-maya ay dumating na silang lahat at binuhat na si Eli.  "Prof. Luxia, sasama po kami. Kami po ang dorm mates and best friends ni Elianna," sabi ko kay Prof. Luxia. "Go ahead," sabi ni Prof. Idinala sa clinic si Eli at pinagpapahinga. "Reign, Gwen anong nangyari?  Kadadala niyo lang kay Elianna dito sa clinic, bumalik na naman kayo," sabi ni Nurse Daffodil. "Kanina po kasi sa klase namin kay Prof. Luxia, may spells po kasi na pinasubok sa amin which is yo'ng simpleng pagpapalabas po na'ng white light soul sa sarili. Alam niyo po iyon diba?" sabi ko. "Tapos noong si Eli na ang sumubok, gold na may halong red and lumabas na soul sa kaniya at parang nahihirapan siya huminga at nahimatay pa siya," sabi ni Gwen. Nanlaki ang mata ni Nurse Daffodil sa narinig niya. "Gold and Red Soul?" dahan-dahan nitong tanong sa amin. "Opo," "Opo,"  Sagot namin ni Gwen. "She's Hyacinth," pabulong pero rinig naman namin na sabi ni Nurse Daffodil. "Opo, Elianna Hyacinth Monteverde po kasi pangalan niya," paglilinaw ko.  "Bakit po?" pagtatanong ni Gwen. "That's imposible.. Anyways sige na bumalik na kayo sa inyong rooms at babalitaan na lang namin kayo kung okay na si Elianna" sabi ni Nurse Daffodil. "Ah, okay po," sabi ko. Naglalakad kami na'ng tahimik ni Gwen. Nakasalubong namin ang mukhang kuto na si Andrea "Ano? napatunayan na ba na hindi totoong Aether si Elianna? HAHAHH," pang-iinsulto nito. "Baka naman kasi sumpa siya na'ng Aether," dugtong ni Minnie. "Baka spy ng Mephistopheles, awhoohh, yari kayo. Ingat," pambubwesit pa ni Maya. "Putangina mo! WALA KANG KARAPATAN PAGBINTANGAN SI ELI NA'NG GANIYAN DAHIL HINDI MO SIYA KILALA!" Bulyaw ni Gwen. "Eh, kayo nga hindi niyo siya kilala e, HAHAHHAHA," sabat ni Minnie. "Tara na nga girls, baka mahawa pa tayo sa kabaliwan at kamalasan ng buhay nila. Ingat, Rest in Peace!"  Pang-aasar ni Andrea. Akmang sasabunutan na sana ni Gwen sila pero pinigilan ko siya. "Stop na, let them go," sabi ko. Umalis na din kami at pumunta na kaming Hadezar Building para asikasuhin ang malapit na matapos na Disciplinary Action sa kagaguhan namin I mean nila na nadamay lang ako. "Tara, simulan na natin maglinis," sabi ko kay Gwen. "Sige," "Teka, bakit tayo lang pala naglilinis? Nasaan na yo'ng ibang mga lalaki?" Pagtatanong ni Gwen. "Ewan ko doon, may monitor naman ata si Prof Agustin dito so malalaman niya kung sino ang naglilinis sa hindi," sagot ko. "Reign, patulong, bakit ang hirap buksan ng pintuan na ito?" Pagtatanong ni Gwen. "Wait nga, Struntient Leviorse," sambit ko na spell upang magbigay ng malakas na pwersa para mabuksan ang pintuan. Nagulat ako sa laman ng silid na iyon. Mga larawan ng aking magulang at ang mga sulat sa pader na nagsasabing "De Dios mamamatay tao," "Gabrielle De Dios mamamatay tao!" Nakita ko rin ang mga larawan ng ama ko na may ekis sa ulo.  "Reign De Dios, nagpapanggap na mahinhin para hindi malaman ang baho na'ng pamilya De Dios!" Nakita ko rin ang larawan ng kapatid ko na namayapa. "Tatay mo ito Re--," hindi na natuloy ni Gwen ang sinasabi niya dahil tumakbo ako at tinanggal lahat ng mga nakapaskil at pinipilit na burahin ang mga nakasulat sa pader. "Reign? Okay ka lang?" pagtatanong sa akin ni Gwen pero busy pa rin ako sa pag-iyak at pagtanggal ng mga nakapaskil.  Hindi nila alam ang storya na'ng buhay ko. Nanginginig ako sa takot, galit at lungkot. "Reign?" "SABING OKAY LANG AKO!!!!!!!!"  Pagkasigaw ko ay lumabas ang init sa mga palad ko at nagsisimula na akong makabuo ng bilog na tubig sa palad ko. Lumalakas ang hangin sa paligid namin. "Reign, kalma. Lumalabas ang dark soul mo, huwag mong hayaan na kainin ka na'ng takot, galit or sama na'ng loob," natatarantang sabi ni Gwen. "LUMAYAS KA MUNA!," pagkasigaw ko ay umalis si Gwen sa loob ng silid at tuluyan ng lumabas sa buong room. Hindi ko makontrol, napalingon ako sa pintuan at bigla ko itong naisara. Huminahon ako habang umiiyak at ikinulong ang aking mukha sa aking tuhod. "Ina, Ama," iyon na lamang ang sabi ko. Nanghihina ako. (Nagblack-out lahat) Gwen's POV Hayyys, kasalukuyan akong balisang naglalakad. Grabe nakakatakot si Reign kanina. Sino ba kasi ang nagpost ng mga larawan at mga maling pambibintang sa kaniyang magulang lalo na sa Ama niya? Huwag naman sana sila Xander dahil tiyak na mapapatay sila ni Reign. Tahimik, laging mahinhin at matatakutin si Reign pero huwag lang idadamay ang pamilya at ang masamang nakaraan niya dahil tiyak na lalabas ang dark souls niya. Hindi magandang kombinasyon ng kapangyarihan ang galit at ganid sa puso. Nagpapalabas ito na'ng hindi makontrol na kapangyarihan na maaaring makapaminsala sa mga tao. Umalis na ako sa silid kung saan naroroon si Reign at baka ako'y masaktan niya. Iyon kasi ang pinakakatago-tagong sekreto ni Reign. Hindi mo siya magagalit sa kahit anong bagay  maliban sa pagbanggit sa maling akusasyon tungkol sa pamilya niya na naging dahilan kung bakit siya nalalila na. Kapag napuno siya na'ng galit ay magiging dark preatigies siya at makapaminsala ang kapangyarihang tubig na iyon lalo na't hindi niya ito gaanong makontrol. Mabuti't nakokontrol niya na hindi ito lumabas dahil nakilala niya ako.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD