I was surprised to see that it was already morning when I woke up. Maliwanag na sa buong kuwarto pero hindi dahil sa ilaw, kundi dahil sa sinag na ng araw na nagmumula sa glass window ng room kung saan nakahawi ng bahagya ang kurtina. I quickly got up and looked at myself; I'm still wearing my red backless dress. But how come that I ended up here in bed? Wait… Am I just dreaming? Saglit akong napatulala at puno ng pagtataka na inalala ang huling pangyayari. No, it is not a dream; suot ko ang dress na 'to, ibig sabihin ay totoong nag-ayos ako kagabi dahil balak kong umalis para puntahan si Axle. Pero hindi nga lang natuloy dahil… “s**t!” Bahagyang umawang ang labi ko. I remembered now! Bumaba na ako ng kama at hinagilap ang phone ko. Pero hindi ko na mahanap pa, nang buksan ko ang slin

