Napilitan akong imaneho ang sasakyan pauwi ng bahay kasama si Spencer na ayaw talagang bumaba. Nakakapagtaka at ayaw nitong puntahan ang kanyang kabit kung kailan ako na mismo ang naghatid sa kanya. Kung tutuusin ay suwerte na niya dahil pumapayag na ako na tumira siya sa kabit niya at hinatid ko pa. Pero hindi ko inaasahan ang kanyang tudo tanggi. Kaya naisip ko na lang na baka ayaw niyang malaman ng kabit niya na napaso siya at baka mag-alala pa ito lalo't buntis. Kaya naman napilitan akong umuwi ng bahay para ihatid na siya roon dahil may pupuntahan pa ako. Pagdating namin sa bahay ay nagulat ako nang hubarin ni Spencer ang suot na business suit at tumambad sa akin ang pamumula ng dibdib nito. Talagang palang tumagos ang mainit na sabaw sa kanyang suot. Bigla tuloy akong kinain ng mati

