Spencer's Point of View My hands were trembling while driving, clutching the steering wheel tightly. It's already midnight, and I don't know where I should go now. Pero makalipas ang ilang minutong pagmamaneho ay namalayan ko na lang ang sarili ko na nakahinto na sa parking lot ng isang bar na pag-aari ng isa sa mga naging kaklase ko nung college. Pagkapasok ko sa loob ng bar ay konti lang ang mga customer sa loob, nasa mahigit sampo lang yata. This club is private and luxury kaya hindi na nakapagtataka kung bakit tama lang ang dami ng mga customer gabi-gabi. Dito rin ako pumupunta palagi tuwing nag-aaway kami ng asawa ko dahil sa peke kong pangangaliwa. Ang inaakala niyang nakitulog ako sa kunwari ay kabit ko ay walang katotohanan 'yun dahil dito ako dumidiretso. Sinasabi ko lang naman

