IT'S 11:54 PM, mag-isa lang akong nakahiga sa kama habang nakayakap sa unan at dinaramdam pa rin ang pagtatakwil ni Lolo sa akin. Oo, ang sakit pa rin, parang paulit-ulit na nagpi-play sa utak ko ang mga masasakit na salita na pinagbato nito sa akin kanina. Ngayon lang kami nagkaroon ng tampuhan ni Lolo at ganito pa kalala, talagang tinakwil niya ako ng walang pagdadalawang isip. Same with Spencer, hindi na ako nito pinapansin na para bang hangin na lang ako sa kanya. Kanina nang pumasok ako ng kitchen para mag-dinner ay naabutan ko siyang mag-isang kumakain, but he didn't even ask me if I'm hungry or kumain na ba ako, or kung anong gusto kong kainin; wala siyang tinanong na gano'n, bagkus ay mabilis na tinapos agad ang kanyang pagkain at iniwan ako sa loob ng kitchen nang hindi man lang t

