I COULDN'T TELL AXLE THAT I'M PREGNANT. Parang umurong bigla ang dila ko na sabihin sa kanyang buntis ako. For what? Ano nga ba ang mapapala ko kung sakaling sabihin ko man sa kanyang nabuntis niya ako? He's not my husband, and I'm still married. Iniisip ko kung ano ba ang magiging reaction niya. Magagalit kaya siya, or what? Anong desisyon kaya ang gagawin niya kapag sinabi kong magiging ama na siya? I'm scared. Baka kasi sumbatan niya lang ako at sabihing kasalanan ko kung bakit ako nabuntis dahil hindi ako nag-iingat. Pinangunahan na agad ako ng takot ko. Pero mas natatakot yata ako na malaman ni Spencer, baka isumbong pa ako nu'n kay Lolo, hindi malabong mangyari 'yun. Nasisiguro kong hindi maganda ang kalalabasan kapag nalaman ni Lolo na nabuntis ako ng ibang lalaki at talagang kala

