Sandali akong natahimik nang marinig ang paliwanag ni Michelle, hindi ako lumingon at nanatili lang nakatalikod habang nakatayo sa tatlong palapag ng hagdan. “Kaya kung ako man ang naging dahilan ng pag-aaway ninyong mag-asawa, sana naman ay magkaayos na kayo ngayon dahil nasabi ko na sa 'yo ang totoo, Shen. Wala talagang nangyari sa amin ni Spencer. Oo, aaminin kong nagkagusto ako sa asawa mo dati at minsan na ring nagtapat sa kanya ng pag-ibig ko, but he rejected me. Nakakatawa nga dahil napahiya lang ako sa pag-amin ko.” Bahagya akong napapisil sa aking kamay at sandaling napapikit. No, hindi na ako puwede pang magpadala sa emosyon ko. Totoo man o hindi ang sinasabi ng babaeng 'to, dapat balewalain ko na lang. It's too late. Nakapagdesisyon na ako at hindi ko na puwede pang baguhin

