Two months later PAGKALABAS ko pa lang ng building ay agad na akong dinumog ng napakaraming reporters at binato ng iba't ibang mga katanungan. “Crissa Shen Mishova, totoo bang magbibitiw ka na bilang CEO ng Mishova's Holdings?” “Ano ang masasabi niyo sa unti-unting pagbagsak ng inyong kumpanya?” “Totoo ba ang bali-balita na kaya bumabagsak na ngayon ang Mishova's Holdings ay dahil sa inyo? Dahil hindi niyo ito kayang patakbuhin ng maayos, katulad ng kung paano ito patakbuhin ng inyong asawa?” “Nasaan na ba ang asawa niyo ngayon? Totoo bang hiwalay na kayo?” Hindi ko sinagot kahit isang tanong ng mga reporters at diretso lang akong lumakad papunta sa parking lot, kahit hinarangan na ako ng mga ito ay pinagbangga ko na lang, hanggang sa nang sa wakas ay nakapasok na rin ako sa loob ng

