‘I'll be back when the right time comes. I love you!’ 1 Year Later Shen's Point of View MARAHAN kong kinapa-kapa ang tabi ko habang nanatiling nakapikit dahil nga inaantok pa ako, pero wala na akong makapa pa kundi unan, kaya tuluyan na akong napamulat. And kaya naman pala dahil wala na akong katabi, mag-isa na lang akong nakahiga sa kama. Nang mapatingin ako sa hanging clock ay 08:32 AM na rin pala, ibig sabihin ay late na naman akong nagising. Napasimangot na lang ako at tamad na bumangon. Sandali pa akong napaunat-unat bago bumaba ng kama. Pagkapasok ko sa loob ng bathroom ay agad na sumalubong sa akin ang napakabangong halimuyak. Nakahanda na pala ang pampaligo ko, puno na ng milk with rose petals ang loob ng bathtub. “Oh, what a sweet husband,” mahina kong sambit nang nakangiti.

