TULALA ako habang nakaupo sa couch kasama ng mga kaibigan ko rito sa living room at nakatingin lang sa urn na naglalaman ng abo ni Lolo. Napagdesisyunan namin ni Spencer na ipa-cremate na lang ang katawan ni Lolo, at dito na rin ginanap ang one week burol sa mansyon. Sobrang bigat sa dibdib, ang sakit tanggapin. Hindi ko matanggap na sa isang iglap ay bigla na lang nawala si Lolo sa akin. Pero ang pinakamasakit sa lahat ay may tampuhan pa kaming dalawa. Pakiramdam ko ngayon ay hindi ko na maimulat ng maayos ang mata ko dahil sa pamamaga gawa ng pag-iyak ko mula pa kagabi, na kahit anong pagpapatahan at yakap sa akin ni Spencer at mga kaibigan ko ay patuloy pa rin ang pag-iyak ko, pati ang boses ko ay namaos na rin, katunayan ay hinimatay pa ako kagabi dahil nahirapan na akong huminga sa k

