Nanatili ako sa loob ng kuwarto at hindi na lumabas pa. Makalipas ang ilang minuto ay natahimik na ang buong paligid, wala na akong marinig pang ingay ng pagkabasag at gano'n din ang boses ni Axle, hindi ko na narinig pa ang pagsisigaw nito, mukhang napagod na yata. Kaya naman naisipan kong lumabas na sa kuwarto para sumilip sa baba at makita kung ano na ba ang nangyari. Pero pagbaba ko ng stairs ay wala na si Axle, at napaawang na lang ang labi ko nang bumungad sa akin ang mga basag na gamit na tila pinagwalaan ng isang psychopath; Basag na basag ang screen ng 100-inch na TV at nasa sahig na ito dahil nahulog na mula sa pagkakadikit sa pader, ganoon din ang mga vase at glass coffee table, may mga bubog pa sa couch, at higit sa lahat ay may mga patak na ng dugo ang nagkalat sa living are

