Shen's Point of View NAKATULUGAN ko na ang pag-iyak ko dahil sa pagkulong sa akin ni Lolo sa kuwarto. Nang magising ako ay mag-isa pa rin ako at hindi pa rin bumubukas ang pinto. Pero makalipas ang ilang sandali ay napabalikwas na lang ako ng bangon at mabilis na napatingin sa pinto nang marinig ang pagbukas nito. Pumasok ang isang katulong na may bitbit na tray na naglalaman ng pagkain. “Ma'am, ito na po ang pagkain niyo for dinner.” Inilapag nito sa bedside table ang tray. “Where's Spencer? At anong sabi ni Lolo? Puwede na ba akong lumabas dito sa kuwartong 'to?” tanong ko imbes na pansinin ang pagkain. “Ah opo, pinapapunta po kayo ng Lolo niyo sa kanyang opisina pagkatapos niyo raw pong kumain.” I immediately stood up. “No, thanks. I'm not hungry. Kainin mo na lang 'yan kung gusto

