Hindi ko inaasahan na siya pala ang kasuntukan ni Spencer. “W-Why are you here?” utal kong tanong na tanging ako lang yata ang nakarinig dahil sa sobrang hina. “Your husband called me to come here. He wants a fight, kaya pinagbigyan ko na since I'm not busy. Kailangan ko rin kasi ng mapagbubuntungan ng galit ko.” “W-What?” My brows furrowed. Pero bago pa ako muling makapagsalita ay bigla na lang bumagsak pahiga si Axle dahil sa hindi inaasahang pagsuntok ni Spencer na nakabangon na pala. Mabilis nitong pumaibabaw kay Axle at pinaulanan ng suntok sa mukha, pero mabilis naman nitong nasalag. Muli namang naghiyawan ang mga tao sa loob ng club. Nataranta naman ako, hindi ko na alam kung paano umawat sa kanilang dalawa dahil para na akong nahilo sa ingay ng paligid. Kaya naman nang makita

