Pagkalapit ko sa kanila ay agad kong inawat ang kaibigan ko at hinila ito sa braso para paalisin sa ibabaw ni Spencer. “Stop, Austin! Please!” Pero muntik na akong bumagsak sa sahig nang bigla na lang sinipa ng malakas ni Spencer si Austin sa tiyan, kaya naman napaatras ito sa akin at nag-untog kaming dalawa, malakas na tumama ang likod ng ulo nito sa nguso ko. Fuck. It hurts! Napaigik ako sa sakit at agad na napatakip sa bibig gamit ang aking kamay. I was shocked for a moment. Naluha bigla ang mga mata ko dahil sa malakas na pagtama ng labi ko sa ngipin ko. Shit. Sobrang sakit, dumugo yata ang loob ng bibig ko dahil parang may nalasahan na akong lasang kalawang. Bigla rin akong nakaramdam ng pagkahilo, parang sandaling umikot ang paningin ko. “Shit.” Napahinto naman si Spencer sa a

