Shen's Point of View “WHY? Ayaw mo ba ng mga 'yan? Gusto mo ipaghanda kita ng iba?” Spencer asked, may lambing pa sa boses nito. Hindi ako sumagot at nakatingin lang sa breakfast na nasa harap ko: One glass of milk, bread, cereal and porridge. Parang breakfast lang ng may sakit. Kakagising ko lang at ito na agad ang bumungad sa akin pagbangon ko. Himala at nagawa niya akong dalhan ng breakfast sa kuwarto. This is the first time na ginawa 'to sa akin, hindi ko alam kung anong nakain niya. “Are you trying to be a good husband now?” walang gana kong tanong at pasimpleng tumingin sa braso nito na nasugatan kagabi. May benda na ito ngayon, mukhang ginamot na niyang mag-isa. Spencer sighed. “I'm sorry… Hindi ko sinasadyang ipag-lock ka ng pinto kagabi. I just wanted you to stay here in our h

